Fourteen

195 2 0
                                    

Nandito kame ngayun sa simbahan.

Nagdadasal malamang.

Ang seryoso nga magdasal ni Stephen. Hindi naman sa hindi ako seryosong magdasal, pero kasi kanina pa ako tapus at siya hindi pa. To think na sabay lang naman kame nagdasal. Ano kayang pinagdadasal nito?

After niyang magdasal ay ang lapad na naman ng ngiti niya.

"Ang saya mo ata." Tumingin lang siya sakin at nagkibit balikat. Weirdo.

"Tara na?" Aya niya.

"Okay." At naglakad na kame palabas ng simbahan. Habang naglalakad kame napansin ko nalang na biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Oh. Bakit ganyan na ang mukha mo?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin lang siya sakin nang seryoso parin ang mukha. Hindi siya umimik. Instead inalis niya ang tingin sakin at hinawakan ako sa kamay. Lalong bumilis ang lakad niya.

Pagkarating namin sa parking lot, agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan niya at pinapasok ako.

Kinakabahan ako.

Galit siya.

Ramdam ko yun.

Hindi ako sanay na ganito siya.

Mas madalas kasi isip bata siya.

At mas gusto ko yun.

"S-stephen. Anong problema? May nagawa ba akong masama." Nag aalala kong tanong.

Mabilis parin ang paghinga niya. Senyales na nagpipigil parin siya nang galit. Hindi na ako umimik. Tiningnan ko nalang siya. Habang hinihintay na kumalma siya.

Maya-maya pa ay pumikit siya at huminga ng malalim. "Sorry." Nagulat ako sa sinabi niya, kasi akala ko ako yung may kasalanan pero siya pa itong nagsosorry.

"Hindi mo naman kailangang mag-sorry. Bakit ka ba nagalit?" -Ako

"Wala. Wala yun." Sabi niya sabay ngiti.

"Okay." At ngumiti din ako sa kanya. Hindi na ako gumigil o nagtanung pa. Ayoko naman na magalit ulit siya. Scaryyy. >.<

"San mo gusto kumain?" Nandito nga pala kame ngayun sa mall at katatapus lang naming mag shopping. Nakakatuwa nga, bumili kami ng couple shirt. Hihihi. Oy! Hindi ako ang nagpilit ha! Siya! :">

Isa sa mga natutunan ko sa Training to Love ni Jonaxx dapat ay may sarili kang desisyon. "Greenwich tayo."

"Then Greenwich it is."

Siya ang umorder para samin. At habang kumakain kame bigla nalang siya napatawa nang bahagya.

"Hoy baliw. Anong nakakatawa?" -Ako

"Wala. May naalala lang ako." Aba naman! Kame ang magka-date tapus may iba siyang inaalala? Sa favorite resto ko pa. Asar naman.

"Ano naman yun?" Tanong ko sa kanya, pero hindi ko pinahalata na medyo naaasar ako.

"Dito tayo una nagdate."

Fattify My Sexy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon