TERRENCE'S POV
Di na ako mapakali eh. Kanina pa ako nasa labas ng classroom nila Zylie. Pinagtitinginan na nga ako ng ilang dumadaan sa corridor. This is the classic example that no matter how you prepare, feelings pa rin ang mangunguna at mawawala lahat ng preparation.
Huminga ako ng malalim tapos pumasok na ako. Parang yun na yata ang pinakamahirap gawin, yung ihakbang yung paa sa loob ng classroom nila Zylie.
"Oh hi po sir!"
"Good morning sir!"
May mga ilan ng mga estudyante na bumati. I tried to maintain a cool face.
Hinahanap ko pa rin si Zylie. Imposibleng absent siya. Nakita ko pa siya kaninang umaga eh. Pero nakita ko si Mikaela. Kitang kita ko na narecognize niya agad ako. Nakita kong umiiling siya.
Hanggang sa nakita ko na si Zylie na umupo sa upuan niya mula sa ibaba. Puro kabaliwan ang naiisip ko. Pwede akong mademanda sa naiisip kong gawin sa kanya ngayon sa harap ng mga estudyante. I tried to resist. Hindi tama.
"Ehem ehem, Sir Hello..." nagsalita si Mikaela. Mukhang napansin na kasi ng buong klase na kay Zylie lang ako nakatingin.
"Hmm. Hi ... Hi class, I'm your new teacher. My name is Renz Sanchez." I emphasized the Renz. I'm a new person. I'm not Zylie's Terrence.
Pinilit ko magsalita ng tuwid at tumingin sa iba't ibang estudyante. Pero sa gilid ng mata ko, tinitignan ko pa rin si Zylie.
God I missed her. Nakikita ko sa mata niya na galit siya. Syempre, ano ba naman ang ineexpect ko diba?
"Since first time nating magkita-kita lahat, can I ask everyone to have just a little self-introduction?"
"Yes, sir!!" masigla at palabati ang mga estudyante.
Mukhang excited pa ang iba. Pero iba ang tinginan nila Zylie at Mikaela. Gusto ko kasing marinig ang boses ni Zylie kaya ko ginawa yun.
"We can start infront" sabi ko sabay nagsalita na yung babaeng nasa pinakaharap. Matagal-tagal pa ang hihintayin ko bago magsalita si Zylie. Nakita kong hinawakan ni Mikaela ang kamay niya.
Ilang estudyante 3 estudyante na lang bago si Zylie kaya hindi na ako mapakali.
"Hi ako po si Alyanna Cortez, nickname ko po Yanny. Mahilig po ako sa color silver..."
"Ayyeeeeeehhh silverrr" May mga ilang nangasar. Muntik ko pang hindi magets yung sinasbi nung Alyanna. Sikat din pala yung mayabang na yun dito sa school na hanggang sa ibang classroom ay matunog ang pangalan niya.
"... bakit?? Mahilig naman talaga ako eh. I also love to sing and dance. Pati na rin magdrawing. Yun lang po!!!"
Si Mikaela na ang susunod, tapos si Zylie na.
Tumayo si Mikaela habang titig na titig sa akin. Sabi ko na eh, Galit din siya sa akin.
"Mikaela Jean Fernandez. Mika. Mahal ko ang mga kaibigan ko... at galit ako sa mga manloloko. Yun lang po."
Aww. Tagos naman yun. Nagulat yata ang klase sa mga sinabi nito pero hindi naman yata nahalata na nagpaparinig si Mikaela sa akin.
"Sir, hwag niyo na pong patayuin si Zylie, may sprain siya." Sabi nung Alyanna.
May sprain siya? Darn kaya pala parang hindi siya makalakad ng maayos kanina eh. Kawawa naman si Zylie.
"Ahh.. okay zy.. Zylie" first time ko kasi ulit sasabihin yung pangalan niya. "Sige Zylie you can talk on you seat."
"Zyla Lienne Carbonnel. Zylie na lang PO.
Po? Talagang binigyan niya ng stress yung salitang "po"
"...extremely independent, and, very very happy."
Very very happy? Indendent? Ewan ko ba. Katulad ni Mikaela alam kong para sa akin din yung self introduction niya. Parang natuyuan ako ng laway. Hindi ko na naintindihan yung mga sinasabi ng ibang sumunod kay Zylie.
Lagi akong palihim na sumusulyap sa kanya, pero di ko mahuli yung mga mata niya. Sa buong klase, nakatingin lang siya sa board, sa labas ng classroom, o kaya sa notebook niya. Never siyang tumingin sa akin.
"Okay class, Thank you, thank you for a great class. Here's the subject outline, I'll see you tomorrow."
"Sir may time pa po." Sabi nung babae sa harap.
"I know, I'll give the remaining time para basahin niyo yun attached reading material, we'll discuss it tomorrow." I never expected na studious pala ang mga estudyante sa Vander. Kadalasan, magdidiwang ang mga students kapag maaga umalis ang teacher. Pero iba ang mga ito. Lalo na ang mga babae.
Lumabas na ako. Kahit may 10 minutes pang natitira. Kapag kasi hindi ako lumabas baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na lumapit kay Zylie.
Niluwagan ko yung butones ng polo ko. Feeling ko kasi hindi ako makahinga. Dibale mamaya. Hindi pwedeng hindi kami magkausap.
*later*
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)
Romance[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd part just the 2nd half) 1/2 (Pop Fiction, 2014) 2/2 (Pop Fiction, 2015) Blurb Siya si Zylie. Hindi siy...