Taba. Baboy. Tabachoy.
Yan ang madalas na tukso saakin noong high school ako. Oo, mataba ako noon. Noong panahon na patay na patay ako kay Andrew. Oo mataba ako noon, pero hindi ako nagparetoke! I worked hard to be who I am now.
Kung alam niyo lang ang hirap na dinanas ko noon. All the excercise, the diet. Halus sa gym na ako tumira. Araw-araw akong nagjojogging. Prutas at gulay lang kinakain ko. No oil, no meat, no rice and no bread. Lahat ng nakakataba ay natanggal sa menu ko. Dumating nga ako sa punto na isinugod ako sa ospital dahil sa over fatigue, stress and ulcer.
Noong nakuha ko na ang katawang gusto ko ay ibinaon ko narin sa limot ang alaala ng lumang Sophia na iyon. Lumipat ako sa malayong school at umiwas sa mga maaaring makakilala sa dating ako.
Hindi naman sa inakahiya ko ang sarili ko. Ayoko nalang balikan ang hirap na dinanas ko noon. Ang lahat ng panunukso at kabiguan.
I wanted to be happy so I started a new.
Kaya ganoon na lamang ang pagpapahalaga ko sa katawan ko. Kung proud man ako na magsuot ng mini skirts and shorts, yoon ay dahil pinaghirapan ko naman ang katawan ko ngayun.
Walang niretoke sakin. Walang binago at walang inenhance. Natuto lang talaga akong magdisiplina at baguhin ang sarili.
Mali ba iyon?
Kahit gusto kong ipagsigawan sa mundo ang katatahanan, mahiran yon. Hindi lahat ng tao bukas ang isip sa mga ganitong bagay. May mga tao naman na mas pipiliing may mapag-uusapan sa kanila kesa ang tanggapin ang katotohanan.
Naisip ko tuloy, anong bang nagawa ko sa taong nagpakalat ng pictures ko at naninira sa akin?