Binuksan ko nang dahan dahan ang pinto.
"Andrew...."
"Phia." Sabay yakap niya sakin. Gusto kong kumawala. Itinutulak ko siya pero lalo niyang hinihigpitan ang yakap niya. Ano bang problema nito? "Sandali lang naman Phia. Kelangan ko lang talaga nang karamay ngayun."
Halata sa boses niya ang lungkot. Wala na din akong nagawa. Hinayaan ko nalang siyang yakapin ako. Kahit papano naman may pinagsamahan kame. First love ko siya , at ex-bestfriend. Kahit naman hindi siya umimik alam ko naman na si Ezeki ang problema niya.
"Ahm. Andrew. Pasok ka muna sa loob." Inalalayan ko siya papunta sa couch. Halata kasing lasing siya.
Paano naman kaya siya nakapunta dito? Paano naman niya nalaman ang condo ko? Anong naman kaya ang nangyari sa kanila ni Ezeki?
Ang dami kong tanong. Pero alam kong hindi ito ang tamang panahon para sa mga yun. Kaibigan ang kailangan niya ngayon.
Pinagtimpla ko siya ng kape, at pagbalik ko. Ayun, tulog na siya. Sa sobrang kalasingan narin siguro. Kawawa naman. Pano ba ito? Alangan naman na iwan ko nalang siya diyan. Geez. Tatawagan ko na sana si Ranz ng biglang may kumatok...
Na naman.
Agad ko iyong binuksan...
Si Stephen.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya noong nakita ko siya. Yung mga mata niya naman, parang may lungkot na hindi ko maintindihan. Iimik pa sana siya kaso bigla siyang napatingin sa taong nakahiga sa couch.
"Anong ginagawa niyan dito?" Mahinahon niyang sabi.
"Hindi ko din alam. Kumatok nalang siya at.. at.. ayan." Hindi ko na alam ang sasabihin. Dahil hindi ko din naman talaga alam ang dahilan kung bakit siya nandito. Ang alam ko lang, tungkol yun kay Ezeki.
"Ganun ba."
"Ahm. Stephen, tulungan mo naman akong ihiga siya sa kwarto."
Yun nga, binuhat ni Stephen si Andrew papunta dun sa isang kwarto. Sa kwartong tinutulugan niya. Siya na din ang naghubad sa sapatos at nagpalit sa damit nito. Ako? Eto, nakatayo at nanunuod lang.
Lumabas na kame ni Stephen at pumunta sa living.
Walang imikan.
Yung tipong nagpapakiramdaman lang kame.
"Phia. Yung kanina..." -siya
"Hindi mo naman kailangang magpaliwanag." Sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mata niya. Nakangiti ako. Pilit na ngiti. Kasi sa totoo lang natatakot ako kung anong maaari kong malaman. Natatakot ako sa mga sasabihin niya. Hindi pa nga siya naimik pero masakit na.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Oo, hindi ko kailangan. Pero gusto ko. Kasi alam kong ito ang tama." Bahagya siyang lumapit sa akin. Ang lapit namin. Naririnig kaya niya ang puso ko na kanina pang nagwawala sa kaba? "Phia, si Viki yun. Ex ko."
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. EX? E kung maghalikan sila wagas. Para siyang butiki na nakakapit kay Stephen kanina. OO, tatawagin ko na siyang VIKI VUTIKI. Okay, ang Bitter Ocampo ko na.
"Tinext niya kasi ako kaninang umaga, sabi niya mag-uusap lang kame. Pero pag dating niya sa condo ko may dala na siyang alak. Sabi naman niya konting inuman lang daw, kung baga huli na yun kaya pinagbigyan ko na. Tapus nagulat nalang ako dahil bigla siyang naghubad at hinalikan ako. Alam mo naman, lalaki lang ako. natutulko din. Pero promise! Hindi ko talaga yun ginusto!" Sabay ngiti nang nakakaloko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
BINATUKAN KO NA SIYA!
"Aray! Para ka namang amazona kung maka batok. Aish! Ang sakit nun Phia hah." Sabi niya habang hinahawakan yung parteng binatukan ko.
"Serves you right!" Konti palang yang sakit na yan sa naramdaman kong sakit kanina!
"Selos ka ba?" Hayan na naman yang nakakaloko niyang ngiti. >.<
"Naka-shabu ka ba? Asa ka boy!" Syempre pakipot ang lola niyo. Hahaha
"Maiba ako, pano yan. Single bed lang yung kama na hinihigaan niya? Saan ako tutulog?" Napaisip naman ako dun.
"Dito sa couch." -Ako
"Dito!? Alam mo ba yung huling tulog ko dito sumakit ng sobra ang batok ko. Huehue. A-ahm Phia." - Siya
"Ano?" Nagtataka ko namang tanung sa kanya.
"Dun nalang ako sa kwarto mo." - Siya
"ANO!? Ayoko nga! Dun ka nalang sa condo mo! Shoo! May kama ka naman dun!" G*go ba siya? Anong sa kwarto ko!?
"Ayoko nga! Doon ako? Tapus ano? Iiwan kita dito na kasama yung lasing na yun? E kung may gawin yun sayo." Nagulat ako kasi biglang naging seryoso ang mukha niya. Concern siya sakin? Hindi ko mapigilang hindi kiligin. Hihi. Okay, ang landi na.
"P-pero.."
"Wala nang pero-pero. Pati magpapraktis pa tayo di ba? 9pm palang naman." Pag gigil niya. Hay! Bakit ba pag dating sa kanya, wala akong magawa?
"S-sige na. Oo na." -Ako
"Yesh! Maghihinaw lang ako ha. Tapus ikaw naman, tapus praktis na tayo." At tumayo na nga siya, kumuha ng gamit sa kwarto at dumiretso na sa banyo. Iba din ang trip nang lalaking ito. Matagal tagal din akong nakatitig sa pinto ng banyo nang narealize ko.
Kanina pa pala akong nakangiti.
