31

173 3 0
                                    

Sinabi ko na sa sarili ko na noon na hindi ko kayang magmahal. Hindi ko kaya dahil ayoko ng masaktan.

Pero sumugal parin ako kay Stephen. And I guess it was a damn wrong move.

The 1st week of regular classes was hell week.

Kung noon ay hindi ko nakikita si Stephen. Ngayun halus araw-araw nakakasalubong ko siya. Ang masakit pa ay hindi niya ako pinapansin. It's like I don't exist.

Kung noon ay hindi ko alam ang Wanderlust. Ngayun halus sila na ang bukang bibig ng buong campus.

Torture na sa school, torture parin sa condo.

"Mukhang may party ulit sa condo ni Stephen ah." Utas ni Ranz habang nanunuod ng tv at nakain ng chips.

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "So?" Kailangan pa talagang ipagdildilan, eh sa sobrang lakas ng sounds nila kahit ata mag headset ako maririnig ko parin iyon.

"Sungit mo naman! Sinasabi ko lang eh." saad niya at nagpout pa.

"Tss."

"Ang bitter mo naman bes."

"Hampasin kaya kita ng ampalaya, you want?"

"Sadista! Haha. Maiba ako Sophia. Kumusta na kayo ni Jace?" Nanunuya niyang tanong.

"Wag mong bigyang malisya ang friendship namin."

"Asus! If I know. Jace has a thing on you."

"He has. He's my friend. And that's it."

"Pano kung manligaw siya sayo?"

"Pano kung sipain kita palabas ng condo dahil ang dami mong kalokohang nalalaman?"

"Sabi ko nga. I'll shut up na." Aniya.

2 more weeks have passed pero ganun parin ang treatment ni Stephen sakin. Tapus napapabalita pa na balik playboy na daw ulit siya.

Nakakapag-taka naman iyon dahil araw-araw ko namang nakikita si Viki na napunta sa condo niya. They look like they are in a very good term.

Yesterday, Jace was encouraging me na ipakita yung evidences kay Stephen. Sabi niya, wala na naman daw nang mawawala. Might as well take my chances.

Kaya heto ako ngayun nakatayo sa harap ng condo niya. 9 am palang at alam kong wala pa Viki dito.

Naka-ilang katok ako bago bumukas ang pinto.

Iniluwa nito ang isang lalaking amoy alak, magulo ang buhok at naka boxers lang. Sino pa?

Fattify My Sexy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon