Nandito ako ngayun sa kwarto, nagbabasa ng script habang hinihintay na lumabas si Stephen sa banyo. Ano ba yan, 5 minutes na siyang nasa loob.
*knock knock*
"Phia, ikaw na." Naghinaw na din ako. Matapus yun ay nagpraktis na kame.10:30 na din kame natapus. Konti nalang polished na.
Humiga na ako sa kama KO. Dun ako sa medyo dulong kanan. Si Stephen naman, ayun nakatayo parin sa kabilang dulo ng kama.
"Anong problema mo diyan? Hindi ka pa ba inaantok? Higa na." Sabi ko sa kanya. Aba't ang loko mukhang nahihiya. Siya kaya ang naka-isip nito. Nagulat nalang ako nung kinuha niya yung isang unan at humiga sa sahig. "HOY! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo diyan sa sahig?"
"Ah. Tutulog?" Painusente niyang sagot.
"Baliw ka ba? Naka-AC ang kwarto ko. Marble ang sahig. Gusto mo bang magka-ubo at sipon sa lamig?" -Ako
"A-ano kasi.." At hayan na naman po siya mga kaibigan. Namumulang parang kamatis. Ang cuuuute!
"Ano? Humiga ka na dito kundi kukutusan kita." I said in a cold voice.
"P-pero kasi..."
"Stephen, wag mong pilitin na tumayo pa ako." At binigyan ko na siya ng death glare ko.
At ayun si loko, sampa sa kama. Natakot ata. AHAHAHA! Iisa lang yung kumot so technically magka-share kame sa iisang kumot. Pareho kameng nasa makabilang dulo nitong kama. Ilang sandali pa ay nakatulog na ako.
Bakit parang ang tigas naman nitong unan na yakap ko? *pisil pisil*
"asdfghjklzxc"
Agad naman bumukas ang mata ko nung narinig ko ang boses ni Stephen. SH!T! Nakalimutan ko na magkatabi nga pala kameng natulog! Babangon na sana ako, pero naramdaman ko na nakayakap din pala siya sakin.
:"> Kinikilig ako mga kaibigan!
Ang himbing naman ng tulog nito. Tiningnan ko ang mukha niya. Ang gwapo niya talaga. Ang kinis ng mukha niya na parang pati pimple nahiyang tumubo dun. Hindi naman sobrang tangus ng ilong niyo, tama lang. Ang lips niya... OH LORD!
Bigla kasi siyang nagmulat ng mata.
AWKWARD!
Magkatitigan kame ngayun habang magkayakap parin. Pakiramdam ko ang lakas lakas lakas ng tibok ng puso ko. Naririnig niya kaya? Nung mukhang natauhan na siya, bigla naman siyang napatayo.
"A-ah. S-sorry. Malikot yata ako matulog." Namumula na naman siya. Hindi siya makatingin sakin.
*chuckles* "Okay lang. Hmmm. Okay lang ba kung ikaw nalang magluto ng breakfast natin ngayun? May mga pinamili na ako kahapon." Relax ko namang sabi sa kanya.
"Okay." Ngumiti siya at lumabas na. Nag ayus na ako ng sarili, nagtoothbrush at lumabas ng kwarto. Pero bago ako pumunta sa kitchen ay sinilip ko muna si Andrew. Tulog parin.
Pagpunta ko sa kitchen ay nakita ko si Stephen na nagluluto ng eggs and hotdogs. Umupo naman ako at pinanuod ko nalang siya magluto.
"Anong balak mo ngayung araw?" Tanong niya sakin habang nagluluto.
"Wala naman. Bakit?"
"Simba tayo."
"Okay." First time kong pupunta sa simbahan na hindi si mama at papa or si Ranz ang kasama. Teka? Inaaya niya ba ako sa date? Okay. Ang assumera ko.
"Phia." Napatayo naman ako dahil narinig ko si Andrew na tinawag ang pangalan ko. Nasa likod ko pala siya pero medyo malayo naman.
"Oh, Andrew. Good morning!" Maganda kong bati sa kanya.
"Good morning." Sabi naman niya habang nakangiti.
"Good morning pare, halika katatapus ko lang magluto. Kain na tayo." Biglang sabi naman ni Stephen. Halata naman na nagulat si Andrew ng biglang nagsalita si Stephen.
"O-osige." At yun kumain na kame. Pagtapus ay nagprisinta na si Stephen na siya na din daw ang maghuhugas, hindi na din naman ako naka-gigil pa.
Pumunta kame ni Andrew sa living at dun kame nag-usap.
"Sorry sa abala ha." -Andrew
"Ano ka ba. Wala yun. Kahit papano naman, may pinagsamahan tayo." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Si Ezeki kasi." Napa buntong hininga siya at parang maiiyak na.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Alam mo, hindi mo na kailangang sabihin sakin. Naiintindihan naman kita." Napangiti naman siya sa sinabi ko. Isang malungkot na ngiti.
"Salamat ha."
SILENCE
"Sa iisang condo na kayo nakatira ng boyfriend mo?" Nakangiti niyang tanong. Hindi ko gusto ang ngiti niya. May malisya. -_- Napatingin naman ako kay Stephen na tapus na pala maghugas at nakasandal nalang sa sink at nakatingin sakin. Take note, nakangiti siya. Nakakalokong ngiti.
"A-ah. Hindi naman. Pansamatala lang. May tinatapus lang kame." Sabi ko kay Andrew. Unti-unti namang lumapit samin si Stephen at umupo sa tabi ko.
At inakbayan ako.
Napatingin ako sa kanya, aba ang lapad ng ngiti nang loko!
*ehem* "Osige Phia at pareng..."
"Stephen pare." Nakangiting sabi ni Stephen at parang proud na proud.
"Pareng Stephen." Sabay shake hands sila. "Uuna na ako sa inyo ha. Salamat nga pala ulit." At nagsimula ng maglakad palabas si Andrew.
"Sige." At isinara na ni Stephen ang pinto. Humarap naman siya sakin at ayan na naman ang nakakaloko niyang ngiti.
"Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Sige GIRLFRIEND liligo na ako at nang makasimba na tayo." At talagang diniinan pa niya ang pagkakasabi ng girlfriend. Lumakad na siya palayo habang tumatawa. BALIW!
Pero sa halip na mainis ako sa pang-aasar niya. Natuwa ako. Normal ba ito?