chapter 47 ♥ (edited)

1.5K 93 29
                                    

Khris POV

Tinawagan ko si Chesca kung pwede kaming magkita ngayon. Sasabihin ko sa kanya kung gaano siya ka epal kina Yanna.

" Ahm K-khris bakit gusto mo akong makausap?" Tanong niya ng makarating siya sa harapan ko.

Siyempre pina upo ko muna si Chesca bago ko simulan yung pakay ko " Mahal mo ba talaga si Darren?" Pagsisimula ko.

Ngumiti siya " Sobra Khris "

" Bakit mo siya iniwan? Bakit sinaktan mo siya noon? Di mo ba alam kung anong nangyari sakanya nung umalis ka? Wala kang awa Chesca, di mo alam kung gaano nasaktan si Darren. Pumayag siya na makipag arrange marriage kay Yanna para makalimutan ka. Pero nagpapasalamat ako sayo kasi iniwan mo siya, dahil sa pag iwan mo kay Darren nakita niya ang babaeng tunay na karapat dapat sa pagmamahal niya. At si Llyanna iyon. Nang maging sila ni Yanna dun ko lang ulit nakita si Darren na naging masaya ulit. Alam ko na mahal na mahal nila ang isa't isa. Si Yanna kahit ano man ang mga pagsubok na dumating sa kanila di siya bumitaw, di niya iniwan si Darren. Pero ngayon? Di mo lang alam kung gaano nasasaktan si Yanna dahil bumalik ka. Hiniwalayan siya ni Darren para sayo dahil bumalik ka, diba bestfriend mo siya? Pero bakit? Bakit sinasaktan mo siya bakit ang sama sama mong kaibigan kay Yanna? Bakit di mo hinayaang maging masaya siya? " halata sa mukha niya na gulong gulo siya. Umiiyak siya pero di siya nagsasalita.

" Kaya umalis si Yanna noon para malayo sa inyo. Pero ano Chesca? Di mo man lang magawang mag sorry sakanya? Pinakawalan niya ang taong mahal niya para sa best friend niya. Mas pinili niyang siya ang masaktan kesa sayo! Sana naman ma realize mo kung gaano nasasaktan yung tao. Sa tingin mo ba nung bumalik ka mahal ka parin ni Darren? Sa tingin mo ba masaya pa siya sayo? Sana naman hayaan mo na silang dalawa na maging masaya!" sa wakas nasabi ko na yung gusto kong sabihin sa kanya matagal na.

" P-pero mahal niya ako Khris!" Humihikbi niyang sabi.

" Ches, remember action speak louder than words. Oo nag sasabi siya ng sweet words sayo pero yung actions niya. Sweet pa din ba? Don't get me wrong Chesca, hindi ako galit sayo o baka isipin mo na ayaw ko lang talaga sayo. I know mabait ka and you have a good heart, alam ko ring matalino ka . Try to think Chesca kung ano man yung maging desisyon mo, kung mahal mo talaga si Darren at kung talagang mahal mo yung best friend mo you have to set Darren free. Pero kung ayaw mo talaga wala na akong magagawa. Sige Ches thank you sa pag punta alis na ako" paalam ko sakanya.

" Wait Khris, thank you pero mahal ko si Darren" Yan lang ang sinabi niya tsaka umalis na ako. Sana naman tama ang magiging desisyon niya. Ginawa ko na lahat ng makakaya ko kinausap ko na siya. Sana naman.



Yanna's POV

Nakakaiyak, we already talked about sa pag cancel ng wedding namin. Pero yung parents ni Reige ayaw pumayag na di matuloy yung wedding even mom and dad nakiusap na sa kanila pero di sila pumayag sabi nila why do we have to cancel daw since the wedding is near. Sinabi na namin sa kanila na hanggang friends lang talaga ang tingin namin sa isa't isa since nung una pa. Yung call sign namin na 'baby' di yung seryoso. Tsaka knowing na may girlfriend na pala si Reige tsaka si Shairah pa talaga. There's no way na aagawin ko sakanya yung boyfriend niya. Nakakainis nga lang kung kelan okay na sana, dun pa di papayag yung parents niya.

