Seven

270 3 0
                                    

Mabilis lumipas ang isang linggo. Nakabalik na din si Stephen sa condo niya after 2 days niyang pamamalagi sa condo ko. At heto kame ngayun ni Ranz, naglalakad papuntang audi para sa brainstorming sa humanities.

"Ano kayang magiging play natin? Nakuuu.Sana love story. Tapus kayo ni Stephen ang main characters! Kinikilig ako bes!"

Isang linggo ng ganyan si Ranz. Parati na niya akong binibiro kay Stephen. Nung una nakikipag gigilan pa ako sa kanya, pero nung kinalaunan pinabayaan ko na. Mauubus lang ang energy ko. Tsaka wala naman talaga kameng relasyon ni Stephen para magpaapekto ako. Tama di ba?

"Naku Ranz. Tigilan mo na kame ni Stephen. Friends lang kame. Friends."

"Nakuu. Diyan talaga nagsisimula. Sa friends friends na ganyan. Hihihi."

"Naku ewan ko sayo." Pagkapasok namin sa audi, nakita ko kaagad si Stephen na nakatayo at kumakaway samin.

"PHIA! RANZ! Dito na kayo umupo!" Turo niya sa dalawang bakanteng upuan sa tabi niya. Pumunta naman kame dun. Pinapauna ko si Ranz para dun siya umupo sa tabi ni Stephen.

Umuna nga siya! Pero dun sa kabilang upuan, kaya kame ni Stephen ang magkatabi. Ano pa nga ba magagawa ko? Edi umupo na din ako.

Pagka upo ko. Nakarinig ako ng mga chismisan. Ano naman kung magkakilala kame ni Stephen? Hay. Mga tao talaga. Kung anu-ano agad iniisip. Idadag mo pa itong si Ranz na ang galing manukso.

"Class. Settle down. Let's start. Sinong may mga suggestion?" - Prof

Nagsimula na yung meeting. Madaming suggestion at madaming idea na gustong ipasok sa play. Ang gusto kasi ni Sir medyo tragic ang ending.

Kame nina Ranz at Stephen ay takipakinig lang. Ayaw kong mag participate. Ayoko dahil ayoko ng mga stage plays.

Ngayun mamimili na si Sir ng magiging main characters. Nang bigla kong naramdaman na lumapat ang ulo ni Stephen sa balikat ko. Sa sobrang gulat ay napatayo ako sa kinauupuan ko, at dahil nagulat din si Stephen ay napatayo din siya. WRONG MOVE!

"Okay! Ms. Cojuanco and Mr. Castillo will be our lead characters. Now for the supporting roles... blah blah blah."

Unti-unti akong napaupo dahil hindi ako makapaniwala. Ayoko. Pero wala kong magagawa. Kasi pag sinabi ni Sir, yun na ang masusunod. Nanginginig ako, ramdam ko yun. Takot ako. Nababalot ng takot ang buong katawan ko.

Naramdaman ko nalang na may humihila sakin palabas ng audi.

Si Stephen.

Dumiretso kame sa cr ng girls at agad yung ni lock ni Stephen. Buti walang ibang tao dito. Teka nga! Bakit kame nasa cr?

Naramdaman ko nalang na pinupunasan niya ang luha sa mukha ko. Teka! Umiiyak ako!?

"Phia. Bakit ka umiiyak?" Nakikita ko sa mata niya ng pag aalala. Sasabihin ko ba sa kanya?

Ayoko.

Ang pinaka ayaw kong nararamdaman.

Ay ang kina aawaan ako.

"W-wala to. May naalala lang ako."

Nakatitig lang siya sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

Noon ko lang din na sobra lapit pala namin sa isa't -isa. Lalo kong nakita ang kagwapuhan niya. Ang brown niyang mata. Ang matangus niyang ilong at ang mapupula niyang labi na parang ang sarap halikan. TEKA! Ano ba tong mga iniisip ko?

Pakiramdam ko ang init ng mukha ko. Bakit ko nararamdaman to? Ano to?

