Nakakabingi ang katahimikan namin pauwi. Madalas ay naka-tingin lamang ako sa labas at pinagmamasdan ang magandang paglubog ng araw. Minsan naman napapasulyap ako kay Stephen. Seryoso siyang nagdadrive at nakatingin sa kalsada. Isa lang ang masasabi ko...
Mas gwapo siya pag seryoso...
Nakarating na kame ngayun sa condo pero hindi parin kame bumababa ng sasakyan. Naka-ilang buntonghininga narin si Stephen habang nakayuko at tila ba may hinihintay sa cellphone niya.
"Hinihintay mo ba magtext si Viki?" Tanong ko sa kanya habang diretsong nakatingin sa labas ng kotse. Ayoko kasing makita ang magiging reaksyon niya. Baka kasi tama ako.
Hindi niya ako sinagot at sa halip ay hinawakan na lamang niya ang aking kamay. Silence means yes, di ba? Napapikit na lamang ako sa sakit na nararamdaman ko. Para bang may nakabara sa lalamunan ko at nahihirapan akong himunga.
Ilang sandali pa ay tumunog na ang kanyang cellphone. Walang imik siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. Umakyat kame sa taas at nagulat ako ng makita kong bahagyang bukas ang pinto ng condo ko! Agad kong hinanap ang susi sa bag ko at...
WALA!
Napatingin ako kay Stephen na may halong pagtataka at pagdududa.
"I asked Ranz a favor." He doesn't need to say more. With that, alam kong lahat ng ito ay planado nila. Hindi ko tuloy alam kung maaasar ako o matutuwa sa mga pinaggagagawa nila.
"Let's go?" he said while holding my hand.
I felt tears fill my eyes and my heart pumping twice it's normal rate. Candlelit dinner. Sweet background song.
"Happy birthday babe." He whispered and kissed my forehead.
I honestly don't know what to feel. I know I've had a lot of candlelit dinners before but this one... this one is different. I felt overwhelmed, sad and confused all at the same time.
"Stephen..."
"I know you have doubts. I know you have many questions left hanging and I'm sorry if it took me a long time before I got the courage to face you and answer your questions." I can see sincereness in his eyes and it pains me to see him in pain.
"I just want you to be honest with me, Stephen."
"I will."
He made me sit and served the food. "Kain muna tayo bago ang interogation. Ha?" He said in a playful voice. Kahit ganun ang boses niya ay halata parin sa mata niya ang lungkot at kaba. Siguro ay sinusubukan lamang niya na alisin ang 'awkwardness' sa pagitan naming dalawa.
"Ikaw ang nagluto?" Panunukso ko sa kanya. At agad naman siyang napakamot sa ulo niya.
"Like I said. I asked Ranz a favor." Napa-ooooh na lamang ako sa sinabi niya.
Kaya naman pala parang ang daming alam ni Ranz. Planado pala nilang dalawa ito. Ang daya talaga ng babaeng yun! Hindi man lang akong sinabihan ng konti para hindi ako nabibigla sa lahat ng nangyayari.
"Ako na magliligpit ng kinainan." Pagpiprisita ko.
"Ano ka ba? Birthday mo nga di ba. Ako ang magliligpit nito. Mamaya ko na lamang huhugasan. After the interogation." Napalunok naman ako sa sinabi niya. Kanina lang akong yung pursigidong tanungin siya ng kung anu-ano pero bakit ngayun ay ako pa ata itong kinakabahan?
"Let's sit in the couch." pag-aanyaya niya.
Umupo ako sa isang dulo ng sofa at siya naman sa kabilang dulo. O-kay. Awkward.
"Fire away." Aniya sabay abot ng wine sa akin.
Tumikhim muna ako bago nagsimula. "Ano mo ba ako?" Mukhang nagulat siya sa unang tanong ko. Siguro ay hindi ito ang inaasahan niya mula sa akin. Masisisi niyo ba ako? He left me hanging. He left me in a possition where I don't know where to stand.
"Girlfriend." Mahinahon niyang sagot habang nakatingin sa mga mata ko. Yung tingin na nakakahilo at tila nilulunod ka.
