chapter 33 ♥ (edited)

1.5K 116 26
                                    

Kakatapos lang ng mass ngayon at nagugutom na ako. Ganyan talaga pag magaganda parating gutom.

" Yanna saan tayo kakain?" Tanong ni ate saaki . Nagdadrive kasi siya.

" Kung saan mo gusto " Simpleng sagot ko. 

" Yanna kung ikaw papipiliin, si baby o My D ?" Sabi niya tsaka ngumiti ng nakaka asar. 

" Araw araw mo nalang ba akong bubwisitin ate! Kagabi ka pa ah " naiinis kong sabi. Eh pagkain yung pinag uusapan namin tapos bigla niyang iniiba ang topic.

" Siguro si My D no?" Pagpatuloy niya. Oh sige ikakaunlad mo yan.

" At bakit mo naman nasabi yan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

" Because, masyadong halata. I know friend lang talaga ang tingin mo kay Reige. But Darren? Tsk tsk. Iba na!" Sabi niya

" Diba nga ate were FRIENDS!" Depensa ko.

" Okay edi friends. Yanna ang akin lang naman wag mo nang itago o pagtakpan. I'm your sister. Kilala na kita I know di lang friend ang turing mo sakanya"

" Ay talaga ate? Kapatid ba kita? Di halata. Ako kasi Dyosa. Ikaw? Ano ka?" Tanong ko. 

She smiled sweetly " Dyosa ng mga Dyosa " Whatever mas maganda pa rin ako sa kanya. 

" Bakit dito tayo?" Tanong ko kay ate but instead of answering nginitian niya lang ako at sinabihang lumabas.

Nasa harap kami ng isang fancy resto. Buti nalang pala at nag dress ako. Kahit na gulong gulo ako kung bakit kami nandito sinundan ko parin si ate na naglalakad papasok sa loob ng resto.

" Ate bakit nga tayo nandito?" Inis kong tanong sa kanya.

" Hays, ang kulit. We'll join them sa late breakfast " wow sinabi nga niya di nman clear. Nice.

" Tita, tito sorry late ata kami " sabi ni ate tsaka nagbeso. Sila darren pala yung tinutukoy niya. 

Naalala ko yung kagabi. Sht ang awkward nanaman nito.

" Hey ate! come here!" Sabi ni Lynelle sa akin. Katabi niya si Darren. Di ako titingin sa kanya. Hindi talaga. 

" Hello tita, tito" I greeted them, syempre may manners naman ako.

" Let's eat!" Sabi ni tita at tinawag yung waiter para i-serve na yung mga inorder nila.Bakit nakikikain pa kami eh may pera naman siya. 

Siguro may pinaplano to kaya gumawa nanaman ng kalokohan. Pinagharap ba naman kami ni Darren.

Habang busy sila sa pag uusap,  si Lynelle naman ay naglalaro sa ipad. Kami ni Darren ay tahimik lang.

" Myly " tawag niya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Sht. Sabi ko di ako titingin pero isang tawag niya lang napaharap ako sa kanya. Maging sila tita ay napatingin saamin dahil tinawag ako ni Darren ng Myly. 

Lumipat si Darren ng upuan at ngayon nasa tabi ko na siya " Hi " Bati niya tsaka ngumiti. 

Tae. Puso ko.

" Hello?" Na-aakward parin ako . Nag I love you too ako sa kanya kagabi.

" Anong ngini-ngiti ngiti mo jan?" Mataray kong tanong.

" Nothing. I just remember something " sabi niya tsaka tumingin saakin.

ASAR!!!

" What now?"

" Ano ngang sabi mo kagabi Myly?" Tanong niya. Eto na nga bang sinasabi ko eh.

" Hello?" Pa inosente pa.

" Yung isa pa bago mo inend yung call?" Binibwiset ba niya ako?

" Wala. Wala akong sinabi. Tumahimik ka na nagugutom ako " Sabi ko tsaka kumuha ng food at sinimulang kumain.

" Pa share ah" sabi niya tsaka sumubo din ng food na galing sa plate ko. Di ko nalang siya pinansin kasi ewan. Basta. Nabubwiset talaga ako sa sarili ko. Bakit ko kasi nasabi yun.

Uminom ako ng iced tea at nagulata ko ng inumin din niya ito. What the!

"Mommy nakakaistorbo lang yata tayo sa kanila oh" rinig kong bulong ni Lynelle

" Ano ba!  kumuha ka nga ng pagkain mo" bulyaw ko sa kanya.

" Okay Myly sorry na po wag nang magalit!" Sabi niya tsaka kinurot yumg magkabila kong pisngi.

" Are you guys together? I mean kayo na ba ulit?" Tanong ni tita saamin.

Nanlaki naman ang mga mata ko " No tita, hindi po hehehe" sabi ko

" Weh? Kasi kapag si Darren at Chesca di naman ganyan ka sweet pero kapag kayo. Pati kami nilalanggam na " Paliwanag ni tita

" Ha? Di po friends lang kami. Tsaka diba po malapit na nga ang engagement nila ni Chesca di po ba. They look good together nga po eh " sabi ko. 

" Sabagay. Pero ang cute niyo just like the old times !" Sabi ni tita na tila ba ay nag fa flashback.

After namin kumain sabay rin kaming unalis nila tita sa fancy resto na yun. Nauna kami ni darren bumaba " Myly, siguro kung di tayo naghiwalay malapit na rin siguro yung wedding natin no?" Biglang salita ni Darren.  Nandito kami sa parking hinihintay sina ate.

" H-ha?? Anong sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.

" Sabi ko kung di lang sana tayo naghiwalay tayo na siguro yung susunod na ikakasal " sabi niya tsaka tumingin sa mga mata ko.

" Ikaw talaga Darren! kung ano na ang pumapasok sa isip mo. Pero diba mas masaya dahil natupad na yung hinihiling mo na maging kayo ulit ni Chesca. For sure magiging masaya kayo" sagot ko. 

" Ikaw ba magiging masaya ka ba sa kanya?" Tanong niya saakin. He's referring to Reige.

" Maybe " simpleng sagot ko

" Nagsisisi talaga ako sa mga ginawa ko. Bakit pa kasi kita pinakawalan " sabi niya tsaka parang may binulong sa huli?

"Oh bakit ka naman nagsisisi? You should be happy kasi your with Chesca right now " sabi ko

" Kasi sinaktan kita " sagot niya tsaka yumuko. Nagdadrama nanaman to.

Maiiyak nanaman ako neto eh.

" Sus ano ka ba? Tama na nga yan Darren. Past na yun eh wag na nating balikan. Sadyang di lang talaga tayo ang para sa isa't isa kaya ayun " sabi ko tsaka nag shrug.

" Mahal mo ba talaga ako Myly?" seryosong tanong niya. Nangingilid na rin yung mga luha ko sa mata pero pinipigilan kong lumabas iyon.

" Darren ano bang trip mo di na nakakatuwa ah!" Biro ko sa kanya tsaka iniwas ang tingin ko. 

He sighed " Sorry ha kung ano na ang natatanong ko sayo. Miss ko lang talaga si Chesca kaya ako ganito "

Parang huminto ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya.

" I-'m s-sure she m-misses you too " sagot ko nalang. Naputol yung usapan namin ng tinawag na siya ni tita Nel. Aalis na sila.

" Ahh sige Myly, magpapaalam na ako. Magiging busy ako sa mga susunod na araw kaya see you soon. Mamimiss kita" sabi niya tsaka ngumiti ng bahagya at niyakap ako. I hugged him back. Mas mamimiss ko siya.

" Tinanong moko kung mahal kita? Higit pa sa sobra  Darren" bulong ko habang magkayakap kami. Di ko lang sure kung narinig niya kasi sobrang hina ng pagkasabi ko. 

Kumalas siya sa pagkayakap taska naglakad papunta sa sasakyan nila.

Mahal kita Darren higit pa sa salitang sobra..














IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon