Nandito kame ngayun sa audi para sa rehersals. Ang play namin ay tungkol sa isang babaeng hindi marunong magmahal. Hanggang sa nakakilala siya ng isang lalake na minahal siya kahit na hindi siya marunong magmahal. Binuhos ng lalake lahat ng lakas niya para mapatunayan na mahal niya si babae. Pero nung natutunan na ng babae na mahalin si lalake. Huli na ang lahat.
Hindi ko sasabihin ang ending. Suprise yun. As I said, gusto ni Sir ng tragic ending kaya ganito ang story.
Medyo nakaka ilang ka eksena si Stephen. Alam niyo naman siguro kung ano nangyari isang gabi di ba?
"Okay. Class. Good job. Pack up na tayo for today. Ahm. Ms. Cojuanco and Mr. Castillo. Balita ko naman magkatabi lang kayo ng condo so mag practice kayo ng batuhan niyo ng lines. Okay? Next week nalang ulit ang rehersals at gusto ko wala na kayong dalang script. Saulo na. Is that clear for all of you?"
Sinunod namin ang sinabi ni Sir. Kaya after class ay nagbabatuhan kame ng lines. Dito kame sa condo ko at syempre kasama namin si Ranz.
"Ano Ranz? Okay ba yung pagkakasabi ko nung linya?" tanong ni Stephen kay Ranz.
"Okay... na sana. Pero ma okay sana kung pati mata mo, nangungusap na mahal mo si Sophia. Halata kasi na naiilang ka."
Seryosong sabi niya. Parang hindi si Ranz ang magsasalita. Ay oo nga pala, alam niyo ba na pangarap ni Ranz maging direktor? Hindi halata di ba? Hahaha.
"H-hah? Pano ba yun?" tanung naman naman ni Stephen.
At nagulat ako sa sinabi ni Ranz.
"Alam niyo guys, may naisip ako. Stephen, dito ka muna tumira sa condo ni Phia para naman mabuild niyo yang relationship niyo."
"HAH!?" Sabay naming sigaw ni Stephen.
Oo. Sigaw. Nakakagulat kasi ang sinabi niya.
"Relax! Guys! I mean is yung connection niyo. Para hindi na kayo mailang sa isa't-isa. Ang hirap kasi sa inyo tinatanggi niyo pa yang nararamdaman niyo!"
Pagkasabi nun ni Ranz ay nagtatakbo na agad siya palabas ng condo ko. Kaya kame ni Stephen, naiwang nakaka-nganga.
"Phia." Nagulantang naman ako sa biglaan niyang pag imik.
"Bakit?"
"Tingin ko. Tama si Ranz. 1week lang naman." Nanganga lalo ako sa sinabi niya. Pero naisip ko. Tama naman nga. Tsaka wala naman kameng gagawing masama ni Stephen dito sa condo.
"Sabagay. So? Dito ka muna for 1week? Dun ka nalang ulit sa kabilang kwarto. Okay lang ba sayo? Hindi ako makatingin sa kanya habang sinasabi ko yun sa kanya.
"O-oo naman! Sige. Kukunin ko lang ang gamit ko ha." At lumabas na siya.
Dun ko lang napansin na kanina ko pa napipigilan ang paghinga ko. Alam niyo ba yung nararamdaman ko? Kinikilig na kinakabahan.
Alam ko naman na hindi ito ang unang beses na titira dito si Stephen pero ewan ko ba. Bakit ko ba ito nararamdaman?
Nahuhulog na ba talaga ako sa kanya?
Phia. Playboy siya.
Yun ang sinasani ng utak ko.
Pero wala naman mawawala kung susubukan mo.
Yan ang dinidikta ng puso ko.
"Phia? Okay ka lang?"
Sa sobrang lalim ng iniisip ko. Hindi ko na namalayan na nandito na pala si Stephen.
"Ah. Oo. Okay lang ako. May iniisip lang."
"Okay. Ilalagay ko lang tong gamit ko sa kwarto ha. Tapus practice na ulit tayo."
"Oo. Sige."
So yun nga. Nagpractice kame. 9pm na nung napagdisisyunan naming magluto ng kakainin.
"Phia. Sakto! May manok ka pala dito! Magluluto ako ng adobo!"
"Weh! Marunong ka?" Hindi ako makapaniwala kasi una, lalaki siya. Pangalwa, mukha naman siyang mayaman para matutong magluto. Ako nga prito lang alam ko!
"Oo! Wala ka atang bilib sakin!"
"Wala talaga! Hahaha."
So yun. Nagluto na siya. Marunong nga! Habang magluluto siya hindi ko mapigilan na tanungin siya.
"Pano ka natuto magluto niyan?"
"Tinuruan ako ni Clara." Sino yun? Gf niya?
"Girlfriend mo?" Napalingon siya sakin at saka tumawa. Baliw na siya.
"Nagseselos ka ba?"
"HAH! Ako? Naka-shabu ka ba?"
"Si Clara..."
Abang na abang ako sa sasabihin niya. Unti unti lng lumapit yung mukha niya sakin.
"...ang mama ko."
Nagulat ako sa sinabi nia. Mama niya? E bakit Clara ang tawag niya?
"Clara ang tawag ko sa kanya kasi hindi ko naman talaga siya mama. She's my stepmom."
Mind reader ba siya? Pano niya nalaman ang iniisip ko?
"Tumigil ka. Hindi ako mind reader." Sabi niya sabay pinch ng ilong ko.
"E pano mo nalaman ang iniisip ko?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas ang ilong ko. Medyo masakit kasi ang pagkaka kurot niya.
"Halata kasi sa mukha mo. Oh eto. Luto na. Kain na tayo!"
Kinikilig ako. Alam niyo yung feeling na pinagluto ka ng taong gusto mo.
taong gusto mo.
taong gusto mo.
taong gusto ko?
OH NO!
Nabitawan ko ang kutsara at tinidor ko at napatitig sa kanya. So, inaaamin ko na na gusto ko siya?
"Hui. Okay ka lang? Hindi mo ba nagustuhan ang luto ko?" Nagtataka niyang tanong.
"A-ah. Hindi! May naisip lang ako."
"Ano naman yun?" Sabay taas ng isa niyang kilay. Ang taray!
"W-wala." Sabi ko sabay tungo. Argh! Nakakahiya!
"Okay."
At kumain na ulit kame. Tahimik lang kame hanggang matapus.
"Ako na maghuhugas." Sabi ko.
"Ako na. Ako nga tong nakikitira."
"Ikaw na nagluto. Ako na maghuhugas. Sige na. Kaya ko na to."
"Sure ka ha? Sige. Ligo lang ako."
Naghuhugas ako ng plato habang tulala. Hanggang ngayun hindi parin ako makapaniwala na gusto ko na talaga siya. After so many years of building walls around my heart. Si Stephen lang pala ang gigiba.
"Phia. Wala na palang shampoo."
Napalingon ako sa kanya at nagulat ako sa nakita ko. He's wet and half naked. Dahilan yun para dumulas sa ang plato na hawak ko at mabasag.
"Phia! Okay ka lang!?" Tanong niya sabay sugod sa kinatatayuan ko.
Ako naman itong si shunga, pinulot ko yung nabasag na plato dahilan para masugatan ako.
"Ouch!" Nadugo yung daliri ko.
"Ano ba Phia! Mag ingat ka naman! Akin na yang daliri mo!"
Parang wala ako sa sarili ko at binigay ko sa kanya ang daliri ko.
Pinisil niya yun at sinupsup ang dugo.
Sh*t! Nagwawala ang puso ko! Puso! Huminahun ka!
"Oh yan. Okay na." Sabay harap niya sakin.
Double sh*t!
Ang lapit ng mukha namin.
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa lips niya. Half open yun.
Gawd!
Unti - unting lumalapit ang mukha niya sakin!