Mabilis lumipas ang maghapon. Wala nang masyadong ginagawa kasi katatapus lang ng semi finals. Nagkataon pa na late ata ang prof namin ngayun.
"Phia. Nabalitaan mo na ba yung gagawin daw nating finals para sa Humanities?" -Ranz
"Hindi pa. Ano ba yun?"
"Ime-merge daw ang section natin sa isang section sa Mascom. Tapus gagawa daw tayo ng Musical Play." Musical play? Ang daming kaartehan ng prof namin.
"Aaaahh..." Wala naman akong interes sa mga ganyan. Let's just say na nagka trauma na ako sa mga stage plays.
"Nakuuu. Nakaka excite naman! Di ba Phia magaling kang kumanta? Tapus nung high school active ka sa theatr --" Pinutol ko na ang sinasabi ni Ranz at baka may makarinig pa sa kanya. Pati ayoko ng alalahanin ang high school days ko.
"Hindi ako magaling kumanta. Ikaw kaya dyan ang magaling."
"Ako? P-pero --" Hindi na natapus ang sinasabi ni Ranz dahil dumating na ang prof namin sa humanities.
"Ok class. Siguro naman narining niyo na ang tungkol sa finals natin. Next week, magkakaroon tayo ng brainstorming kasama ang mga taga mascom, sa audi. Any questions?"
"None sir." -class
"Okay. That's it for today. Class dismiss."- prof
Last subject namin ang humanities. At hanggang sa paglalakad namin pag uwi ay yung musical play parin ang bukang bibig ni Ranz.
"Naku! Phia! Sigurado ako magiging masaya yung play. Balita ko kasi yung vocalist ng Wanderlust ay nandun sa section na ime-merge satin." Teka? Wanderlust? Parang... parang....
"Sino nga ba yun? Si Se... Ste...." -Ranz
"SI STEPHEN!?" Sa pagkakatanda ko kasi yun yung sinabi nung isang babae kanina sa condo.
"Oo! Yun nga! Teka? Pano mo nalaman? Wait. Di ba kapangalan yun nung kinuwento mo sakin nung isang araw? Wag mong sabihin na--"
"Oo. Siya nga." Kamalas malasan nga naman.
"Oh-em-geeeee! Feeling ko pinaglalapit kayo ng tadhana!" tapus umakto siya na parang kilig na kilig.
"Magtigil ka nga. Anong tadhana tadhana? Feelingera ka talaga. Malas ako kamo. Alam mo ba na siya ang occupant ng katabi kong condo. Malas talaga!" Napasinghap naman siya na parang hindi makapaniwala.
"Talaga? Matagal na ko sa condo pero bakit di ko alam?"-Ranz
"Ewan ko sayo. Hindi ka kasi nakikihalubilo." Ewan ko ba sa babaeng to. Tahimik siya pag iba ang kasama, pero pag ako ang kasama sobrang daldal niya.
"Sabagay. May point ka dun!" Nakangiting sabi ni Ranz.
Sa haba ng napag usapan namin hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kame ng condo.
"Ranz. Umuna ka na sa taas at may kukunin lang ako sa kotse."
"Okay. Nga pala, magluluto ako ng adobo. Dun ka na sa room ko magdinner ha! Please Phia!"
"Oo. Siguraduhin mong masarap!"
"Oooookay!" -Ranz
Pagkakuha ko sa mga gamit ko ay umakyat din ako agad. At laking gulat ko sa nakita ko.