Nagising ako at tulog parin si Stephen sa sofa. Ang amo ng mukha niya habang natutulog. Naisipan kong magluto ng umagahan para saming dalawa.
Pancakes lang ang niluto ko. At habang nagluluto ako ay hindi ko maalis ang mga ngiti sa labi ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko. Dahil ba nandito si Stephen? Hay. Sophia. Hindi mo dapat yan nararamdaman.
"Amoy masarap." Bulong ni niya sa tenga ko. Nagulat ako dahil hindi ko man lang namalayan na nasa likod ko na pala siya.
"Syempre! Ako kaya ang nagluto. Masarap talaga yan." Mahinahon kong sabi sa kanya kahit ang totoo ay nagwawala na ang puso ko dahil sobrang lapit niya sakin.
Natapus ko na yung pancake at kumain na kame. Minsan napapasulyap ako sa kanya. Mukhang sarap na sarap siya sa niluto ko. Nakakataba naman ng puso.
"Phia?" -stephen
"Hmmm?" Tugon ko sa kanya habang kumakain.
"May gagawin ka ba mamaya?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya muntik na akong masamid. Agad naman akong napatingin sa kanya.
"W-wala naman. Bakit?"
"Aayain sana kita mag bar mamaya..." Nakatulala lang ako sa kanya at siya naman ay parang naghihintay ng sasabihin ko.
"A-ah. Pwede mo namang isama si Ranz."
"Sige. Wait lang itetext ko lang siya." Medyo nanginginig yung kamay ko kaya tinawagan ko nalang si Ranz. Baka kasi mahalata ni Stephen na nanginginig ako. Bakit ba ako nanginginig!?
"Hello Phia? Napatawag ka?"
"May pupuntahan ka ba mamaya?"
"Ah. Oo e. Nagtext kasi si mama na magmeet daw kame after class. Why?"
"Wala naman. Sige. Ibaba ko na. Bye."
"Sige. Text mo kung paschool ka na ha. Bye."
Buong pag uusap namin ni Ranz sa telepono ay magkatitigan lang kame ni Stephen. Medyo nakakailang.
"Hindi daw pwede si Ranz e."
"Ah. Okay lang kung di ka na suma-"
"Sasama ako. Saan ba?"
Dumaan ang buong maghapon sa school. Wala naman masyadong ginawa. Binigay na nga pala ni Sir yung magiging script ng play. Bukas ko na babasahin. Nakakatamad.
Mga bandang 7pm ay nagbihis na ako. Sabi kasi ni Stephen ay dadaan siya ng 8pm. Medyo matagal kasi ako mag ayus.
Dumating si Stephen ng 7:50. Narinig ko ng may kumakatok sa pintuan kaya agad ko itong binuksan.
Nakatulala lang siya sakin. Nailang tuloy ako.
"Hoy! Stephen. Okay ka lang?" Sabay snap ko sa harap niya.
"A-ah. Ano kasi. Ang ganda mo." Parang wala sa sariling sabi ni Stephen.
"Hahaha. Thank you. Let's go?" Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa sinabi niya. Well, alam ko naman na maganda ako pero ewan ko ba. Iba ang dating nung siya ang nagsabi.
Dito kame sa Kyss pumunta. A bar along Makati. Sa second floor kame dumiretso dahil nandun ang sayawan.
Nandito din pala ang mga kabanda niya.
"Uy pare! Kumusta? Buti nakapunta ka." Bati nung isa.
"Birthday mo e. Hahaha. Nga pala. Si Sophia." Ngumiti naman silang lahat sakin. "Sophia, banda ko. Si Harold, si Alex, Si Trinity at si James."
"Hello." Bati ko naman sa kanila. Si Harold pala yung bumati samin, siya ung may birthday.
Maingay dito. Halur. Alangan bar ito. Napuno ng tawanan ang table namin. Ang kwela kasi nina Stephen. Ako naman, eto tagatawa. Maya maya pa ay nagkayayaang sumayaw pero hindi kame sumama sa ni Stephen.
"Napapadami ka na ata ng inom." Sabi ni Stephen ng may halong pag aalala.
