23

210 2 0
                                    

The Party

Late na akong dumating dito sa 'The Venue' para sa matagumpay naming play. Actually, wala na talaga akong balak pumunta kundi lang dahil sa pamimilit ni Ranz at ng Prof namin.

Padalhan daw ba ako ng pagkadaming text messages. Hindi pa nakuntento at panay rin ang tawag nila sa akin. Nasira na din naman ang moment ko sa pag-eemote, kaya pumayag na din ako.

Victory party yoon at bilang kame ni Stephen ang main cast, inaasahan ko na na nadidito siya. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang babaeng nakapulupot sa braso niya. Sino pa nga ba, e di si Viki vutiki!

Hindi ko maiwasang mapasimangot sa nakita ko. Pwede pala ang outsiders dito sa party? Asar much.

"Sophia, dear!" Tawag ng Prof namin habang hawak ang mic, dahilan para mapatingin ang lahat ng tao sa direksyon ko. "You came! Come, join me here on stage!" masaya niyang sambit.

May spot light na tumutok sakin habang naglalakad ako papunta ng stage. I'm used to all the attention, so this is no biggie. Pero ang talagang nakaka-bother ay matatalim na titig sa akin ni Stephen. Nag-iwas na lamang ako ng tingin, dahil pakiramdam ko ay manlalambot na ng tuluyan ang mga tuhod ko kapag patuloy ko pa siyang tingnan.

"So now that we have our star! Let the party begin!!" huh?

Namatay ang main lights at nabuhay naman ang party lights. Napalitan ang sweet ang romantic background ng upbeat music. Srsly? Hinintay talaga nila ako? Wow. Nakaka-touch. Kaya pala panay ang text at tawag nila sakin.

May naramdaman nalang akong hunawak sa braso ko.

"Bes! Bongga ang entrance teh! Ganda mo!" masayang sabi ni Ranz habang hinihila ako papunta sa kung saan.

Nakarating kame sa isang table at nagulat ako dahil nandito ang bandang Wanderlust. Syempre kasama si Stephen at Viki.

"Congrats!" Bati nila sakin.

"Thank you!" matipid kong sabi. Doon ako umupo sa tabi ni Ranz. Doon, para medyo malayo kina you-know-who.

Fattify My Sexy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon