Napatingin ako sa sarili ko at...
CONFIRMED!
Yung damit ko kagabi ay suot ko parin naman ngayun. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa realisasyon na wala namang kababalaghan na nangyari sa amin ng hubad na lalaking ito.
"Sobra ka kasing makayakap sakin kagabi." Sabi niya habang bahagyang napapatawa. Nakaka-inis. "Aalis na nga sana ako noong nakatulog ka na, kaso hindi ako makawala sa mga yakap mo kaya hinayaan ko na. Tapus, patay pa ang aircon kaya nag-init ako."
he said emphasizing the word 'nag-init'.
"Stephen! You perv!" Susugudin ko na sana siya para suntukin kaso nahuli niya ang dalawang kamay ko.
"Ikaw naman! Masyado kang green minded. Mabanas kaya mainit. Kaya nagtanggal nalang ako ng damit." naramdaman ko naman ang unti-unting pag-init ng pisngi ko. Kayakap ko siya kagabi habang hubad siya!
"You're so cute when you blush." Saad niya habang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Napatingin naman siya sa labi ko at alam ko ng ang sunod na mangyayari dito.
Pero bago pa yun mangyari ay itinulak ko na siya palayo.
Napabuntong hininga naman siya sa ginawa ko. Kahit labag so loob ko ang pagtulak sa kanya, ito ang tama. Pumili na kasi siya, at pinili niya si Viki.
A/N:
Sorry sa maikling update! Yung next na update mahaba na. PROMISE!
Susuko na ba talaga si Sophia? Abangan! :)