Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Mga records. Bank records ni Viki at nung doctor. Nandito yung 1 million transaction. May dalawa ring cd na nasa loob. Ang isa ay phone call record at ang isa naman ay video record.
Pinakuha ko ang laptop ko at pinanuod namin yung video record. Kuha ito sa loob ng opisina nung doctor at dinig na dinig ang usapan nila. Bigla itong naputol at nagbago ng location. Sa loob naman ng chemo lab. Nanduon sa Viki pero hindi siya nagpapachemo. Nakikipaghalikan siya doon sa doctor! Siguro ay nasa mga 28 na yung doctor.
So ito pala ang mga ginawa ni Viki. Ganito niya kamahal si Stephen. Gustohin ko mang magalit sa kanya pero hindi iyon ang naramdaman ko. Awa at paghanga.
Lahat ginawa niya makuha lamang si Stephen. Lahat ibinigay niya. Samantalang ako, puro pasakit lamang ang dala ko sa kanya. Siguro nga ay tama si Viki. Selfish ako masyado.
"Sophia." Sabi ni Jace at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako? "Why are you crying?"
Umiling nalang ako dahil ayokong malaman niya ang dahilan. Si Ate Diara naman ay hinawakan ang aking kamay.
"When are planning to show this to Stephen."
"Pag-iisipan ko pa. H-hindi ko pa alam."
Tinitigan naman niya ako na parang sinusuri ang bawat sinabi ko.
"Don't tell me you're backing out." Nangilabot ako sa boses ni Jace. Parang may kung anong malamig na bagay ang gumapang sa buong katawan ko. Parang hindi si Jaceal ang nagsalita.
"I. I don't know." Nag iwas ako sa tingin niya dahil kinakabahan na ako.
"You don't know?"
"Jace. Kasi..." hindi ko na alam ang sasabihin ko.
"Don't tell me you're giving up your happiness?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Sa lahat ng tao, hindi ko inaakala na si Jace pa ang magsasabi nito. It hit my heart.
Don't tell me you're giving up your happiness?
Kaya ko nga ba na mawala si Stephen sakin?
"OMFG! Blaine Diara!"
Biglang sumigaw si Ranz at tumakbo para yakapin ai Diara.
"Ranz! Kumusta?"
"Okay lang ako, as always! Kelan ka bumalik?"
"Kahapon lang. Wow! Blooming ka ata ngayun."
Tingnan mo itong si Ranz. Wag mong sabihin na pumunta lang siya dito para puntahan si Diara? Napaka bait na bestfriend.
"Ehe-ehem!" Timikhim si Jace para maagaw ang atensyon nila.
"Jace! Andito ka pala. Teka kelan pa kayo naging close ni Phia?" Tumabi si Ranz saakin at niyakap ako. "Bes. I heard what happened. Alam kong di ka okay kaya pumunta ako dito." tumabi na din si Diara sakin at niyakap din ako.
Ang sweet nila. Kahit papano ay nababawasan ang lungkot na nararamdaman ko. I'm glad that I have them.
"Pwede ako din, pa hug?"
Natawa naman kame sa hirit ni Jace. Napaka-bipolar! Kanina lang cold cold niya sakin. Binatukan naman siya ni Ranz.
"Hoy Jace! Simpleng manyak ka pala! Haha. Kelan ba kayo naging close nitong si Phia?"
Tiningnan naman ako ni Jace na parang humihingi ng tulong. Marahil ay hindi niya alam kung paano magpapaliwanag.
"Ahm. Ano kasi Ranz. Kinuha ko si Jace na private investigator."
Tinaasan naman ako ng kilay ni Ranz.
"Para saan? At ikaw? Investigator?" Tampo na ito. Ramdam ko. "May mga hindi ka pa ba sinasabi sakin Sophia Maybelle?"
"Ah. Ano.-"
"Nag Puerto kame nuong isang araw." Singit ni Jace. Pinandilatan ko naman siya. Kita na ngang tampo si Ranz. Tinawag na nga niya ako sa buong pangalan ko.
"Anooo!? Siya ang kasama mo sa Puerto!?"
"Biglaan yon! Kaya hindi na kita naisama. Besides, hindi rin naman naging maganda ang... stay namin don." Unti unting humina ang boses ko. Naalala ko na naman si Stephen.
Tumingala ako para pigilan ang luha ko.
"Pasalamat ka mahal kita, kundi magreresign talaga ako bilang bestfriend mo!" Pagmamaktol niya saka niyakap ulit ako. "Sige na hindi na ako tampo at hindi na ako magtatanung. Tumigil ka na nga kakaiyak! Ang panget mo na. Ay teka, sige go lang pala. Iyak ka pa para mas maganda na ako sayo."
Alam kong pinapagaan lang niya ang loob ko, at nagpapasalamat talaga ako na may self proclaimed bestfriend ako na kagaya niya.
"Miss Sophia."
"Yes."
"May tao po sa labas."
"Sino daw?" Wala na naman akong ineexpect na dadating. Wala na din naman akong ibang kaibigan.
"Stephen daw po."