Bukas na yung engagement party nina Darren, ewan ko nga kung pupunta ako dun o hindi. Kung pumunta kasi ako sasaktan ko lang sarili ko. If di naman ako pumunta sasabihin naman nila di ako naka move on. Aasarin nanaman nila ako. Hays! ang hirap naman neto. Pero kung iisipin ko, nagawa nga ni Darren na pumunta sa engagement namin ni Reige noon eh. So pupunta na rin ako. Wala nang atrasan. Bahala na si Batman.
Nga pala di makakasama si ate sa engagement dahil pupunta sila ni kuya Josh sa ibang bansa para magpagawa ng gown. Arte din ni ate ano?! Pero hayaan na kasal naman niya yun. Wala naman akong magagawa buhay niya yun eh tsaka sabi nga ni mommy once lang mangyari sa buhay mo ang maikasal kaya dapat wag tipirin. Tskk! bahala na sila. Kaligayahan nila yun.
" Knock knock" may sumigaw nanaman sa labas ng kwarto ko .
" Who's there ?" Tanong ko di parin inaalis ang tingin ko sa phone ko.
" Ang dyosa mong ate!" Pagmamayabang niya.
" Wala akong ate na dyosa. Engkanto lang " syempre namiss ko si ate kaya iniinis ko. Ganyan kami eh.
Binuksan naman niya yung pintuan ng kwarto ko " Yanna naman eh! kahit kelan talaga wala kang support sa akin "
" I'm just stating the fact haha kidding. What brings you here?" Diba ang formal lang.
" Are you going to Darren's engagement? "
I nodded " Great! So let's go change your clothes cause were going to shop!" Hinila niya ako para maka alis sa kama ko. Kakatapos ko lang kasing maligo at nakapambahay lang ako.
" Ayoko ngang umalis ate " Maktol ko
" Sus dami mong arte tara na! " hinatak niya ako palabas ng bahay. Di na ako nakabihis,di ako naka suklay , di ko nadala bag ko at tanging phone ko lang ang hawak ko. Naka t shirt lang ako tsaka maong shorts yung buhok ko medyo basa pa tsaka naka tsinelas lang ako.
Pagkarating namin sa mall dinala ako ni ate sa mga damit. Hinayaan ko siyang pumili ng mga damit kasi siya din naman magbabayad.
" Ate ano nanaman to? kakabili lang natin ng damit last month eh di ko pa nga nasusuot yung mga yun" Sabi ko sakanya
" Hayaan na nga kasi, malapit na akong ikasal Yanna sinusulit ko lang to. Kasi kapag nag asawa na ako di ko na to magagawa. And dapat sinusulit mo na rin to kasi pag dumating yung araw na yun wala nang mag so sponsor na bumili ng mga damit mo. Kawawa ka"Kainis bakit ngayon ko lang na realize si ate pala gumagastos sa mga damit ko. Paano na nga ba pag nag asawa na siya?
" Oh well nandyan pa naman si kuya Josh at mahal ako nun may sponsor parin naman ako ate!" spoiled ako eh.
" Kaya nga. Tara na I'm craving for ice cream" Sabi ni ate.
" Luh? Buntis ka na ate? " nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
" Tanga! Di no! Kaloka ka Yanna!" Na pressure ata siya sa sinabi ko nag iba reaksyon niya eh. Nagbibiro lang naman ako.
" Ang sakit sa bangs na malalaman mong ikalasal na siya sa iba" Bigla kong sabi habang kumakain kami ni ate.
" Una sa lahat at hindi sa huli wala kang bangs. Tsaka ikaw din kasi may kasalanan. Kaya magtiis ka" Kita niyo? Sinisi pa ako.
" Ako may kasalanan? At ano nanaman yun ate?" Tanong ko di ko gets eh bakit ako? Ako nasaktan! Hindi siya. Oh come on.
" Kasi diba, nagmakaawa siya sayo na ayusin niyo kung anong meron kayo pero ano? Wala. Dedma ka. Pina iral mo pride mo sumama ka saakin pumunta ng London. Dahil sabi mo para maka move on. 3 years andun ka pero anyare? Diba wala. Di ka naka move on. Mahal mo parin siya hanggang ngayon. At isa pa, ikaw tong pursigidong itigil ang contract eh. Kung di ka sana nag isip ng ganon edi kahit na break kayo eh kayo pa rin ang ikakasal kasi wala kayong magagawa kasi may contract. Eh wala eh tas ngayon na ikakasal na siya sa iba iiyak ka ulit? Masasaktan ka ulit? Sisishin mo siya ulit? tama na. Pinapahirapan mo lang sarili mo eh nakakawa ka na Yanna. Alam mo si Darren na ka move on na, you should do that also ikakasal ka na rin. Quits kayo! " parang sinampal naman ako sa mga sinabi ni ate. Oo nga naman kasalanan ko rin.