"Ikaw? Bakit hindi ka masyado nainom?"
"Ako kasi magd-drive mamaya. Ayoko ko namang maaksidente tayo. Hahaha."
Nagkwentuhan lang kame dun. Napatingin naman ako sa orasan at malapit na palang mag 10.
"Stephen. Cr lang ako ha."
Dumiretso akong cr. Habang nasa loob ako ng cubicle narinig kong may nag uusap na dalawang babae. Hindi naman sa gusto kong makinig. Ang lakas lang kasi ng boses nila.
"Girl! Nakita mo ba si Stephen! Grabe ang gwapo niya talaga!" -girl 1
"Sobra! Nako, kung di lang dun sa kasama niyang babae baka naka sayaw ko na si Stephen. kyaaa."-girl 2
"Oo nga! Sino ba un? Ngayun ko lang siya nakita dito." -girl 1
"Yaan mo nam Nakita ko kanina na mag isa na si Stephen sa upuan. Tara girl! Chance na natin to!" -girl2
At umalis na yung dalawang malandi. Sikat pala talaga siya. Sabagay. May banda siya at may itsura pa.
Nag ayus lang ako ng sarili ko. Konting re-touch. Pabalik na sana ako sa upuan ng may humarang sakin na lalaki. Amoy na amoy alak siya at halatang lasing na lasing na.
"Hi Mish gandah." Sa puntong ito ay kinalabahan na ako. Una, never pa akong naka encounter ng ganito. Pangalawa, nakakatakot ang hitsu ng lalaking ito. Pero kahit kinakabahan ako. Hindi ko dapat yun ipahalata.
"Excuse me. You're blocking my way. Fvck off." I said with a stern voice.
"Whooa. I like that. Pakipot." Sabay hawak niya sa bewang ko.
Itutulak ko na sana siya palayo nang may biglang sumuntok sa kanya.
Si Stephen.
"TARANTADO KA AH!" Sigaw nung manyak na lalaki.
"IKAW ANG TARANTADO! WAG MONG BABASTUSIN ANG KASAMA KO!" Akmang susuntukin ulit ni Stephen ung lalaki kaya inawat ko na siya. Tama na ang eskandalo!
"STEPHEN! Stephen. Please? Tama na. Tara na. Okay lang ako. Please alis na tayo." Sabi ko habang hawak siya sa braso.
Unti-unti siyang huminahon at hinawakan ang kamay ako. Hinila niya ako palabas ng bar. Nung nakarating kame sa parking ay bigla nalang niya akong isinandal sa kotse. Hindi naman yun masakit. Kasi may alalay parin siya.
Tinitigan niya ako sa mata at bigla nalang niyakap.
May ilang minuto din kaming ganito bago siya nagsalita.
"Pinakaba mo ako. Sobra. Hindi ko alam ang gagawin kung may nangyari sayong masama." at lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sakin. Hindin ko mapigilan ang sarili ko na kiligin sa kanya.
Yayakapin ko na sana siya nang biglang dumating ang banda niya.
"Stephen!" Sigaw ni Harold. "Pare. Anong nangyari?"
Sinabi naman ni Stephen kung anong nangyari. Dun ko nalaman na si Harold pala ang may ari ng bar. Nangako naman siya na ipapaban na niya yung lalaking bumastos sakin.
Umalis na kame ni Stephen. Tahimik kame sa byahe. Kinausap nalang niya ako nung nasa may pintuan na kame ng condo ko.
"Phia. Sorry sa nangyari. Nasira pa ang gabi mo." Halata sa kanya na malungkot siya. Hindi ko na napigilan.
Hinalikan ko siya.
Sa pisngi.
Halata sa kanya ang gulat. Ako din naman nagulat sa ginawa ko.
"Salamat. Nag enjoy talaga ako kanina. Wag mo na isipin ung nangyari. Okay? Good night Stephen."
Agad akong pumasok sa condo. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napahawak nalang ako sa dibdib ko at napangiti. Puso, makisama ka naman! Bakit ka ba nagwawala? Hah? Gusto mo itapon na kita? Bawal umibig. Bawal mag-mahal. Stop!