Ang sakit. Ang sakit makita na ang boyfriend mo ay may kayakap na iba, at ex pa niya! Pero mas masakit yung nahuli mo na, itinatanggi pa!
Nakita kong papaalis na si Stephen at si Viki, kaya naman agad kong kinuha ang phone ko para tawagan siya. Bakit ko siya tatawagan instead na harangin nalang sila? Dahil hindi ko maintindihan kung bakit nanlalambot ang tuhod ko! Hindi ko sila magawang lapitan. Natatakot ako sa maaaring mangyari kapag nilapitan ko sila.
Calling Stephen...
Nakita kong kinuha ni Stephen ang cellphobe niya sa bulsa. Tiningnan niya lang ito ng ilang sandali at saka ibinaba ang tawag ko! Agad naman silang bumaba ni Viki at umalis na.
BAKIT!? Bakit mo ito ginagawa Stephen? Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. May nagawa ba akong mali? Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko. Tuluyan ng nanlambot ang tuhod ko dahilan para mapaupo na ako sa sahig. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko. Pinipilit kong pigilan, pero ayaw talaga.
Pakiramdam ko ang t*nga t*nga ko. Pakiramdam ko ang hina hina ko.
"PHIA!? Bakit ka nanjan!? At bakit ka naiyak??" Tanong ni Ranz. Kahit gusto kong sabihin na si Stephen ang dahilan, hindi ko magawa. Para bang walang boses na gustong lumabas sa bibig ko.
"Phia. Tama na. Ano ka ba? HAY! Si Stephen ba ang may gawa nito?" Lalong bumuhos ang mga luha ko noong narinig ko ang pangalan niya. Niyakap ko na si Ranz dahil hindi ko na talaga kaya.
"Sssh. Okay lang yan Phia. Halika na, dadalhin na kita sa condo mo." Agad naman akong umiling dahil ayokong pumunta sa condo ko. Ayoko dahil maaalala ko lang si Stephen at ang pagbaliwala niya sakin. Ayoko dahil alam kong nasa kabilang kwarto lang siya, at maaaring may kasama ng iba. Ayoko.
"S-Sige. Ihahatid nalang muna kita sa bahay niyo. Nandun naman siguro sina Tita. Halika na?"
***
Iminulat ko ang mata ko at saka ko napansin na nandito na pala kame sa tapat ng bahay ko. Nakatulog pala ako.
"Buti naman nagising ka na. Ahm. Nakuha na pala ng driver niyo ang gamit mo. Naipasok na niya sa loob. Tapus sabi nga pala nina Tito at Tita ay hihintayin ka nalang daw nila sa kwarto nila. Ayaw ka kasi nilang ipagising kanina. Sige na. Puntahan mo na sila." Sabi ni Ranz habang nakangiti. Iba ang ngiti niya ngayun. Alam mong may halung lungkot at pag-aalala.
"Salamat Ranz." At niyakap ko siya ng mahigpit. Buti nalang talaga may kaibigan ako na hindi ako iniiwan. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya. "Sige, papasok na ako. Mag-iingat ka pauwi. Bye." At tuluyan na akong lumabas ng kotse niya.
Dahan dahan akong pumasok sa bahay namin. Medyo lutang pa kasi ako sa nangyari kanina.
"Good Afternoon Miss Sophia." Bati ng mga katulog namin.
"Good Afternoon din. Ahm, ipaghanda niyo naman ako ng chocolate milk, tapus cookies & nutella. Padala nalang sa kwarto nina mama." Utos ko naman sa kanila. Pagkasabi ko nun ay agad na akong naglakad pataas sa kwarto ng mga magulang ko. Tumigil ako ng ilang sandali sa harap ng pinto nila bago ako tuluyang pumasok. Nandun silang dalawa, nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv.
"Ma. Pa." Nginitian lang nila ako, at tumingin sakin na para bang alam na nila kung anong problema ko. Agad naman akong naiyak at tumakbo papunta sa kanila.
Umiyak lang ako ng umiyak habang nakahiga ako sa lap ni mama. Hindi sila umiimik. Para bang hinihintay lang nila akong mag-open sa kanila.
"Ma. Pa. I'm sorry." Nakita ko naman na nabigla sila sa sinabi ko. "I promised both of you that I will never cry again for the same reason. I promised you that I will never be weak again. And I failed you. I'm so sorry." Iyak lang ako ng iyak habang sinasabi ko yun.
"Sophia, crying is not being weak. It's being courageous enough to show to other people that you are just human, and you sometimes need to breakdown and cry." Mahinahong sabi ni papa sakin. Hindi ko alam pero lalo akong naiyak sa sinabi niya.
"Just cry it all out, baby." Sabi naman ni mama habang hinahaplos ang buhok ko.
*knock knock*
"Miss Sophia. Eto na po yung pinapahanda niyo." Napatingin naman kame sa pinto.
"Pasok ka, ilagay mo nalang dito sa table." Utos ko naman dun sa maid.
Napangiti naman si mama at papa nung nakita nila kung ano yung dinala nung maid. Choco milk at cookies & nutella. Ito kasi lagi ang binibigay nila sakin noon pag nalulungkot ako o kaya naman ay may problema.
Kinain namin yun habang nagkukwentuhan. Puro masasaya lang ang pinag-uusapan namin. Ayoko na kasi umiyak, Nakakapagod din naman yun...
Ang iyakan ang isang taong hindi mo naman alam kung naiisip ka.
Dito ako natulog pansamantala. Bukas nalang ako babalik sa condo. I need to compose myself first. I need to make the strong Sophia back.
(CONDO)
7:00 am palang at nandito ako ngayun sa hagdan ng condo. Dahan dahan akong naglakad pataas. Sana hindi ko makasalubong si Stephen. Sana hindi ko makasalubong si Stephen. Sana hindi ko makasalubong si Stephen. Yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko.
O_O
Great. Hindi ko nga nakasalubong si Stephen. SI VIKI VUTIKI NAMAN ANG NAKASALUBONG KO! ARGH! Relax Phia, Relax.
Tiningnan ko siya sa mata at saka ako ngumiti. Halata naman na nagulat si sa ginawa ko. "Good morning." Nakangiti kong sabi sa kanya. At mas lalo siyang nagulat ngayun.
Tama yan! Magulat ka! Dahil sa susunod na makita mo ako, hindi na gulat ang mararamdaman mo! TAKOT NA!
"G-Good mor-" Hindi na niya natapus ang sinasabi niya dahil bigla nalang dumating si Stephen.
"Viki, naiwan mo ito-" At napatigil naman si Stephen nang nakita niya ako. Halata naman sa mukha niya ang gulat nang bigla ko siyang ngitian.
"Good morning Stephen. Ahm. I better get going. Bye Viki. Bye Stephen." Hindi ko na hinintay na umimik sila, nilampasan ko na sila at pumasok na sa condo ko.
"You've done great, Sophia." Papuri ko sa sarili ko. Ngumiti ako.
At kasabay ng pang ngiti ko ay ang pag patak na naman ng mga luha ko. Nakakainis! Sa lahat naman ng makikita ko, sila pa! Sila pa na magkasama!
Marahan kong pinunasan ang mga luha ko at pumasok na sa kwarto ko para mag-ayus dahil may klase pa ako. Hindi ko sisirain ang pag-aaral ko ng dahil lang sa isang lalake!