"Mahal mo ba ako?" Halos mabasag ang boses ko sa sumunod kong tanong dahil na din siguro sa mga luhang nagbabantang mahulog.
"Oo. Sobra so--"
"They why are you with her!?" Tuluyan ng pumatak ang mga luhang kanina ko pang pinipigil. Bahagya ring lumakas ang aking boses, dahil na rin siguro sa galit na naipon sa dibdib ko.
"She needs me." WHAT!? At ako? hindi ko siya kailangan? Ganun?
"That's bull! Bakit? Mamamatay na ba siya!?"
Bumuntong hininga siya. "Oo."
I was taken back by his answer. WHAT!? Ano ito? SDTG lang ang peg?
"How can you be so sure she's telling the truth?"
"She gave me her medical certificate and lab results. Phia, she has Leukemia. She's weak and she needs me." Leukemia? E bakit parang wala naman sa itsura ng vutiking yun na may sakit siya? Tss.
"And you believed her!? Just like that? Pwede namang ipa-doctor sa Recto ang mga certificate na yun!" I said sounding so desperate.
"Phia! Listen to me! Sinamahan ko na siya noong isang araw sa hospital. She had her chemo and I was with her. I saw it with my own eyes!" nagulat ako sa biglaan niyang pag-sigaw. Napahawak na lamang ako sa aking bibig upang pigilan ang aking pag-hikbi.
"Phia. I-I'm sorry. I didn't mean to shout. I--" Itinaas ko ang aking kamay upang pigilan siya sa pagsasalita. Agad kong ininom ang wine na nasa tabi ko at kinuha ang bote ng wine at nilaklak ito. Sabi nila pagnaglasing ka mawawala ang sakit na dulot ng mga problema mo. Wine lang naman ito, pero dahil na rin siguro sa tagal ko ng hindi nakakainom ay medyo tinamaan agad ko.
"Stop that!" At agad naman niyang inagaw ang bote na halus paubus na ang laman. Sinamaan ko naman siya ng tingin at tumayo para kumuha ng panibagong bote sa ref. Agad ko itong binuksan at diretsong ininom.
Inagaw niya ulit ito. This time ay tinulak ko na siya at tumakbo papunta sa kwarto ko. Pero bago ko pa naisara ang pinto ay napigilan na niya ako.
"Iwan mo na ako! Umalis ka na!" Pagprotesta ko sa kanya.
Hindi siya umimik pero patuloy parin niyang nilalabanan ay pagsarado ko ng pinto. Nakakainis! At dahil narin sa tama ng alak sakin ay nanghina na ang tuhod ko at nanalo siya sa pag-bukas ng pintuan.
Lalo akong naiyak habang nakaupo sa sahig. Susubukan pa sana niya akong lapitan pero pinigilan ko siya.
"Don't you dare touch me! HUH! Mahal mo ako? TATAWA NA BA AKO!? Mahal mo ko pero bakit mo ako sinasaktan ng ganito? Ako si Sophia Maybelle Cojuanco! Hindi ko sineseryoso ang pag-ibig! Siguro ito na yung karma ko sa lahat ng lalaking nasaktan ko. Hahaha. Ang sakit pala talaga. Ang maloko ng taong pinagkatiwalaan at minahal mo. Nakaka-tanga di ba? Hindi pa naman tayo ganoong katagal magkasama pero bakit ba mahal na mahal kita!? HAH!? Ginayuma mo ba ako? Tama na. Oo na. Masakit na. Ayoko na..." hirap na akong huminga at basang basa na ang mukha ko kaka-iyak. Naramdaman ko na lang na niyayakap niya ako mula sa likod. Pero sa halip na itaboy siya ay hinayaan ko na lang. Nanghihina na ako at aaminin ko gusto kong niyayakap niya ako. Mahal ko siya at nakakainis mang aminin pero siya talaga ang kahinaan ko.
"I'm sorry." he said.
"Sorry na naman? Puro ka naman sorry e!" He hugged me tighter. Hindi na siya umimik pero patuloy parin ang agos ng luha ko. umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa nakatulog na pala ako.
(End of Flashback)
"Hindi mo parin sinasagot ang tanong ko! Bakit ka hubad!?"