Ang ganda dito sa Sabang beach! Sabi ng guide namin ay relaxation daw muna kame. Meaning gawin namin ang gusto namin. After that ay lunch and then Diving.
"Tara dun!" Narinig kong sabi ni Viki habang nakapulupot kay Stephen. Tumango na lamang siya at nagsimula na silang maglakad.
"Tara din?" Aya naman sa akin ni Jace.
"Wait lang Jace. Magsu-sunblock muna ako." Ayokong magka skin cancer no.
"Ako na maglalagay sayo!" Medyo malakas na sabi ni Jace. Bigla namang napatigil si Stephen sa paglalakad.
"Sige." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Viki. Lalagyan kita ng sunblock. Gusto mo?" Alok ni Stephen kay Viki. At ang bruha, lumapad naman ang ngiti. Tss. Nakaka-iyamot ang ngiti niya. Sarap bungian.
"Sige!" Sagot naman niya habang tuwang tuwa. Napatalon pa nga siya sa sobrang kaligayahan. Malandi.
"Ah. Sophia? Pwede pahingi din kameng sunblock?" Napataas naman ang kilay ko sa tanong ni Stephen. Sakin pa talaga himingi?
"Bakit? Di ba mayaman ka Viki?" Sarkastiko kong sabi kay Viki. "Kaya mo pa ngang magbayad ng Isang milyon para sa doctor mo, di ba?" I said with an evil grin.
Nakita ko naman na nakuha ko ang atensyon niya. Ha! Bahagya ring namula ang pisngi niya, siguro sa galit? I bet 1 million rings a bell.
"H-ha?" Nauutal niyang tanong.
"Bakit? Di ba nagchechemo ka? That must cost you a million." Bahagya namang napatawa si Jace sa likod ko at siki Viki naman ay parang nabuhusan ng malamig na tubig. Namutla at napakunot ang noo.
Damn right Viki. I know what you are doing! if you think you are in control of this damn game, then think again.
"A-ah. Yeah." Naiilang niyang sabi.
"I was just kidding. Here." Sabay abot ng sunblock kay Stephen na ngayun ay nakakunot na ang noo. Bakit kahit ganyan na yung expression niya, ay gwapo parin siya? Why?
"Thanks." Tipid niyang sabi at inabot ang sunblock.
"So? Una na kame sa inyo. Itapon niyo nalang yang sunblock sa basurahan. May allergy kasi ako sa hipon. If you know what I mean" *wink* Sabi ko sabay higit kay Jace palayo sa kanila. Pero bago kame tuluyang umalis ay hinubad ko na ang black cover up ko. Dahilan para malantad ang sexy kong katawan in 2 piece red swimsuit.
Nakita kong bahagyang napanganga si Stephen sa nakita niya. Huh!
Pabiro naman sumipol si Jace. "Sexy."
"Thanks. Tara na?" At naglakad na kame palayo.
"Nakita mo ba yung mukha ni Stephen? Para siyang nakakita ng himala! Hahaha." Kanina pang tawa ng tawa itong si Jace, ako naman nakikitawa lang sa kanya. "Lalo naman yung mukha nung Viki. Parang sasabog na sa sobrang galit. Hahaha! Priceless." Dagdag pa niya.
"Hindi ko nga alam kung saan ko hinugot ang lakas ko para sabihin yun sa kanila." Pag amin ko sa kanya.
"Honestly, you did great Sophia."
"Thanks."
Maya-maya pa ay naglakad na kame pabalik para maglunch. Pagdating namin doon ay nakita namin si Stephen na sinusubuan ni Viki. Sweet. Sarap patayin.
I was slightly taken back with what I saw. Buti nalang at nandyan si Jace to back me up.
Doon kame umupo sa table infront of Viki and Stephen's table.
Nagbubulungan kame habang hinihintay ang order namin. Plano ito ni Jace. Ayaw naman daw niyang nagsusubuan kame para lang pagselosin si Stephen. Aniya, mas maganda ito. Mag iisip sila kung anong pinag-uusapan namin.
"Kung nakakapatay ang tingin, siguro bangkay na ako dahil sa sama na tingin sakin ni Stephen." Pabirong bulong ni Jace.
Bahagya naman akong napatawa sa sinabi niya.
"Tingnan mo yung noo niya. Daig pa ang crumpled paper." At napatingin naman nga ako kay Stephen. Sobrang naka-simangot ang loko. Napansin niya ata na nakatingin ako kaya nag-iwas siya ng tingin.
Nagkatinginan naman kame ni Jace at sabay napatawa. Ewan ko ba. Masaya ako. Masaya ako dahil alam kong I have an effect on him.
Na ako parin.
Pagkatapus naming kumain ay pinuntahan na kame ng tour guide.
"You can choose if you will go diving in the Sabang Ship wreck or in the Sabang Corals." pagsisimula niya.
"Saan mo gusto?" bulong ni Jace.
"Corals syempre. Ang creepy naman kung sa ship wreck tayo."
"Sa Sabang Corals kame." Sabi ni Jace dun sa tour guide.
"Sa Ship wreck kame!" Biglang sabat ni Viki.
"Akala ko ba sa Corals tayo?" Nagtatakang tanong ni Stephen.
"I change my mind. Sa Ship Wreck nalang tayo." At nag-pout pa talaga siya. Feeling cute! Hindi ko alam na marunong palang mag-pout ang mga hipon.
Ang sabihin mo, inilalayo mo lang si Stephen sakin! Bahala ka. Sana lumubog ka na rin kasama nung ship wreck!
"Okay. So, sa magkaibang boats kayo sasakay. Each couple will have an hour to explore the vicinity. You will be assisted by professional divers. Please, iwasan po natin ang masyadong lumayo. Okay? Good luck."
Sumakay na kame at nagpunta sa Corals! Sobrang ganda. Ang daming isda tapus hindi sila mailap, minsan pa nga sila pa ang nalapit. How cute!
Ilang minuto pa ay sumenyas na yung diver umakyat na kame.
Bakit kaya? Wala pang 1 hour ah?
"Sir? Bakit po umahon na tayo?"
"Nagka problema daw po kasi sa kabilang barko. Pinababalik na po tayo."
Kinabahan na ako sa narinig ko. Problema? Sana naman walang nangyaring masama kay Stephen.
"A-ano daw pong problema?" Nanghihina kong tanung sa kanya...
''Yung lalaki daw po..."
SHIT!