"Sino Jace?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin parin sa picture nang dating ako.
"Ako na ang bahala doon."
Alam kong pinoprotektahan lang niya ako, pero nakakainis ang pakiramdam na wala kang alam. Na nakikipaglaban ka pero hindi mo kilala ang kaaway mo.
"Jace please." I said with a stern voice.
Tumungo siya at huminga ng malalim na para bang iniisip parin kung sasabihin sakin kung sino ang gumawa nito o hindi.
"Jace!"
Hindi ako galit sa kanya, naiinis lang ako dahil parang wala siyang tiwala sakin.
"Okay. Fine." Huminga ulit siya ng malalim at tiningnan ako ng seryoso sa mata. "It's Viki and Stephen."
Noong una ay hindi iyon ma-proseso ng utak ko. Si Viki siguro ay matatanggap ko pa, pero kasama si Stephen? Last time I checked ako yung nasasaktan dahil sa ginawa nila sakin, pero bakit sila pa itong may gana atang magalit at siraan ako? And Stephen? Why would he do that?
"What?" Yun na lamang ang tanging salita na nasabi ko dahil naramdaman ko na naman ang mainit na luha na lumalabas sa mata ko.
Hinapit ako ni Jace at niyakap. Wala siyang sinabing kahit ano, niyakap niya lang ako. Lalo tuloy akong naiyak. I'm being such a cry baby lately and I hate it.
Hindi ako umuwi sa condo ko. Pinili kong dito matulog sa condo ni Jace dahil natatakot ako sa posibilidad na makita ko si Stephen doon. Ikukuha daw ako ni Jace ng damit sa condo ko kaya naiwan ako mag isa dito. Habang abala ako sa pagtitig sa mga bituin ay biglang nagring ang phone ko.
Stephen calling...
Nagdadalawang isip akong sagutin iyon. Pero naalala ko yung sinabi ni Jace saakin kanina. Hindi ko dapat takbuhan ang problema.
"Hello?" walang emosyon kong bati sa kanya.
Hindi siya umimik kaya hindi din ako umimik. Ibababa ko na sana ng bigla siyang nagsalita.
"You deserve it." and then he ended the call.
I was dumbfounded.
What? I deserve it? Ano bang nagawa ko sa kanya para kamuhian niya ako ng ganito. Ako nga na nasaktan niya, hindi naisip na gantihan siya. Ang gusto ko lang ay makalimutan na siya, kaya bakit ginaganito niya ako? Gulong gulo na ako at idagdag mo pa ang sakit na nararamdaman ko. Bakit ba nangyayari sakin ito?
Tumayo ako at kukuha sana nang tubig pero biglang nanghina ang tuhod ko at natumba ako. Sakto naman na dumating si Jace.
"Sophia! Anong nangyari?" Nag-aalala niyang tanong.
"Kukuha sana ako ng tubig, kaso natumba ako." I said and gave him a weak smile. Hindi naman ako naiyak. Himala nga. Siguro ay napagod na din ang mga mata ko kakaiyak.