Vacation went by slow. Slow and painful. Madalas ay nakakulong lang ako sa kwarto.
Si Ranz ay araw araw napunta dito. Kulang na nga lang ay dito na siya tumira para mabantayan ako.
Si Diara ay bumalik na sa New York dahil madami pa siyang aasikasuhin at namimiss na din daw siya ng kanyang asawa.
Si Jace naman ay paminsan minsan lang napunta. Pupunta siya pero tahimik lang na naka upo sa tapat ng kama.
"Hoy Phia! Iniinvite tayo ni Harold! Swimming daw bago magpasukan." Saad ni Ranz.
"Ahm. Kasama ba si.."
"Wag ka mag-alala. He's not invited." Aniya at kinindatan ako.
"Pag-iisipan ko."
"Anong pag-iisipan? I won't take no as an answer. It's either yes or yes, so don't bother thinking."
Bahagya naman akong napangiti sa sinabi niya. "Fine. Kelan ba?"
Kinabukasan na agad yung swimming dahil next week ay pasukan na. Sa sobrang pagmumukmok ko ay hindi ko na namalayan ang panahon. Pasukan na pala sa darating na isang linggo?
Sa kotse ni Jace ako nakasakay. Sa unahan namin ay ang Van ni Harold. Doon nakasakay si Ranz at yung iba pang myembro ng wanderlust na sina James, Trinity, at Alex.
Gaya ng sabi ni Ranz ay hindi invited si Stephen. Hindi ko alam kung totoo bang hindi siya invited o hindi lang talaga siya sumama dahil iniiwasan niya ako.
"You look like you're gonna punch someone's face right now." Panunukso ni Jace.
Hindi ko naman siya pinansin at tumingin lang ako sa labas para pagmasdan ang mga nadadaanan namin mga puno at kabukiran.
"Maganda ka parin kahit nakasimangot at nagtataray."
Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Hinarap ko siya at inirapan. "Anong drama yan Jace?"
"Ako pa talaga yung madrama? E sino kaya yung emong nakatingin sa bintana?"
"Hindi ako emo!"
"Sinabi ko bang ikaw?" Aniya habang malapad ang ngisi.
"Whatever Valderama."
"Galit ka na niyan?"
"Hindi ako galit."
"Okay. If you say so." Nagkibitbalikat na lamang siya at nagdrive na ng tahimik.