chapter 19 ♥ (edited)

1.5K 97 43
                                    

Kakauwi ko lang galing mall nakakapagod kasama si Khris, libot ng libot pabalik balik lang yung ginawa niya. 

" Yanna!! Punta ka dito may sasabihin sina mommy " sigaw ni ate mula sa kwarto niya. 

Dali dali naman akong pumunta sa kwarto ni ate. Nasa skype pala sina mommy , tumabi ako kay ate.

" Hi mom, dad!! Kamusta po?" Bati ko sa kanila.

" We're okay anak how about you??" Tanong ni mommy saakin. 

" Okay lang po, ano nga pala ang sasabihin niyo?" Tanong ko. Nagkatinginan naman sila ni dad.

" Anak I'm sorry pero tuloy ang arranged marriage mo " sabi ni dad. Natigilan naman ako nang marinig ko ang sinabi ni dad saakin. 

What? Eh may mahal na siyang iba!

" Po?! Pero may iba-----"

" No anak, it's not him, hindi si Darren ang tinutukoy ko " sabi naman ni mommy . Then who?? My gosh! akala ko ba wala na, akala ko free na ako yun pala hindi. 

" Meron ka nang bagong fiance! " sabi ni mom

" Sino po?"

" Si Reige!!" Sagot ni daddy

" Si Reige??" Gulat na sabi namin ni ate. Why him?

Bakit bestfriend ko pa? Well, mabuti naman kasi kilala ko na siya tsaka bestfriend ko pa pero bakit nadamay siya? Tradition din ba nila ito?

" Why him mom??" Tanong ko.

" Well, pareho tayo. Tradition din nila yun tsaka were planning na mag merge yung company natin at yung company nila " paliwanag ni mom, nag nod naman si daddy.

" Nakausap niyo na po ba sina tita Nel about this?" Tanong ko. My gosh! What a life.

" Yes anak. Naalala mo nung sinabi mo sa kanila na wag ituloy yung sa inyo ni Darren? Kinausap agad kami nina Marinel and we've decided na you're going to marry another guy at the same time Darren is going to marry another girl!" Paliwanag ni mommy. Bakit ganon? Why can't it be the two of us nalang ulit? Pero joke lang. 

Ok.

" You okay anak?" Nag aalalang tanong ni mommy

" Yes mom I'm fine!" Sagot ko

Ewan ko ba bakit biglang nawala energy ko " Sino po yung new fiance ni Darren mom?" Singit ni ate sa usapan.


" Si Chesca" Sagot ni mom



" And kids don't forget this coming Saturday uuwi kami ng dad niyo dahil anniversary ng company natin jan sa Pinas . At the same time opening ng bagong hotel natin sa Baguio and also dun namin i-aannounce about sa engagement ninyo ni Reige!"

Bakit sa Baguio pa!! Hays tsaka sa sabado na? Why so fast? Alam na ba ni Reige ang tungkol dito?

Tumango lang ako. Maya maya pa nagpaalam na sina mommy

" Yanna, okay ka lang?" Tanong ni ate sakin

" Ate, please tulungan mo ako. Anong gagawin ko? Ikakasal na ako, gustong gusto ko nang kalimutan si Darren pero ang hirap. Ang hirap hirap ate di ko na alam ang gagawin ko, dapat di ko na to nararamdaman pero bakit hanggang ngayon mahal ko pa din siya!" Di ko na mapigilan luha ko, ano nang gagawin ko?

" Tahan na Yanna makakaya mo yan"

" Siguro ngayon ang saya saya na nila Darren at Chesca kasi ikakasal na sila soon. Magkakaroon na sila ng happy family pero ako ate! Kelan ako sasaya?? Hays masaya naman ako ehh kasi si Reige yung magiging fiance ko, bestfriend ko siya. Kilalang kilala ko na siya. Magiging masaya naman kami siguro ate diba? " iyak tawa na ako dito. Oo nababaliw na ako.

Nakakabaliw ang pag ibig hayss

" Yanna i'll help you forget about Darren!! Iiyak mo lang yan, everything will be okay" sabi ni ate tsaka niyakap ako. 

---------------------------------

Khris POV

Pagkadating ko ng bahay nagtaka ako kung bakit parang andaming pagkain tapos parang ang formal formal. May bisita yatang darating.

" Ano pong ganap?" Tanong ko kay mommy Nel


" Ay Tintin, mag bihis ka okay? Dadating kasi yung family ni Chesca ngayon " sabi niya

Bakit? Makikikain sila dito sa bahay? Wala na ba silang pagkain sa kanila kaya nakiki-dinner dito?? Pshh

Tumango lang ako tsaka pumunta ng kwarto ko para mag bihis, hiyang hiyang naman kasi ako. 

Maya maya pa umingay na ang bahay, ibig sabihin nandito na yung mga taong bundok ay este sila Chesca. Pagkababa ko nakita ko yung parents ni Chesca kausap sina mommy Nel.

Nakita ko rin si Darren na naka formal na suot ganon din si Chesca at magka holding hands pa. 

" Khris!? I like your dress where did you bought it?" Wow himala yata pinansin ako ng anacondang to.

Ngumiti ako sa kanya " Well I bought this when I was in US, how about you?? Ang ganda din ng dress mo" ITS A BIG LIE PEOPLE!

" Binili ko sa UK " proud niyang sabi

UK.

UKAY -UKAY

hahahaha

" Okay, so I guess nandito tayong lahat because of one reason right?" Pagsisimula ng mommy ni Chesca

"  Kaya nandito ngayon yung parents ni Chesca at kaya tayo nandito lahat para ipaalam sa lahat na Chesca and Darren are getting married soon!" Masayang sabi ni mommy Nel

Whattt??? Oh no!!!

Nanlaki naman yung mata ni Chesca na tila ba ay nagulat siya, si Darren naman ngumiti lang

" Omg!! Is this real??" Sabi ni Chesca

" You heard it right babe!" Sabi ni Darren sa kanya tsaka niyakap si Chesca

I hate it, paano na yung LlyaRren?

Pagkatapos kong malaman yun di na ako umimik pa, nakakabadtrip yung news inis na inis ako. Bakit si Chesca pa?

Hayyss ano nang gagawin ko? I know deep inside mahal pa rin ni Darren si Yanna. He's just hidding it, gagawin ko ang lahat para mapa amin si Darren.

IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon