Yanna's POV
It's been 3 years nang umalis kami ng Pilipinas. Hayyss nakaka-miss din yung mga tao doon, specifically sina Khristine.
I don't know kung kailan pa kami babalik kasi di pa naman kami sinasabihan nila mommy pero at the same time masarap din pala ang feeling na kasama mo yung pamilya mo. Nakikita mo sila araw araw kahit na di kami masyadong nagkakausap kasi sina mommy pag umaga laging maaga umaalis ng bahay, si Ate ganon din maaga umalis tapos gabi na umuuwi. Ako naman syempre dito ko na sa London pinagpatuloy yung pag aaral ko actually swerte ko nga eh kasi may pinoy din akong mga kaklase kaya di ako masyadong nahirapan mag adjust. Actually nag eenjoy nga ako dito, pano ba naman yung mga kaibigan mo baliw, syempre good vibes ka palagi.
" Llyanna punta daw tayo ng mall nag yaya si Reise ehh" sabi ni Kristoffer na
isa sa mga friends ko na nakilala ko dito sa London." ehhh Toffy naman ehh kasi may..." walangya di man lang ako pinapatapos magsalita.
" hoyy!! Yanna tigil tigilan mo ako ha nakaka imbyerna ka atey! Diba I told you its not "Toffy" its "Tiffany" gusto mo i-spell ko pa para pumasok yan sa maliit mong brain?" tinarayan nanaman ako ng baklang to.
Sayang nga ehh naging bakla pa tong si Toffy, gwapo sana sayang lahi neto. Real talk maraming nagkakagustong babae sa kanya sa school kaso sya deadma lang, paano lalaki lang inaabangan niya Psshhh!
" Toffy naman ehh ang cute kaya ng Toffy kesa Tiffany! Pero sige i-spell mo nga " sagot ko
" sus maliit na bagay.. uhmm.. T- I-F-F----"Baliw talaga! sinunod ba naman yung sinabi ko sa kanya HAHA.
" You're laughing at me na ngayon?" sabi niya tsaka tinaasan ako ng kilay. ang TARAY ni ATE GIRL HAHAHA.
" Yes naman. HAHAHA nakakatawa ka kasi eh " sabi ko tsaka tumawa ulit.
binatukan naman niya ako at tiningnan nang masama.
" Aray naman kasi!! Inaano ka ba jan?" sigaw ko sa kanya. the fact na lalaki siya tas kung mambatok ako mo naman talo kami.
" tinatawanan moko eh! kaya I'm making my revenge. " mataray niyang sagot saakin.
" Crush!!" May tumawag naman sa akin.Shocks! iba talaga ang gandang Llyanna pang International lang! HAHAHA
" OMG! Yanna diba sabi mo naman siya type? Ibigay mo nalang siya saakin girl! Ang choosy mo masyado eh. AKING NALANG SI FAFA REIGE" sabi niya ng pabulong pero halatang kinikilig.
" Reige!!" Bati ko sa kanya ng makalapit siya saamin.
" Hello there Reige" bati ni Toffy at nag beautiful eyes pa. malandi din kasi to eh.
Si Reige ayun nandidiri tuloy HAHAHA.
" Crush tara na mall tayo hinihintay na tayo nina Reise sa sasakyan" sabi niya tsaka hinatak ako
Si Reige kasi may twin siya na babae, her name is Reise. Nakilala ko lang din sila dito sa London and we are good friends.
" Uy teka nemen Papa Reige hatakin mo rin ako!! " Maarteng sabi ni Toffy sa kanya kaya natawa ulit ako. kahit kasi anong papansin nito kay Reige eh dedma siya nito. Hindi talaga sila talo.
" Hatakin mo sarili mo! Wag ka ngang ganyan Toffy nakakadiri ka bro!!! " sigaw sa kanya ni Reige.
" WOW!! Masakit bro ahh tagos sa kaluluwa ko! " sabi nito tsaka sumunod sa amin.
" Yanna! finally you're here na " sabi naman ni Reise tsaka hinatak ako papasok ng sasakyan. Hatakan nalang ba ang ganap dito?
Sumunod namang sumakay sina Reige at Toffy.
![](https://img.wattpad.com/cover/48269244-288-k224681.jpg)
BINABASA MO ANG
IETMH BOOK II: I'm Still Engaged
FanficBook 2 of I'M ENGAGED TO MY HATER // Darren Espanto • fanfiction // ©itsgraceyy