Chapter Seventy Three- The Promise

421K 8.2K 2.3K
                                    

SILVER's POV

I’ve never been this anxious. Nung tinanong ni Mikaela over the phone kung kamusta na kami, parang yun na ang pinakamatagal na paghihintay ko sa sagot ng isang tao. I’ve never been this interested sa isang tanong na hindi naman ako ang nagtanong. It's like watching a game show when you the answer but you can't do anything about it.

Pero wala eh. Pilit akong iniinterject sa usapan at ikinikwento sa isang 3rd person, kahit nandito ako at wala akong magawa kundi makinig. Hindi dahil sa wala akong choice, kundi dahil gusto ko talagang makinig.

“Uy! Ano nga? Kamusta na kayo ni Silver?” inulit ni Mika yung tanong dahil medyo matagal ng may dead air. O sadyang anxious lang pati sila. Iniharang pa ni Mika ang index finger sa labi niya. 

“Ano? Ano ulit?” sagot ni Zy mula sa kabilang linya na parang hindi niya narinig yung tanong ni Mikaela.

“Ulit-ulit Zylie? Hindi mo ba naririnig yung tanong? Choppy ba?” sa itsura ni Mika, parang  gusto niya ng sakalin ang cellphone na hawak. Perhaps apprehensive din siya sa mga ginagawa namin at sa delaying tactics ni Zylie.

“Naririnig ko naman! Hindi naman choppy! Medyo malakas pero minsan malayo yung boses mo diyan. Tska dinig na dinig ko yung electic fan.” Sabay-sabay kaming napatingin sa lumang electric fan sa tabi ni Alyanna. Napakamot pa ito ng ng ulo while mouthing Sorry! Luma na yan eh! Maingay! 

“Naka-loud speaker ka ba?” muling nagsalita si Zy.

“HA? Hindi ah! Hindi!” defensive si Mika. Napansin niya ang pag-iling ko. Masyado kasing halata ang pagiging defensive. Zylie might see through it “Ikaw ha! Hahaha! Iniiba mo yung usapan Zylie, hindi mo sinasagot ang tanong ko!"

Nice recovery. Gawain ng mga taong guilty.

“Bakit? Bakit mo biglang kinakamusta yun?”

‘yun’?

Once upon a time I was a pronoun. And it hurts.  Pati ba sa mga pronouns naiinis na rin ako? What happened to me?

“Bakit masama ba magtanong? Hindi ka na nagkwento simula nung pumunta ka dun sa kwarto nung ex niya nung nasa ospital pa tayo.” Medyo touchy yung topic. Everybody feels awkward. Banggitin ba naman si Cleo in a casual way.

“Ahh. Yae. Okay naman… Ayun. Masaya!” Sagot ni Zylie. Tinginan kami.

Masaya? Bakit ganun siya sumagot? Kahit sa kaibigan niya,  ganun ang inaasta niya.

Maya-maya naglakad na naman papasok sa sala ang mama ni Yanny para kunin ang natitirang lalabhan. Napatingin siya sa aming tatlo kaya napilitan si Mika na tapusin na ang tawag at baka magsalita pa ang ilaw ng tahanan at mabuking pa kami.

“Ahh sige Zylie, may gagawin lang akong saglit. Bye!”

“Okay! Hahaha!”

At dun nagtapos ang vague na usapan nilang dalawa. Nang umalis na ang nanay ni Alyanna, nagbalik yung pag-uusap namin.

“You see!? Nababaliw na si Zylie! Masaya daw kayo, tapos tumatawa-tawa pa/”

“Omg, ikaw ang may kasalanan ng pagkabaliw niya.” Tinignan nila ako with accusing eyes. Alam ko naman na sinisisi nila ako at wala akong kaso doon. Aminado ako.

“Hindi siya baliw.” I whispered. “Maybe... maybe she’s just numbing the pain.”

“What do we do?” tanong ni Alyanna.

“Sana nga nabaliw na lang siya eh.”

“How can you say that?!” naasar ako sa remark ni Mikaela. Bakit niya namang gugustuhing mabaliw si Zy. Zylie has already considered herself as ill-fated and unfortunate. Pero she isn’t crazy. She isn’t. Kaya tumaas yung boses ko.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon