Pagod? OO.
Nasasaktan? SOBRA.
Gusto ko ng maging manhid. Ayoko na nang sakit. Sawang sawa na ko diyan pwede ba? Gusto ko nalang makalimot. Kung pwede ngang matanggal na agad si Stephen sa sistema at puso ko, ginawa ko na. Pero ang hirap.
Moving on is never easy, but I know it's not impossible.
Nakakatawa lang dahil kahit wasak na wasak na ako ay nagagawa ko paring mag think positive. Leche lang. Ang hirap maging si Sophia Maybelle Cojuanco.
"Here, drink this. For your hangover."
"Thanks Jace." saad ko sa kanya.
Yup. Jace was the one who saved me last night. At nandito ako ngayun sa condo niya.
"You should see yourself Sophia. You look like a disaster." he said almost laughing.
"Geez. Thanks. That made my day." I said with with full sarcasm.
"Always welcome." he grinned.
Kahit naman gago tong si Jace, atleast totoo siya sakin. That's what I need right now. No sugar coated words, just pure and painful honesty.
Para naman matauhan na ako at matapus na itong kahibangan ko.
The next day ay pumasok na ako. Normal na araw iyon. Normal dahil ganun parin si Stephen sakin, cold and heartless.
"Where were you this part few days?" usisa ni Ranz pagdating ko mg classroom.
"I went home." I lied.
"Well that hurts."
"Why?"
"Come on Phia. I'm your bestfriend and you're lying? Spill it."
Wala talaga akong maitatago sa isang ito. Sinabi ko pa naman kay Jace na wag sasabihin kay Ranz ang nagyari dahil ayoko siyang mag-alala, pero ako rin pala ang magbubuking sa sarili ko.
Kaya kinuwento ko na lahat sa kanya. Simula doon sa pag-uusap namin ni Stephen hanggang sa pagliligtas sakin ni Jace.
Pero bago pa makapag-comment si Ranz ay dumating na ang prof namin. Okay na rin siguro iyon, sigurado naman kasi na masesermonan niya lang ako.
Nakakatamad ang lesson kaya naman sobrang bagal ng oras. Noong sa wakas ay nag lunch na ay bigla namang sumulpot si Jace at hinarang ako.
"Ranz, pahiram muna ng bestfriend ko." Saad niya saka tumingin sakin ng seryoso. "Come with me."
Wala na akong nagawa kaya naman nagpatianod nalang ako kanya. Nakarating kame sa likod ng school at nagulat ako sa nakita ko.
Sorry sa term, pero what the fuck?
Si Stephen.
May kahalikan.
Si Viki.
Hindi lang yun basta halik. Alam niyo yun? Parang any moment mag-aano na sila. Nakakainis. Nakadiri. Ang sakit sa mata. Ang sakit sa puso.
Hindi ko na kaya, kaya naman tumalikod na ako pero pinigilan ako ni Jace at iniharap ulit ako kina Stephen at Viki.
"Jace, please." I said with a pleading voice.
Alam ko naman na hindi na ako mahal ni Stephen pero damn! Kailangan talagang isampal sa mukha ko ng paulit-ulit?
"Tingnan mo sila." mariin niyang sabi. "Take it all in. Feel the pain."