Si Stephen.
may kahalikan...
Nakaupo na si Stephen sa couch at si unknown malanding girl ay nakaupo sa lap niya. Nakatalikod sakin yung girl kaya hindi ko siya makita.
Wala na silang t-shirt!
Lord, nadudungisan po ang inusente kong mata. huehue.
Agang-aga harutan agad!
"Oh my gosh!"
Napatingin naman si Stephen sakin, at nakita ko ang gulat sa mukha niya. Agad naman siyang napatayo. Humarap narin si malanding unknown girl sakin.
Okay, sino siya? -_-
"A-ah. Phia-" Hindi ko na siya pinatapus sa sinasabi niya.
"Sorry. Nagtaka lang naman ako na nawala ka bigla. Sorry sa istorbo. Sige, maiwan ko na kayo."
Smile kay Stephen.
Smile kay malanding girl.
Walk out.
Nagmamadali akong pumasok sa condo ko. Ni-lock ko agad yun. Tapus dumiretso ako sa kwarto ko.
Aray naman. Kaka-amin ko pa nga lang sa sarili ko na gusto ko na siya. Ganito na agad.
Nararamdaman ko na naman yung sakin. Yung kirot sa puso ko. Yung pakiramdam na dinudurog yung pagkatao ko. OA ba?
Sorry naman.
Minsan na nga lang magmahal. Puro sakit pa ang nakukuha ko.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ko. Hay! Ang hina mo naman Phia! Bumabalik ka na naman sa pagiging mahina mo. Agad kong pinunasan ang luha ko.
NO. HINDI AKO BABALIK SA SOHIA NA MAHINA.
I immediately composed myself. I grabbed my phone at tinext si Ranz.
To: Ranz
Punta ako jan.
*send*
Hindi ko na hinintay na magreply si Ranz. Naligo ako at pumunta na sa kanya.
Sumilip muna ako sa labas ng pinto ko.
*look to the left* clear
*look to the right* clear
At nagmadali akong umakyat.
*knock knock*
"PHIA!" *hug, kiss sa chicks* timo itong lukang ito. Akala mo naman ang tagal naming hindi nagkita. e kahapon lang kasama namin siya.
Pumasok naman kame sa condo niya, at tamang tama pala ang punta ko! Katatapus lang niyang magluto! Woooooow! LASAGNA! *drools*
Ang sarap na naman ng kain ko! Tamang lamon para makalimot sa lungkot.
"Hoi naman Phia! Hinay hinay! Baka maluugan ka!"
"The best ka talaga magluto Ranz. Mag apply ka nalang kaya ng cook sa bahay namin."
"Ayoko ko nga! hahaha. Tataba ka lalo pag ako ang cook mo." Napatigil naman ako sa sinabi niya.
"Tumataba na ba ako?"
"Honestly, medyo. Kelan ka ba huling nagtimbang? But no worries, sexy ka parin naman." OHMY! Never pa ulit akong nagtimbang simula nang lumipat ako dito. Napatigil ako sa pag kain. "Nasan ang DWS mo?"
DWS - Digital Weighing Scale
"Nasa kwarto, wait kukunin ko."
Lumabas si Ranz sa kwarto dala ang DWS. Agad naman akong nagtimbang.
138 pounds!
"OHMY! Nadagdagan ako ng 8 pounds! Sheez." OA? Jusko kung alam niyo lang! Mahabang storya at hindi pa ito ang takdang panahon para malaman niyo. NAKS! Takdang panahon. Big Brother lang ang peg.
"Gusto mo ba mag gym tayo mamaya?" -Ranz
So ayun nga, nag GYM kame. Gabi na kame nakabalik. Pagkahiga ko sa kama, tiningnan ko agad ang cellphone ko. Nagbabakasakali man lang na naaalala ako ni Stephen.
Ang saya naman...
Ni isang text wala.
Sabi na kasing wag mag expect! Letseng expectations yan! Naligo na ako at nag ayus ng may biglang kumatok.
Sino naman kaya yun?
Gabi na ah.
Yan na naman ang expectations ko! Sana si Stephen...