24

178 2 0
                                    

"Attorney, I need the best inquiry agent you know."

2 days have passed since Stephen and I last talked, at 2 days akong nag-isip at nagplano ng gawin para mabuko ko si Viki. Everything is planned now, the only thing missing to start this operation is my 'private eye'.

"Well, Ms. Cojuanco. I know some private investigators in the Metro..."

"Just go straight to the point, Attorney Valderama."

"You see Ms. Cojuanco, my son is my most trusted inquiry agent."

"Your son?"

"Yes! He's currently studying in college. Actually, he's in the same school you're in." He said proudly. "Nagtataka nga ako at hindi mo pa siya kilala." he grinned.

"Call him. I want to talk to him, now."

Agad namang tinawagan ni Attorney ang anak niya. "He's on his way."

"Good," I said coldly before taking a sip on my soda.

"I better be going. Your Dad has texted me. Bye Ms. Cojuanco." but before he left, i asked him if he could keep our convo a secret. Ayoko namang malaman pa ito nina papa.

5 mins. have passed and I'm beginning to lose my patience when a familiar face greeted me.

"Hi." he said with a big smile.

"Jace? Ikaw yung anak ni Attorney Valderama?" Akalain mo nga naman! Such a small world. Kaya pala pamilyar ang apilyedo niya.

"Yeah." saad niya na parang nahihiya. Ay ang cuteeee. :3  Okay stop.

"Have a seat."

"So... Ms. Cojuanco. What matters do you have to ask for an inquiry agent?"

Sinabi ko sa kanya yung mga hinala ko, pati narin yung mga narinig ko nung gabi sa The Venue. Medyo nakakailang nga lang  kasi sobrang titig na titig siya habang nagsasalita ako. As in, SOBRA. Parang tutunawin niya ako sa mga titig niya.

"Honestly Ms. Cojuanco..."

"Ano ka ba Jace, Sophia nalang. Para ka namang iba, besides magka-edad lang tayo." napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Okay, Sophia. Honestly this matter of yours is new to me. Normally kasi ang ipinapahandle lang sakin na cases ni dad ay may kinalaman sa kumpanya, or business per se."

"Are you backing out?" I said almost losing hope.

"No. Ofcourse not. Nachachallenge pa nga ako. Tsaka, ikaw? Tatanggihan ko? Never." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sa sandaling panahon, alam ko naman na mabuting tao itong si Jace. At sa tingin ko naman ay mapapagkatiwalaan ko siya.

"Thank you Jace."

"You're always welcome Sophia." He said with a sweet smile. "So, where do you wanna go?"

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. "Huh?"

"Saan mo gustong pumunta? Consider this as a belated birthday gift." Grabe! Paano niya nalaman? Wait, investigator nga pala siya.

"Naku, wag na. Nakakahiya naman sayo."

"Ano ka ba naman Sophia. Gusto ko lang naman na regaluhan ka, besides, gusto ko ding mas makilala ka. I want to be friends with you. If that's okay?" nakakatuwa talaga itong taong ito. Napaka straight forward niya. At yung confidence niya sa sarili, ay hindi yung tipo na nakaka-intimidate or nakaka-inis. I like him.

Don't get me wrong.

I like him as a person.

"Sige na nga. Ahm. TIMEZONE! Gusto ko magtimezone." excited kong sabi sa kanya. Bigla naman siyang natigilan sa sinabi mo, yung parang nagulat. Tapus bigla siyang tumawa. "Anong nakakatawa?" Taas kilay kong sabi sa kanya.

"Ikaw. Ang cute mo kasi." Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili sa katatawa. "I never thought that a Sophia Maybelle Cojuanco, has a childish side" he said with amusement. "Tsaka akala ko, you would say shopping. Cuz I thought that's what most wealthy lady, like you, love to do."

"Well, I'm not like most of the ladies you know. Kung ayaw mo, di wag! hmp." Nakaka-inis to. Mag-aaya tapus manlalait. Childish? Ako? HINDI KAYA.

"Sorry! Sorry. Okay hindi na ako tatawa. So tara na?" Iniabot niya ang kamay niya sakin, parang nung sumayaw lang kame sa victory party. Syempre tinanggap ko naman yun. Haay. Napaka-gentleman naman nitong si Jace. Ang swerte swerte ng magiging girlfriend nito.

"Ang daya mo naman!" Litanya ko sa kanya. At si loko tinawanan lang ako. Talo na naman kasi ako dito sa racing game na nilalaro namin. Grabe. Sa umpisa ako parati ang nauuna pero bakit ganun, bigla nalang siyang nagiging first. TSK! Asar naman. -_-

"Dun nalang tayo sa air hocky. Dali na. Dinadaya mo lang naman ako dito e!" Hindi ko na siya hinintay sumagot, hinila ko na agad siya. Bwahaha.

"2-0! Hahaha. Wala ka pala Jace! talo kita dito." napakamot naman siya sa batok niya habang natawa. Masasabi ko talaga na si Jace, ay man of few words. Wala siya masyadong imik pero hindi siya nakaka-bore kasama.

Natapus ang game namin sa 5-4. Panalo ako syempre. Bwahahaha. Naglaro pa kame ng ilan pa hanggang sa mapagod na kame.

"Jace. Salamat ha. I had so much fun." Nandito na kame ngayon sa labas ng condo ko. Sabay kameng pumunta dito pero sa magkahiwalay na sasakyan. Sabi ko nga sa kanya wag na niya akong ihatid dahil may sasakyan naman ako, pero he insisted.

"Before I forget, eto oh. Birthday gift ko."

A/N:

Sorry for the misspelled words, typos and for the short update.

Fattify My Sexy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon