DEKADA BAGO NAKAPAG-UD. HAHA! SORRY! :)
***
Dumating ang exam week. Mahirap ang exams pero carry lang dahil wala naman akong ginawa nitong mga nakaraang araw kundi ang mag-aral.
Ngayun, nandito kame ni Ranz sa mall. Hindi ko alam kung anong naisip ng babaeng ito ay bigla na lang nag-aya mag-shopping. Wala na din naman akong ginagawa kaya sumama na ako.
Nakaka-ilang lipat na kame sa mga shops at ang dami na naming napamili. Buti nalang at kasama namin ang isa sa mga body guards niya at may tiga-dala kame ng pinamili.
"Ranz. Bakit ba bigla ka nalang nag-aya mag shopping?" Tanong ko sa kanya habang nagsusukat ng sapatos.
"Seryoso Phiatot? Hindi mo alam?" Litanya naman niya habang nakatindig at nakapamewang pa.
"Itatanong ko ba kung alam ko?"
"Ha-ha-ha. Sabi ko nga po. Una, malapit na ang party para sa celebration ng success ng play niyo. And that is, the day after tomorrow. Pangalwa, BIRTHDAY mo na po bukas. Kaya nag-cecelebrate tayo ngayun." Oo nga pala. Ano ba yan? Pati birthday ko nakalimutan ko na. Nawala na yun sa isip ko sa daming ng inaalala ko. Idagdag mo pa si Stephen na hindi parin ako kinaka-usap.
"Oh? Bukas na pala. Then why are we celebrating today? Why not tomorrow?"
"Ah. Ano. 2 days celebration! Bukas at ngayun tayo magcecelebrate. Para bongga! Di ba?"
"Ikaw talaga, ang dami mong alam. Kain na muna tayo, ginugutom na ako."
Nagbayad na kame at pumunta na sa paborito naming resto.
"PHIA! Ayoko na pala kumain dito. Doon! Doon nalang tayo sa Tokyo-tokyo." Sabi niya habang hinihila ako palabas ng Gerry's Grill. Hindi ko naman siya maintindihan. Siiya pa nga ang nag-aya dito tapus ayaw niya?
"Ayoko nga. Ano ka ba? Nandito na tayo. Dito na tayo kumain. Besides, tinatamad na akong lumakad. Tara na." Papasok na sana ulit kame ng resto ng may nakita akong di kanais-nais.
Si Stephen sinusubuan si Viki Vutiki.
Seryoso ang mukha ni Stephen habang si Viki naman ay parang nangingisay na sa sobrang kilig. Ang sarap niyang kuryentehin ng matuluyan na siya sa pangingisay niya. Letse!
Napangiti nalang ako sa sakit.
Habang nagdudusa ako sa kaiisip sa kanta, heto siya at nagpapakasaya sa piling ng iba.
"Phia, tara na. Sa Tokyo-tokyo nalang tayo, huh?" Mahinahong sabi ni Ranz habang hawak ako sa kamay. Tumango nalang ako dahil wala na akong lakas na magsalita at umangal pa.
Tahimik kaming kumain. Si Ranz lang pala ang nakain, dahil halus hindi ko ginagalaw ang pag-kain ko. Panay ang tingin niya sakin na para bang hinihintay niya akong umimik o may gawin.Pero wala, wala akong sinabi, wala akong ginawa. Kahit ata pag-iyak ngayun hindi ko na kaya. Napa-buntonghininga nalang si Ranz habang pinagmamasdan ako.
Umuwi na din naman kami agad pagkatapus kumain dahil wala na ako sa mood mag-shopping.
"Phia, wag ka ng malungkot." Sabay hawak sa dalwa kong kamay. "Tomorrow, things will be clearer. You'll see." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Para bang alam niya na may mangyayari bukas. Para bang may alam siya na hindi ko alam.
"Huh?"
"Basta. Good Night!" Sabay takbo pataas ng unit niya.
Tomorrow, things will be clearer.
I HOPE SO.
