"Phia~"
Alam niyo yung pakiramdan na half awake ka, tapus may bigla nalang tatawag sayo. Hindi naman yung nakakatakot na tawag. Ang lambing nga at kaboses pa niya si Stephen.
"Phia~"
Napangiti ako at lalo kong niyakap ang unan ko. Grabe para talagang si Stephen yung tumatawag sakin. HAY! Ang lakas talaga ng imagination ko. Hindi lang imagination ang malakas sakin. Lakas tama din ata talaga ako kay Stephen. HAHAHA. Ok. Corny.
*chuckles*
OH! Pati yung sexy laugh niya naiimagine ko. Adik na talaga ako. Pati nga pabango niya naaamoy ko na.
"Sophia. Alam kong macho at gwapo ako. Pero hindi mo naman ako kailangang yakapin ng sobra. Sabihin mo lang. Ako ang yayakap sayo."
Agad kong iminulat ang mga mata ko. Hindi ito imagination! Si Stephen nga at nakatingin siya sakin na may nakakalokong ngiti. I miss his cocky smile. I miss him.
TEKA!?
"Bakit ka nandito!? At bakit ka hubad!?" Bigla akong napatalon palabas ng kama at ang gago ay tinawanan lang ako.
"Wala ka bang natatandaan sa nangyari kagabi?" Sabi niya habang natatawa.
"Ka-kagabi?"
(FLASHBACK)
Katatapus lang ng klase namin at papunta kame ngayun ni Ranz sa parking lot para kunin ang kotse ko at pumunta sa mall. 2 days celebration daw. Dinner lang pala ang plano. Kakaiba din talaga itong babaeng to.
"A-ah. Tumawag nga pala si Mama kanina. Umuwi daw muna ako. Ayun na ang driver namin oh! Bye!" Pero bago pa niya ako talikuran ay nahawakan ko siya sa kamay niya.
"Sama nalang ako!"
"Wag! I mean, hindi pwede kase... kase family problems ang pag-uusapan namin. Sige na! BYE!" At nagmamadali na siyang lumakad papunta sa sasakyan nila.
FAMILY PROBLEMS? Bago yun ah. Wow. Mukhang mag-isa akong mag-cecelebrate ng birthday ko sa mall. Nagkataon pa kasi na nagpunta kanina sina mama sa Singapore para sa investors meeting nila.
Nandito na ako sa tapat ng sasakyan ko ng ma-realize ko na wala nga pala sakin ang susi ko. Si Ranz nga pala ang nag-drive kanina. Ugh! Nasa kanya ang susi. Spell malas? S-O-P-H-I-A! Tapus unattended pa ang phone niya. Mukhang sa condo nalang ako macecelebrate. Tsk. Bakit kasi hindi ako marunong mag-commute?
Naglalakad na ako palabas ng campus ng biglang may kotse na tumigil sa harap ko. Take note. Sa harap ko as in humarang talaga siya. Ang nakaka-inis pa ay kilala ko ang sasakya na ito.
It's Stephen's car.
Lumabas siya sa sasakyan at marahang naglakad papunta sakin. Sakin talaga? Sinubukan kong lumingon sa likod. Nagbabakasakali ako na baka nandoon si Viki at siya naman talaga ang pupuntahan ni Stephen. Pero wala. Walang Vutiki sa likod ko. So ako nga ang pupuntahan niya?
"Hi." Nakasimangot niyang bati sakin. Sinubukan ko siyang lampasan at dedmahin pero hinawakan niya ako at hinila papasok ng kotse niya. Sa gulat ko ay hindi na ako naka-angal.
Pagkapasok ko sa kotse ay bumungad agad sakin ang amoy ni Stephen. Namiss ko ang amoy na ito. Maraming katanungan ang agad na nabuo sa utak ko. Marami akong gustong sabihin sa kanya. Pero sa halip na umimik ay tinitigan ko lamang siya.
"Staring is rude." He said with a cocky grin. Bipolar ba siya? Kanina ang sungit ngaun nakangiti na.
"Hey" *tsup* "Happy Birthday." Napahawak ako sa labi ko. Naramdaman ko na agad ang pag-init ng pisngi ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatulala.Parang lahat ng galit at sama ng loob ko sa kanya ay natunaw dahil sa isang halik lang.
"Eto." Sabay abot ng bouquet of white tulips. My favorite.
"Date tayo ha? Wala ka ng takas sa kagwapuhan ko kaya um-oo ka nalang." Sabi niya sabay tawa. Ang yabang lang! Pinaandar na niya ang sasakyan at saka lang ako natauhan.
"Hoy STEPHEN! Stop this damn car! How dare you!? Iniwan mo ko noong play at hindi na kinausap since then. Tapus susulpot ka nalang at sasabihin na magde-date tayo!? Ano ka? Hi---AAAAAHHH! Fvck! Bakit ka biglang nagpreno!? Muntik na akong mauntog! Paano kung pumutok ang ulo ko? or worse, paano kung nagka-amnesia ako!? GHAD! ARE YOU TRYING TO----"
Bigla na lang niya akong hinalikan. It was an aggressive kiss. Pinilit ko siyang itulak but it's no use. He's just too strong. Patuloy siya sa paghalik sakin pero hindi ko iyon tinutugon. I'm shocked. I'm angry. I'm hurt. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
Noong napansin niya na umiiyak ako ay agad niya akong binitawan. Nagulat at siya sa naging reaksyon ko sa halik niya. Napamura siya at ginulo ang sadya na niyang magulong buhok. Bakit kahit magulo ang buhok niya ay gwapo parin siya?
Ini-start niya ulit ang kotse at agad na nagdrive. "I-I'm sorry. I didn't mean to - ah! fvck!" Bigla niyang hinampas ang manibela dahilan para mapatingin ako sa kanya. "I'm sorry. I really am." Sabi niya habang seryosong nakatingin sa kalsada.
Hindi ako umimik at tumingin nalang ako sa labas. Saan naman kaya ako dadalhin ng mokong na ito. Sa sobrang tagal naming bumabyahe, ay nakatulog na ako.
*WELCOME TO TAGAYTAY*
Yaan ang una kong nakita pagmulat ko.
"What the-TAGAYTAY!?" Gulat kong tanong sa kanya.
"Yup." He said coldly.
Tingnan mo itong lalaking ito! Siya na nga ang may kasalanan sa akin siya pa ang mataray! Sarap sapakin.
"What are we doing here?" Medyo hapon na kasi at medyo malayo ito sa Manila kaya nag-aalala ako. Baka hindi kame umuwi ngayung gabi. Pero imbis na sagutin ako ay mabilis siyang nag-park sa tapat ng Greenwich.
"Wait here." Sabi niya at agad na lumabas ng sasakyan. Wala naman akong nagawa kundi maghintay. Pagkalabas niya ng store ay nakita ko ang ilang bag ng pagkain.
"Here. Eat this. I know you're hungry." Tunay naman yun. medyo gutom na nga ako. Kaya hindi na ako nag-inarte at kinuha ko na yung pagkain.
Habang nakain ako ay napansin ko na paalis na kame ng tagaytag.
"We came all the way here to Tagaytay just for a Greenwhich take out!?" Litanya ko.
"No. I was just too drowned with my thoughts, I didn't notice we went this far. I'm Sorry." Malungkot niyang sabi.
"O-okay." Mag-rereklamo pa ba ako? Ayoko ng dagdagan pa ang lungkot niya kaya hindi nalang ako umimik. Alam kong may kasalanan siya sakin, pero nag-sorry na siya at alam ko naman na sincere yun. Yung mga explanation na hinihintay ko, siguro may right time para doon.
Now here we are, driving back home.