Napabuntong hininga siya at unti-unting lumayo sakin. Nakaramdam ako ng lungkot dahil lumayo siya sakin. Nakakainis tong nararamdaman ko.

"Sige. Sabihin mo nalang sakin pag handa ka na." Nakatalikod siya sakin pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Stephen.." Pinutol niya ang sasabihin ko at humarap sakin ng may ngiti sa mukha niya.

"Tara na. Baka hinahanap na nila tayo sa loob." Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas kame ng cr.

Sinubukan kang alisin ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Pero sa bawat hila ko, lalo niyang hinihigpitan. Wala na akong nagawa kasi nanghihina pa ako.

Pagkapasok namin. Ramdam ko na lahat ng tao ay nakatingin samin. Dahil narin siguro sa pag walk out namin kanina at dahil sa magka hawak kamay kame ngayun.

Pero syempre ako yata si Sophia Maybelle Cojuanco. Hindi ako yuyuko at magpapakita ng kahinaan.

"Ms. Cojuanco. Is everything alright?" tanong ng prof namin.

"Yes Sir. I just got a little dizzy, that's all. Medyo nagpanic lang si Stephen." I said with a smile.

"Okay. Go back to your seats. As I was saying... blah blah blah."

Diniscuss na ni Sir kung kelan at saan ang practices. Tahimik lang kameng tatlo. Hindi na nagtanong si Ranz kasi alam ko naman na alam niya kung bakit ako nagkaganun. Si Stephen naman seryoso lamg peg. Hindi ko alam lumg seryoso siya sa pakikinig o may iniisip siyang iba.

Pagkatapus nun ay umuwi na din kame. Kumain lang kame ni Ranz ng dinner at bumalik na ko sa room ko. Gumawa ng assignment at natulog.

Tumatakbo ako.

Hinahabol ko yung liwanag.

Pero unti-unti akong bumibigat.

Naririnig ko na pinagtatawanan ako ng mga tao.

Sumisigaw ako pero walang lumalabas sa bibig ko.

Narating ko ang dulo at may nakita akong salamin.

Unti-unti kong nakita ang dating ako.

"Aaaaaaah!!" Panaginip. Hindi. Bangungot. Ang bilis ng pintig ng puso ko at walang tigil ang pag tulo ng luha sa mga mata ko.

Pinilit kong matulog pero hindi ko magawa. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Ranz. Hindi niya sinasagot. Wala na akong choice at tinawagan ko si Stephen. Wala pang ilang segundo ay sinagot niya ang tawag ko.

"Phia? Ala una na. Bakit ka napatawag?" Rinig ko ang antok sa boses niya.

"S-stephen." Alam kong halata niya na umiiyak ako.

"Sh*t! Papunta na ko dyan." Agad niyang binaba ang tawag at ilang sandali lang ay narinig ko ng may kumakatok sa pinto.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay yinakap niya agad ko.

Ang sarap ng yakap niya.

Lalo akong naiyak sa sinabi niya.

"Nandito lang ako Phia. Tahan na."

Ayokong nagpapakita ng kahinaan sa tao. Lalo na sa mga lalake. Pero simula nung nakilala ko si Stephen, bakit ako nagkakaganito?

Ngayun ko lang napansin na naka boxers lang pala siya.

"Stephen! Bakit naka hubad ka!?" Nagulat din siya sa sinabi ko. At bigla siyang napatawa.

"Hahaha. Sorry. Nag alala ako sayo kaya hindi ko na naalala."

"O-okay lang. Wait ikukuha kita ng jacket." Kumuha ako at pagbalik ko naka upo siya sa sofa.

Paglapit ko. Tulog na pala siya. Inilagay ko yung jacket sa kanya at kumuha din ako ng kumot para kumutan siya.

Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya. Ang gwapo niya.

"Stephen. Wag kang maging mabait sakin. Please? Hindi ko kayang mahulog sayo. Hindi ko kayang magmahal."

Fattify My Sexy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon