"Miss Sophia."
"Yes?"
"May tao po sa labas."
"Sino daw?"
"Stephen daw po."
Hindi ko alam ang dapat gawin. Hindi ko alam ang dapat isipin. Bakit siya nandito? Kailan pa siya nakabalik?
"Miss Sophia? Okay lang po kayo?"
Siniko ako ni Ranz.
"A-ah. Oo. Oo. Ahm." Tumingin ako kay Jace dahil hindi ko alam ang gagawin. Tumango naman siya at ngumiti. "Sige. Papasukin mo."
"Sophia." Hinawakan ni Diara ang kamay ko. "Sa garden lang muna kame ha."
Lumabas na sila kasama yung mga stylist at dumating na si Stephen. Yung mukha niya gwapo parin. Kahit bahagya malalim ang eyebags niya at halatang kagagaling lang sa sakit.
"Upo ka." Hindi siya sumagot. Hindi din siya ngumiti. Umupo lang siya sa upuan sa tapat ko, kaya naman bahagyang nawala ang ngiti sa labi ko.
Binalot ng kaba ang buong katawan ko. Bakit pakiramdam ko ay hindi maganda ang sasabihin niya sakin?
"Stephen..." Tumingin siya sakin gamit ang malamig niyang titig. Kinilabutan naman ako.
"Sorry sa ginawa ni Viki."
"Ha?"
"Alam ko na..." Nagiwas siya ng tingin. "May mga nasabi siyang hindi maganda."
Hindi ako umimik. Tinitigan ko lang siya.
"Intindihin mo na lang sana siya. Mahirap lang sakanya yung nangyari."
"Ako ba sa tingin sa mo, hindi ako nahirap? Nasaktan?" Nakita ko na nabigla siya sa sinabi ko. Ako din nabigla, dahil may lakas pa pala akong umimik.
Bahagya ng nanlalabo ang paningin ko. "Sophia naman..."
"Stephen naman! Viki na naman? Paano naman ako? Paano naman tayo?" Nabasag na ang boses ko sa huling sinabi ko. Hindi ko na talaga kayang pigilin ang emosyon ko.
"Walang nang tayo Sophia." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ganun nalang yun? Wala na kame? Ganun nalang. Bakit ang dali sa kanyang sabihin na wala na kame?
"Niloloko ka lang naman niya Stephen! Wala siyang sakit! Mangloloko siya!"
"Tama na Sophia! Alam kong ayaw mo sa kanya pero wag mo naman siyang siraan ng ganito!"
Hindi ko alam na may isasakit pa pala ang sakit na naramdaman ko kanina. Sinigawan niya ako. Pinagtanggol niya ang manlolokong Viki na yun.
"I have evidences!" Hinawakan ko siya.
"Shut up!"
Napabitaw ako sa sigaw niya. Yung wasak kong puso ay lalong nadurong.
"I-I'm sorry Sophia." Nag iwas siya ng tingin.
"Stephen, please! Hear me first." Hinawakan ko siya pero tinggal niya ang kamay ko at tiningnan ako sa mata. Ang mata niyang puno ng lungkot. Umiling siya at naglakad na palayo.
Napaupo nalang ako at umiyak. Dumating naman si Jace at bigla akong niyakap. Naramdaman ko din na kasunod na niya sina Ranz at Diara.
Hindi sila umumik. Hindi sila nagtanong. Nandun lang sila at dinamayan ako. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako at maubus ang luha ko.
I cried my heart out hoping that my tears will wash away the pain.