Si Stephen.
May kahalikan.
Hindi lang basta halik.
Torrid pa.
Sa sobrang gulat ko sa aking nakita ay nabitawan ko ng hawak ko. Dahilan para mapatigil sila sa paghahalikan at tumingin sakin.
"A-ah. S-sorry. Sige tuloy niyo lang yan." Nakita ko ang gulat sa mukha ni Stephen nung nakita niya ako.
Kung di ba naman sila t*nga. Ang lapit lapit ng pinto ng condo ni Stephen. Bakit dito pa sila sa labas naghahalikan? Hindi na makatiis? Ganun? Hay nako. Bakit ba ako naiinis?
Isasara ko na sana ang pinto ng may pumigil.
"Stephen! Ano ba! Alisin mo nga yang kamay MO sa pinto KO!" Nakakainis tong si Stephen. Ano bang problema nito?
"Sophia..." Ang boses niya, parang nagmamaka awa. Ano ba! Bakit ba hindi nalang siya bumalik dun sa kahalikan niya?
"Ano bang gusto mo?" -me
"Papasukin mo ko." Parang utos na nagmamaka awa. Ewan. Bakit ko naman siya papapasukin? Nababaliw na ba siya?
"Bakit ba? Bumalik ka na dun...dun sa girlfriend mo!" Teka bakit ako na uutal? Bakit ako nagagalit?
"Sophia, nagseselos ka ba?" Ako? Nagseselos? Bangag ba siya? Nakatira? Naka shabu?
"Ano bang pinagsasasabi mo? Hahaha! Nababaliw ka na. Ako? Magseselos? In your dreams!"
"Kung ganun. Bakit ka ba nagagalit?" Bakit na ba?
"H-hindi ako nagagalit! Naiirita ako! Kasi pinipigilan mo ako na isara ang pinto ko." Oo. Tama yun. Naiinis lang ako. Hindi ako galit.
"Ok. Sige. Hindi ka galit. Bakit ayaw mo akong papasukin?" Pang aasar niya sakin. Halos tumawa na nga siya habang nagsasalita. grrr.
"Bakit mo ba gusto pumasok?"
"May sasabihin lang ako. Please please. Mabilis lang naman." Napabuntong hininga nalang ako at unti-unti kong binuksan ang pinto. Bakit di ko siya matiis? Bakit? Nakakainis.
Pagbukas ko ng pinto ay agad naman siyang pumasok at umupo sa sofa. Dun ko nalang din napansin na wala na pala yung babae na kahalikan niya kanina.
"Oh. Pinaalis mo na yung gf mo?"
"Hindi ko yun gf." Seryoso niyang sabi. HINDI NIYA YUN GIRLFRIEND!? E bakit kahalika niya?
"Wow ha. Hindi mo gf pero kung maghalikan kayo parang mag aano na kayo e."
"Hahaha! Isang fan lang yun. Pumunta dito kaya inentertain ko." Pagmamalaki niya.
Wala na akong naiimik dahil hindi ako makapaniwala sa lalaking ito. Mukha siyang isip bata pero isa siyang malaking flirt! At kung makangiti siya sakin parang ang dami niyang maipagmmalaki. Hindi ba niya ako kilala? Ako si Sophia Maybelle Cojuanco! Mayaman. Maganda. Sexy!
"Alam mo Stephen. Kung wala ka mg sasabihin. Makakalabas ka na."
"Sophia. Ano kasi..."
"Ano?"
"Pwede bang...
"...dito ako matulog?"
"ANO!? HINDI!" Nababaliw ba siya? May sarili siyang kwarto! Bakit siya makikitulog dito!
"E kasi nawala yung susi ko. Tapus wala pa si manang na landlady ngayun dito. Sige na Sophia. Wala ako tutulugan. Maawa ka naman sakin."
Nakaluhod na siya at nagmamakaawa with puppy eyes. Ano ba! Bakit amg cute niya? hay naku. Ano ba tong pinagsasasabi ko. Erase. Erase.
Kaya pala sa labas sila naghalikan kasi hindi sila makapasok. Medyo nakakatawa yun. At medyo nakaka awa siya dahil wala siyang tutulugan. Hindi naman ako pusong bato para hindi maawa.
"Sige na. Sige na. Payag na ko. Tutal naman may isa pang kwarto dito. Dun ka nalang matulog."
Nagulat siya nung una pero unti unti yung napalitan ng saya at ngiti. Sa sobrang saya niya ay bigla niya akong niyakap. At ako naman ang nagulat sa ginawa niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"Salamat talaga Sophia!" Kumalas siya sapagkakayakap at ngiting ngiti sakin.
"W-wala yun. S-sige. Magpapalit muna akong damit." Agad ko siyang tinalikuran at parang robot na lumakad papunta sa kwarto ko.
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit ako kinakabahan ng ganito?
Agad akong nagbihis at lumabas ng kwarto. At dahil inaya ako ni Ranz na sa kanya mag dinner, inimbitahan ko na din si Stephen na dun kumain. Tinext ko na din si Ranz naay kasama ako.
Noong nakarating kame dun, halata ko na nagulat si Ranz dahil si Stephen ang kasama ko. Pero sinenyasan ko na agad siya magbigay malisya.
Napuno ng kwentuhan ang dinner namin. Well, sina Ranz at Stephen lang naman ang nagkukwento. Ako? Taga pakinig at taga tawa. Hindi naman ako makwento.
Natapus ang dinner at bumalik na kame sa condo ko. Wala naman kameng masyadong napag usapan. Pinahiram ko lang siya mg pinakamalaki ko ng t-shirt at shorts at natulog na ako.
Kinabukasan, maaga akong nagising.At nagulat ako ng nakita ko si Stephen na nagluluto sa mini kusina.
"Good Morning Phia!" Oo nga pala, Phia na din ang tawag niya sakin simula kagabi. Wala na din naman akong magawa kaya hinayaan ko nalang.
"Wow. Marunong ka palang magluto." Tamad kong sabi sa kanya.
"Oo! Haha. Prito lang naman. Eto oh! Egg!" Sabay lapag niya ng plato na may lamang na hugis puso.
Hindi ko alam pero napangiti talaga ako. Napatingin ako sa kanya at naka ngiti din siya sa akin. Bigla kong naramdaman na parang may paru-paro sa tiyan ko.
Gutom lang siguro.