" Ang tanga ko!"
" Sinabi mo pa. Pero okay, dali an mo na kumain jan kasi may mahalaga pa tayong pupuntahan. Binilisan ko naman yung pagkain ko ng inorder ko. Baka kasi magalit ulit yung babaeng kasama ko.
Napansin kong papunta kaming airport ngayon. Teka! Ngayon na ba aalis si ate? Omg baka isasama niya ako. Kaya siguro siya bumili ng damit kasi dadalhin niya ako. No way!
" Hala ate, dadalhin moko? Ate di ako ready umalis naman eh!" sigaw ko sa loob ng kotse.
" May susunduin lang tayo at asa ka namang isasama kita" sungit.
" Huh? Sinong susunduin?" Pangungulit ko sakanya ayaw sabihin eh mamaya nalang daw para surprise . Arte talaga andaming alam.
Tas ngayon pinapatahimik niya ako kasi ang ingay ko daw eh ba't ba kasi itatago pa niya eh makikita ko din naman mamaya. Mga 10 mins na ring kaming nandito sa airport pero hanggang ngayon wala paring nangyayari.
" Ate jinojoke mo ba ako? Ano ba kasing ginagawa natin dito?" Naiinis kong tanong sakanya.
" Ano ka ba-----tara na!" Eto nanaman yung biglang hihilahin ka nalang niya.
" Baby?" Omg!!! Agad akong napatakbo sa tumawag saakin. I miss him so much!
"Baby! Finally bumalik ka na I missed you " agad ko siyang niyakap pero mas magulat ako nang bunalin niya ako.
" I missed you too baby " sagot niya tsaka hinalikan ako sa noo.
" At wala ka talagang plano na sabihin saakin na uuwi ka?" Tinaasan ko naman siya ng kilay.
Kainis wala man lang pasabi naka pambahay pa ako.
" Well, I want yo surprise you at mukhang success naman yun" Nakangiti siyang inakbayan ako.
Ambango niya tae mas lalong naging gwapo. Yung ibang babae tuloy na drool na sa kanya. Kabwiset!
" Ehem yung mata niyo gusto niyong mabulag? " Parinig ko sa kanila buti naman naintindihan nila kaya umalis sila. Na starstruck yata sila sa katabi ko.
" Possessive wife." Bulong niya pero rinig ko.
Hinarap ko siya kinilig ako sa possessive wife niya " What did you say?" Syempre kunwari di ko narinig haha.
" Wala, sabi ko ang cute mo magselos " kainis naman to oh! honesty is the best policy nga diba.
" Hmmp ewan ko sayo napaka mo "Inunahan ko na siyang maglakad
" Grabe naman tong asawa ko di ako namiss! Iniwan pa talaga ako dito" Omg! Did he just call me asawa?
Agad agad naman akong humarap sakanya tsaka ngumiti " Grabe naman tong asawa ko tampo agad "
Lumapit agad ako sa kanya para tulungan siyang mag bitbit ng dala niya pero niyakap niya ako " Alam mo talaga kung paano ako pasayahin " bulong niya habang nakayakap parin.
" Ehem ehem yung totoo kayo ba yung ikakasal? Tinalo niyo pa kami eh tsk " asar na sabi ni ate samin.
" Malapit na rin naman ate! Diba baby?" Tanong ni Reige
" Ah oo malapit na akong magutom kaya uwi na tayo okay?" Tinawanan naman ako ni Reige.
" Kahit kelan talaga di ka naman kasi nabubusog eh pero may dala ako para sa'yo. Yung promise ko!" Na excite naman ako sa sinabi niyang yun.
" Really?? Omg, I love you baby!" Sabi ko tsaka niyakap siya.
Unli hugs eh.
" Haha anything for you baby. I love you more." Sagot niya tsaka hinalikan ako sa ulo.
BINABASA MO ANG
IETMH BOOK II: I'm Still Engaged
FanficBook 2 of I'M ENGAGED TO MY HATER // Darren Espanto • fanfiction // ©itsgraceyy