Yannas POV
Hays exhausted talaga ako ngayong araw, ikaw ba naman magsuot ng heels habang sumasayaw. Ang sakit na ng legs ko kaasar! Pero you know what? hindi ko nakita si Darren sa campus nila kanina. Siguro wala siya dun o kaya nandoon siya pero di lang talaga kami nagkita. Ewan ba! bakit ko ba yun iniisip at si Chesca kanina mukhang blooming, alangan namang hindi diba kasi syempre nakuha na niya gusto niya HAHAHA okay fine masaya naman ako para sa kanila eh.
Pauwi na ako ngayon syempre nagpasundo ako baka di na ako makarating ng buhay kapag nag comute ako, pero syempre joke lang yun HAHAHA
" Kuya! padaan po sa may Mall, may bibilhin lang po ako saglit" sabi ko kay kuya, agad naman siyang um-oo.
Nang makarating kami ng mall agad akong punta sa food court para bumili ng milktea.
" Good evening Ma'am what's your order? " tanong ng babae.
" Isang Matcha na milktea po na large" sabi ko tsaka nagbayad na. Napansin ko naman yung babaeng nasa tabi ko na mukhang galit na sa kausap niya sa phone. After a while nakuha ko na yung Milktea ko.
" Ayoko ngaaa Darren ang kulit mo!" inis niyang sabi sa kausap niya.
" Khris??" Mahina kong tawag sa kanya, at napalingon naman siya saakin.
" Llyanna babe!!!!" sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit. Shocks! namiss ko to.
"SHHHH" sabi ko nang may napatingin saamin.
" Ayyy shit!" sabi niya nang maalala niya na may kausap pala siya.
Sumenyas siya na si Darren daw yung kausap niya. Napa iling naman ako. Ni loudspeaker niya yung phone tsaka kinausap ulit si Darren. Sinabihan niya ako na makinig daw.
" Khris! Bakit ka tumili?? Tsaka sino Yann---"
" Ah wala couz ang sabi ko ayan na yung pagkain ko., nandito kasi ako sa resto" palusot niya kay Darren na ikinatawa ko naman.
" As what I have said earlier pumunta ka dito kasi Chesca needs your help " Sabi ni Darren
Nagtinginan naman kami ni Khris.
" Ano bang kailangan niya??" Inis na sabi ni Khris
" Magpapaturo daw siya gumawa ng cupcakes" sagot naman ni Darren
" Ha?? Ang weak pala niyang girlfriend mo eh, cupcakes lang di pa alam gawin tsk! mabuti pa si Llyanna" sabi ni Khris tsaka nag wink sa akin kaya kinurot ko siya sa tagiliran.
" Aray naman ohh" sigaw niya tsaka pinalo yung kamay ko.
" Ayy sorry yung babaeng maganda kasi dito sa resto ehh binunggo ako" sabi niya tsaka pinipigilang tumawa. Baliw din to eh
" Hoy Darren sabihin mo jan sa girlfriend mo, ayokong magturo sa kanya. If she wants to know how to bake, tell her to enroll on a culinary school goodbye" sabi niya sabay end ng call.
" So totoo palang sila na ni Chesca??" Bigla kong sabi.
" Uy! Sorry bes ah" sabi niya tsaka niyakap pa ako.
" It's okay alam ko naman eh " sabi ko tsaka ngumiti sa kanya
" Teka nga marami kang dapat e explain sa akin ha" sabi niya tsaka bahagya akong tinulak
" Oo na!" sabi ko tsaka sinabi sa kanya lahat kung bakit ako bumalik dito.
"Hala Yans, sayo ako kakampi grabe!" na eexcite niyang sabi saakin.
" Pero mag ingat ka! ahas pa naman kalaban mo. HAHAHAHA baka matuklaw ka" biro niya pa.
"Kailangan ko nang umuwi Khris, baka hanapin na ako ni ate. Teka, gusto mo sumabay ka nalang saakin? " sabi ko sa kanya.
"Ayy sige gusto ko yan para libre! " sagot niya. nang maka sakay kami sa kotse nag kwentuhan na ulit kami.
" Kuya, sa bahay po nila Darren " sabi ni Khris
" Pakshet, nandito pa talaga sa labas ng bahay nag lalandian tong dalawang to " mura ni Khris nang makita namin silang dalawa sa labas ng bahay.
" Uyy Yanna wag mo yang pansinin ah " sabi niya tsaka hinawakan pa kamay ko. As if naman affected ako!
I smiled akwardly. First time ko silang makitang dalawa. Ganito pala sa feling ano?
" Yanna, wag kang umiyak please. Nako nang gigigil ako kay Chesca, ang landi " sabi niya ng makiya niya akong umiiyak. Shet walag iyakan Yanna.
HAla umiiyak ako takte..
" Wala to Khris, namiss lang talaga kita " pagdadahilan ko.
" Alam ko Yanna mahirap mag move on, I understand you" sabi niya tsaka niyakap ako.
" Ano ka ba, hahahaha sige na Khris see you soon " sabi ko bago siya lumabas ng sasakyan.
Nakita kong pinansin siya ni Darren at Chesca pero dinedma lang ni Khris.
Umalis na din kami dumaan yung sasakyan sa harapan nina Darren buti nalang tainted yung glass ng sasakyan kaya di ako kita.
Napansin kong nakatingin si Darren sa sasakyan, siguro alam niya na amin to kasi noon kapag pinupuntahan ko siya ito yung ginagamit ko. Pero wala akong pakialam kung magtaka man siya bahala na si Khris mag explain sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/48269244-288-k224681.jpg)
BINABASA MO ANG
IETMH BOOK II: I'm Still Engaged
FanfictionBook 2 of I'M ENGAGED TO MY HATER // Darren Espanto • fanfiction // ©itsgraceyy