" Yanna, we can get married and mag divorce nalang tayo!" suggest niya. What? Ayoko naman nun ano. Minsan na nga lang akong ikasal tapos ang ending divorce.

" Wala na ba talagang ibang paraan Reige? Di na ba talaga sila mapaki usapan?" Naiiyak nanaman ako ngayon.

Akala ko pa naman magiging merry ang Christmas ko tsaka magiging masaya na ang new year ko pero parang wala eh this could be the worst Christmas and New Year for me.

" Don't worry Yanna, I can convince them  I won't stop!" Sabi pa niya. Napangiti ako sa kanya kasi di rin siya basta basta.

" Thank you so much Reige. You're my hero" pagkatapos nun ay pinatay ko na ang call.

" Anak, don't worry we will try our best to stop your wedding okay? " pag aasure ni mommy.

Nag nod nalang ako. Sana naman malampasan namin tong problema na to.

"You know what, tulungan mo kaya akong mag luto ng pastries para sa tita Nel mo " sabi ni mommy tsaka nginiti an ako looks like it is a good idea. Para mabawasan ang pagka stress ko.
Sumunod ako kay mommy sa kusina. Nagluluto siya ng blueberry cheesecake.

" Mom  it looks so yummy nakaka gutom" sabi ko

" Ang sabi ni mommy tulungan mo siya di yung mag fe free taste ka!" badtrip talaga tong si ate.

" Ate tumigil ka, may asawa ka na pumapatol ka pa sa dyosa!" Sabi ko sakanya.

" Aray love masakit ohh! " asar ni kuya Josh sakanya.

" Hoy Joshua! tumigil ka ah kinakamiphan mo pa tong kapatid ko" sigaw ni ate kay kuya Josh.

" Eh tama naman ang sinabi ni Yanna eh " katwiran ni kuya, may kakampi ako.

"Ahh ganon so sinasabi mong pangit ako ha?" Napasigaw na si ate. 

Kami naman ni mommy nagpipigil ng tawa " Love syempre mas maganda ka parin " nambola pa tong si kuya.

" Maniwala!" Pagpaparinig ko.

" May sinasabi ka Yanna?" hirit naman ni ate. 

" Wala ate hahaha sabi ko baka buntis ka na  " sagot ko sakanya.

May lumanding naman na kutsara sa ulo ko ang brutal talaga niya. Pano nalang si kuya nito malala pa aabutin sakin?

May nag doorbell naman. Sino kaya to? 

"Ako na po!" Sabi ko saka lumabas ng bahay para tingnan kung sino yun. Pina uwi muna kasi namin sina manag, syempre they deserve a break and syempre dahil christmas na rin.

Pagbukas ko ng gate wala namang tao. Pero may bouquet at paper bag na naiwan sa tapat ng gate, napatingin ako sa gilid may nakita akong biglang tumakbo kaya tinawag ko siya.
Pero wala na eh nakalayo niya. Maybe siya yung nagbigay nito. 

Kinuha ko nalang yung paper bag tsaka bouquet at bumalik sa loob ng bahay.

" Kanino galing yan?" Tanong ni ate. Sinalubong ba naman ako sa pintu an.

" Malay ko di ko pa binabasa eh!" Sagot ko tsaka kinuha yung card. 

Dont be sad, don't stress yourself , you should be happy. 

You look prettier when you smile.


P.s wear the dress on new years eve. I hope you'll like it

Binuksan ko naman yung paper bag. Dress nga its off shoulder na lace above the knee tsaka color red siya. Sa lahat ng mga pinadala niya eto yung may pinakamahabang letter. Tsaka he has a great taste when it comes to fashion. I love the dress susuotin ko talaga to sa new years eve.

" AAy hala mi, nababaliw tong anak mo oh ngumingiti mag isa ipa mental mo na yan" Sigaw ni ate. Loka loka talaga.

Pero teka paano niya nalaman na may malaking problema ako ngayon? Do I know him? Kaibigan ko ba siya? Kakilala? Close friend? Stalker?

Errrr------- kung sino ka man, sana makita at makilala na kita.

IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon