chapter 41 ♥ (edited)

1.4K 93 20
                                    

Khris POV

What the hell? Ano bang pumasok sa isip ni Darren at harap harapan niya talagang saktan si Yanna? Oo they're over pero hello? Ang hirap mag move on. Ang hirap mag let go . Alam ko sobrang nasaktan si Yanna sa nakita at narinig niya. I know kahit may iba nang fiance si Yanna still si Darren parin talaga ang mahal niya. At eto ding si Darren I know mahal niya parin si Yanna kaya gagawan ko talaga ng paraan to.

Currently nag didinner na yung mga guest pero di ko parin makita si yanna pati nga si Reige nag aalala na. Di niya paman din nadala yung pouch niya pati phone niya. Di Chesca nakaupo sa table nila sa harap pero si Darren pumunta sa mga kaibigan niya. Di na ako nag dalawang isip pa na puntahan ang magaling kong pinsan.

Hinatak ko yung damit niya " Aray uyyy Khristine ano ba?! Sandali!" Sigaw niya pero di parin ako natinag akala niya huh. Naiinis ako sakanya

Dinala ko siya sa labas ng venue sa may fountain banda " Nahihibang ka na ba? Ano bang problema mo Darren?" di ko na mapigilan ang sarili ko sa pag sigaw kahit na pinsan ko siya wala na akong pake.

" Ano ba? Wala akong problema. Ano bang ikinagagalit mo?" Tanong niya

" Manhid ka ba? O sadyang nagmamanhid manhidan? Walangya ka di mo man lang ba napansin kanina kung gaano nasaltan si Yanna ng makita niyang lumuhod ka sa harap ni Chesca? My God Darren are you out of your mind? Ipapamukha at ipaparamdam mo talaga sakanya kung gaano kasakit yun? Darren di ka ba naaawa sakanya?" Sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin ngayon.

" Di mo kasi alam kung gaano kahirap Khris. Di mo alam kung gaano kahirap magpanggap na okay ka. Di madali mag panggap na parang wala akong pake kasi sa totoo lang nasasaktan din ako. Kasi pakiramdam ko ang sama sama kong tao " nagulat ako sa mga sinabi niya! Anong ipinapahiwatig niya?

" What are you saying?" I heard him sigh. Hinawakan niya yung magkabilang braso ko tsaka yumuko.

" Pakiramdam ko kasi mali yung desisyon ko. Mali lahat Khris. Di ito ang ginusto ko " mahinang sabi niya

" Anong mali anong..." Tae ako na naguguluhan ehh

" Si Yanna ayoko siyang makitang nasasaktan ayokong malayo sa kanya Khris. Pero wala eh sinaktan ko siya. Lumalayo na siya Khris. Naisip ko bakit ko siya pinakawalan eh sobra ko siyang mahal"

" What? You still love her? Until now Darren? " di makapaniwalang tanong ko.

" Balik nako sa loob baka hanapin na nila ako dun " sabi niya tsaka naunang bumalik sa loob. Urrghh kahit kelan talaga napaka labo niyang kausap.

Maya maya ay bumalik na ako sa loob at ngayon nakita ko na si Yanna. Nakaupo siya kasama si Reige sa table na naka assign sa kanila. Nilapitan ko siya.

" Yans, san ka galing?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanila

" Andun sa labas. Ang ganda pala dito yung sa likuran banda yung fountain dun nakita mo yun?" Parang wala lang naman sa kanya yung nangyari kanina.

Pero teka,sa fountain daw narinig kaya niya yung pinag usapan namin ni Darren?

" A-ahh kanina ka pa dun? Dun din ako nanggaling eh " sabi ko sakanya

" Ahh talaga di kita nakita baka nakapasok na ako ng dumating ka " Sabi pa n

" Sorry Yans ah kung di lang kasi kita pinilit eh " nagets naman niya agad yung sabi ko pero ngumiti lang siya.

" Haha loka, okay na yun tsaka buti nga pumunta ako nakapag selfie ako tuloy dun haha" si Yanna alam kong hindi siya ok pero pinipilit niyang itago yung totoo niyang nararamdaman.

Bakit ba kasi ang complicated ng love story nila ni Darren. Isa din yun eh di man lang ipinaglaban yung relasyon nila napaka tanga talaga ng pinsan kong iyon tss.

"Anong oras na ba?" Tanong niya

" 8:15 pm" sagot ko

" I think we should go inaantok na ako "sabi niya tsaka tumingin kay Reige.

" Ah ganon ba, sige see you nalang bukas sa school " sabi ko sa kanya tsaka tumayo.

Tumayo rin sila " Asan ba sina Chesca? Mag papaalam na sana kami!" Sabi ni Yanna sa akin tsaka ngumiti. Seriously? Sinaktan ni Darren ang babaeng to. Unacceptable. 

" Ahh teka ayun yata oh! Puntahan niyo nalang!" Sabi ko sa kanila tsaka pumunta sila sa kinaroroonan nila.

" Chesca, Ren congratulations in advance on your upcoming wedding. Such a great party pero we have to go ahead it's a little bit late at inaantok na rin kasi ako. Thanks for inviting us nga pala " Diretsong sabi ni Yanna. 

" Thanks for coming ah, congrats din sa inyo in advance ni Reige " sagot ni Chesca sa kanya tsaka niyakap siya si Darren naman nakatingin lang sa kanilang dalawa pero kinausap naman siya ni Reige.

" Ayy nga pala Reige diba magaling ka mag paint? Yanna if you don't mind may ipapakita lang ako kay Reige magpapapaint sana ako eh" paalam ni Chesca kay Yanna. Nag nod naman si Yanna kaya naiwan kaming tatlo nila Darren dito.

" Asan na nga ba yung si Jk. Wait lang guys ah hanapin ko lang may kasalanan sakin yun eh" well excuse ko lang yun para makapag usap sila . Yung eh kung mag uusap talaga sila.

Tumalikod ako tsaka nag lakad pero di gaanong malayo syempre makikinig ako no.

" Uy narinig ko pangalan ko. Hinahanap mo ba ako babe?" Impaktong mabaho to. Napaka hangin niya. Asa namang totoo yung sinabi ko. Eh excuse nga lang yun.

" wag kang feeling pwede? joke ko lang yun. At tumahimik ka. Nakikinig ako sa dalawa. Kung gusto mo makinig ka rin pero pwede tumahimik ka?" Binantaan ko siya kaya umayos siya. Tsismoso din to eh

" Yanna, nagalit kaba kanina sa nangyari?" Rinig kong tanong ni Darren.

" Ha? Anong nagalit? Teka. Bakit naman ako magagalit wala namang masamang nagyari diba?" Deny pa siya tanga naman kasi tong pinsan ko sana sinabi niya kung nasaktan siya sa nangyari di yung nagalit minsam talaga bopols lang.

" Hay! Miss ko na si Myly ko "

" Wala na siya umalis na eh bakit mo pa siya hinahanap eh may Chesca ka na? Naku masama yan ah. Wag mong saktan fiance mo buang ka. Kung sino sino pang iniisip mo eh " wow sige Yanna saktan mo pa yang sarili mo.

" Para silang naglalaro noh? Tago tagu an"  eto nanaman yung epal.

" Tago tagu an ng feelings ganon? " tinapos ko na ang ingay eh.

" Uy ah ikaw ah tanda mo pa yung pick up line ko ah " Nang aasar nanaman to ang sarap ipatapon sa pacific ocean.

" Seryoso nga. Ibang klase kasi yung Myly kong iyon. Sana naman bumalik na siya "

" Yanna I still ------"

" Were back! Sorry medyo natagalan " aiissstt palagi nalang epal tong anacondang to ansarap ipatapon sa Mars.

Ano kaya yung sasabihin ni Darren, gustong gusto kong sabunutan si Chesca right now alam niyo yun. Kung di niya lang to party eh.  Lumapit na rin kami ni Jk sa kanila 

" Oh guys dito na rin pala kayo. Alis na kami ha. Sige Darren, Chesca. See you tom Khris " Paalam ni Yanna tsaka bumaso sakin.

" We'll go ahead guys " Paalam ni Reige tsaka lumabas na sila ng venue.

I rolled my eyes on Chesca. Isa siyang napakalaking epal sa storyang ito. Ansarap niyang patayin para magkaroon ng happy ending yung OTP ko.






IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon