chapter 34 ♥ (edited)

1.6K 110 15
                                    

Yanna's POV

Nandito ako sa school ngayon. Gusto niyong malaman kung sino yung naghatid saakin? Syempre yung driver namin. Wala si My D ehh este si Darren may show siya ngayon kaya ayun. Nagpapamiss yata yun eh pero sorry siya di ko siya namimiss kasi miss na miss ko na siya. Ugh tae. Akala ko magiging maayos yung sitwasyon kapag naging magkaibigan kami pero mali pala mas lalo lang gumulo. Pero anong magagawa ko eh dito na to. Kailangan ko nalang talagang ayusin tong ginawa ko. Ang gulo na grabe.

May practice kami ngayon para sa darating na science fair. May contest kasi ehh yung mga recycled na gowns. Yun yung irarampa namin then pipili sila ng may pinakamagandang recycled gown. Ako kasi yung isa sa mga pinili nila na sumali eh kaya eto. No choice.

Nandito kami sa gym ng school nagpapractice rumampa. Excuse kami sa class namin kaya ayos lang.

Nabubwiset na nga ako sa baklitang trainor namin eh pinalibot ba naman kami ng 5 beses sa gym ng naka 6 inches na heels. Pukpukin ko kaya ng takong yung ulo niya para malaman niya. Bugbog na bugbig na yung paa at legs ko bwiset feeling ko magkaka muscles na yung binti ko dahil sa lecheng baklita. At wala pa talagang balak na bigyan kami ng break eh halos 3 hours na kaming rampa ng rampa dito.

Matapos naming pinractice yung opening dance namin eh pinagbreak kami ng bakla. Thank God! Agad ko namang hinubad yung heels ko tsaka sinuot yung tsinelas ko at pumunta sa canteen para bumili ng snacks.

" Uy bes! Kamusta yung practice? " Tanong ni Khris.

Breaktime na pala namin. May 15 mins break sa umaga then sa hapon din.

" Hay ansarap ilibing nung trainor pinasuot ba naman kami ng 6 inches na heels tapos pinalibot pa kami sa gym ng 5 beses nakaka bwiset sakit ng paa ko " reklamo ko kay Khris.

Tinawanan niya lang ako " Ganyan talaga pag maganda suki ng pageant haha "

" Oh eh bakit ikaw? Di ka suki. Ibig sabihin nun di ka maganda " sabi ko sa kanya. Napasimangot naman siya sa sinabi ko.

" Puteks naman Yanna, ang ganda kaya ng compliment ko sayo!" Reklamo niya

" Well to answer your question. Pang miss universe kasi yung ganda ko. Mataas ang standards ko " proud niyang sabi.

" Miss universe ng mga aliens siguro!" Sabi ko sa kanya tsaka tinawanan siya.

" Leche ka. Sige na kelangan ko nang bumalik ng room baka mapagalitan ako ng mukhang pusit nating teacher. " Paalam niya. Some how gumaan pakiramdam ko dahil kay khris. Nakakawala siya ng bad vibes.

Bumili ako ng burger then tubig. Tsaka bumalik na ako ng gym.   Baka kalgubin ako ng bakla. Mahirap na.

Inubos namin yung pagkain namin tsaka umalik na ulit sa practice. Ngayon mag papractice kami kung paano ang tamang pag akyat ng hagdanan. Tae. Parang delikado yata umakyat ng hagdanan kasi mataas yung heels tapos parang di safe kasi yung pagpapractisan namin is yung parang madulas na hagdanan.

Yung mga kasam ko nga eh minsan nadudulas. Yung mga trip talaga ng mga bakla nakakainis pwede namang sa safe na hagdanan lang paakyat ng stage di yung gaya neto na parang madedesgrasya ka.Nang turn ko na syempre dahan dahan akong umakyat pero syempre may poise pa rin.

Nasa last step na sana ako ng biglang nadulas yung takong ng heels ko kaya ayun natapilok ako. Sheeettt!

" Arayyyy!" Napasigaw na talaga ako dahil sa sobrang sakit ng paa ko. Nataranta naman yung mga kasama ko pati na rin yung trainor. Pumatak na rin yung mga luha ko dahil sobrang sakit dagdagan pa ng kirot.

Nagulat ako ng biglang may nagbuhat sa akin, kahit na naiiyak ako ay tumingala ako at nakita kong si Darren iyon. Teka paano siya nakarating dito? 

Napansin kong marami nang nakatingin saamin dahil nga buhat ako ni Darren papunta sa clinic ng school namin. Nakakahiya.

Nang makarating kami sa loob ay agad niya akong pinaupo. Agad namang inalis ni Darren yung heels na suot ko tsaka may binigay na ice bag yung nurse namin kay Darren at dahan dahan naman inilapat ni Darren sa ankle ko na namamaga.

" Masakit pa ba?" Nag aalalang tanong niya

" Oo" simple kong sagot.

" Teka ,bakit nandito ka? Akala ko ba may pupuntahan ka?" Di ko maiwasang di matanong sa kanya.

" Well, naisip kong may nangangailangan ng tulong ko kaya nandito ako " sabi niya tsaka ngumiti. Tae parang nawala yung sakit ng paa ko. Kinilig yung paa ko.

" Di nga?" Sabi ko

" Maagang natapos kaya pumunta ako dito. Papanoorin sana kita, nalaman ko kasi na sumali ka daw ng pageant kaso parang di na yata matutuloy " paliwanag niya

" Thanks for being here!" Sabi ko tsaka nginiti an siya

" Saan yung masakit?" Tanong niya

" Wala na " sagot ko

" Don't tell me na wala na kasi alam kong masakit pa. Namamaga nga yang paa mo tapos di masakit!" Sabi niya saalin habang hawak hawak niya yung paa ko na sinusuri niya.

" Magpahinga ka na muna. Babantayan kita dito" sabi niya saka inangat yung magkabila kong paa at pinahiga ako.

Pinatong din niya ying ice bag sa namamaga kong paa " Teka Darren di mo naman ako kayang bantayan eh, okay na ako salamat talaga!" Sabi ko sa kanya habang nakahiga.

" Di na. Okay lang talaga. Matulog kana. Dito lang ako sa tabi mo di kita iiwan. Babantayan kita okay! Wag nang unangal Myly " sabi niya wala na akong magagawa.

" Ano pa nga ba. Thank you talaga My D ahh!" Sabi ko ulit. Naka ilang thank you na yata ako pero I know na di sapat yun sa mga ginagawa niya saakin. Sa pagtulong niya.

"  Sweet dreams My Llyanna. Dream of me" sabi niya saka ako hinalikan sa noo.  Magaling na talaga ako guys sure na talaga. Hahaha

IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon