Yanna's POV
" Sino nagpapabigay nito?" Nagtatakang tanong ko sa sarili ko habang naglalakad pabalik sa table.
" Huy nakakunot nanaman yang noo mo" Sabi ni Khristine, sino pa ba? siya lang naman tong kalabit ng kalabit. Siya lang naman yung makulit ehh.
" Baka yung may crush sayo? Naks naman! nanalo ka lang may admirer ka na agad?" sabi niya. Umirap lang ako sa kanya. Pero paano niya nalaman na nandito ako? Nandito kaya siya? Nakita ko kaya siya? Kilala ko kaya siya? Creepy naman nito.
" Hayys tara na nga mag sisimula na yung dance ohh tara na " bago ko pa ako makatanggi kinaladkad na ako ni Khris papunta sa dance floor kaya no choice but to dance.
Nagsimula na yung song. Parang nasa club lang eh? Si Khris parang lasing na yata sobra kung maka sayaw jusko. Nakaka hilo naman tong sayaw na to. Ayoko na, kakain nalang ulit ako.
Nilapitan naman ako ni Jk sa inuupuan ko. "Yan YaN, ganda natin ha!"
"Nambola ka pa talaga eh" sagot ko sakanya. Umupo na rin siya sa katabing upuan.
" Di nga, alam mo kanina noong inannounce na 1st lang si Dhesca ang saya na ni darren" sabi niya.
" Tapos tinanong ko siya kung okay lang, sabi niya okay lang daw dahil deserve mo naman daw talaga yung title kita mo na " sabi ni Jk tsaka nag wink pa. So? anong pinapalabas niya?
Inirapan ko nalang siya " Liar ka talaga! ikaw ha gumagawa ka nanama ng istorya shut up ka nga " sabi ko sa kanya at tumawa naman siya.
" Yung iba umiiwas sa topic oh kasi mahal mo parin si Darren" sabi niya tsaka siniko pa ako.
" Hindi no! Baliw ka talaga uso move on " sabi ko.
" Hindi ako naniniwala first love never dies nga diba" sabat niya ulit. Mapilit din eh.
" Wala namang love dun eh contract lang lahat. Fixed! Nothing's real" sabi ko sa kanya na para bang wala lang din saakin.
" Talaga lang ha? nothing's real! So anong tawag mo sa lahat ng I love you's niyo sa isa't isa hindi totoo?? You're kidding I know that, sa umpisa palang totoo na, kaya don't say it's all fake o kaya contract lang liar neto" Hayyyys
Bakit na kasi ang hirap mag move on!!
Nang umalis si Jk may lumapit ulit sa akin pero di ko tiningnan kung sino. Medyo madilim kasi tsaka busy ako kumain.
" Llyanna...." bigla akong napatigil sa pag kain nang marinig ko boses niya.
" congrats " sabi niya pa tsaka umupo sa inupuan ni Jk kanina.
" Thank you" simple kong sagot.Alam niyo yun ang akward masyado ang lapit lapit niya tapos kaming dalawa yung nandito sa table.
Buti nalang talaga at may tumawag sa kanya kaya umalis siya. Nakahinga naman ako dun. Naubos ko tuloy yung drink na kinuha ko kanina, nakakapressure presence niya.
Napatingin ako sa dance floor, nagsasayaw parin sina Khris doon, mukhang enjoy na enjoy talag siya, habang ako? inaantok na pagod na. Gusto ko na matulog. Umalis ako sa party tsaka naglakad papunta sa open field ng campus, masyadong maingay kasi doon sa party.
" Excuse me po Ms. Yanna??" May tumawag ulit sa pangalan ko.
" Pinapabigay po sa inyo" sabi niya sabay labas ng 3 red roses, nanaman. Sino ba kasi nagpapabigay nito? Mayaman sa bulaklak ah.
" Ahh thank you pero sino nag papabigay?" Tanong ko nang matanggap ko yung bulaklak.
" Di po pwedeng sabihin ehh " sagot niya tsaka umalis na. Weird naman ng taong yun.
Who the hell is sending me these flowers? Ang yaman niya ha!! I shurgged, bahala na jan. Naglakad na ulit ako.
" Ang ganda no?" May nagsalita sa likuran ko. Bwiset nanggugulat ba naman.
" Nung alin?" sagot ko.
" Ang ganda mo--ahh I mean yung view " sagot niya sabay iwas ng tingin kasi tinitingnan ko siya
Darren.
" Bakit nandito ka? Iniwan mo si Chesca??" Tanong ko.Parang ang casual nga lang namin eh.
" She's busy dancing nakakapagod nga ehh kanina pa kami nagsasayaw" sabi niya tsaka nag chuckle.
" She really love to dance tsaka looks like nag eenjoy ka naman eh I mean kayo" I said as a matter of fact.
" Nice flowers huh" sabi niya tsaka tumingin sa bulaklak.
Ngumiti ako
" Ang yaman nga ng nagbigay eh " sabi ko tsaka tumawa ng konti. I didn't know makakapag joke ako ng ganito sa kanya.
" Di ahh "
" Ha?" Anong sabi niya?
" Ah wala naman"
SILENCE NANAMAN." Ahh sige una na ako pagod na ako eh" paalam ko sa kanya tsaka naglakad pabalik.
Nag nod naman siya, nakakailang hakbang plang ako nang tinawag niya ako.
" MyLy"
SHT! naman talaga oh!
" Goodnight" sabi niya . Hindi na ako sumagot at diretso lang ako sa paglalakad kasi parang iiyak na talaga ako.
I missed him so much
BINABASA MO ANG
IETMH BOOK II: I'm Still Engaged
FanfictionBook 2 of I'M ENGAGED TO MY HATER // Darren Espanto • fanfiction // ©itsgraceyy