"Ituloy mo yan, s-suntukin kita." mahina kong sabi sa kanya.
Halata naman sa mukha niya ang gulat sa sinabi ko. At parang natauhan kaya bigla siyang napatayo.
"A-ah. E-eh. S-sorry. S-saan ba yung b-band aid?" Sabi niya nang hindi makatingin sakin. Para na siyang kamatis sa sobrang pula. So ganito pala kiligin ang isang Marc Stephen Castillo. Ang cute naman. Hahaha. Ang assumera ko talaga.
*chuckles* "Nandun sa labas ng CR. Dun sa may drawer. Nandun din yung shampoo." At agad naman siyang lumakad papunta dun. Kakamot-kamot pa siya sa batok niya.
Kumuha naman ako ng walis at agad ko ng inimis ang nabasag na plato. Bumalik naman agad siya at inabot sakin ang band aid at pumasok na ulit sa banyo para maligo.
Natapus ko na ang paghuhugas pero hindi parin siya tapus maligo. Geez. Para palang babaeng maligo itong si Stephen. Ang tagal. Nagbasa nalang ulit ako ng script.
Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.
Nagising nalang ako na nandito na ako sa kwarto. Binuhat niya siguro ako. Nakakakilig namang isipin. Nasan na kaya yun?
Nag-ayus lang ako ng sarili at nag-toothbrush saka lumabas na.
Punta sa living. wala siya.
Silip sa kitchen, wala siya.
Nasan na yun?
Baka naman pumunta sa condo niya?
Lumabas ako at nakita ko na bahagyang bukas ang pinto ng condo niya. Wala naman sigurong masama kung papasok ako di ba?
*tip toe*
*tip toe*
*bukas ng pinto*
"Oh my gosh." Yan nalang ang nasabi ko sa sarili ko.
Author's Note:
Sorry sa maikling UD.
Abangan ang susunod na mangyayari. >:)
VOTE! COMMENT! BE A FAN! :3