Maaga kaming nagising ngayon kasi maglilibot daw kami sa Baguio. Sayang wala na sina Reige kasi uuwi na sila sa London. May klase pa kasi sila ehh kalungkot iniwan ako ng baby ko.
Nagulat ako ng biglang may bumukas ng pinto ng room ko " Hey Yanna!!" Bati ni Toffy tsaka nakasunod namang pumasok si Khris.
Bakit nandito siya. Akala ko bumalik silang London?
" Oh? Why are you here Toffy? Diba uuwi kayo?" Tanong ko.
" Wala magkaiba kami nina Reige ng schedule. Next week pa kami babalik kaya nag paiwan na muna ako dito diba Khris!" Sabi niya. Nag nod naman si Khris tsaka nag apir pa sila.
" Alam mo tara na ma le late na tayo, nag hihintay na sila tita sa atin ano ba!" sabi ni Toffy tsaka hinatak ako palabas ng bahay.
Nandoon na sina Darren sa loob ng van, syempre magkasama nanaman sila ni Chesca. Ang aga aga ehh naglalandian na sila.
I roll my eyes bago ako pumasok sa van, nasa likod nila kami at inis na inis ako sa kanilang dalawalike hello? Di lang sila yung tao dito, pda masyado.
Don't get me wrong guys, I'm not jealous okay, sadyang nabubwisit lang ako sa mga ganyan ka tindi mag pda.
Nung kami naman ni Darren noon di naman siya ganyan ehh. Peste eto nanaman ehh binabalikan ko nanaman ang tapos na.
" Girl nako kumalma, baka mapunit damit mo " bulong saakin ni Toffy.
" Ano ka ba, di ako nagseselos " bulong ko sa kanya.
" Asus di daw nag---- aray naman ba-babe ikaw talaga naglalambing ka naman" natawa ako kay Toffy bigla bigla nalang kasing hinahatak ni Khris paano dumating si Jk. Hanggang ngayon galit parin!!
" Jake, dito ka nalang sa tabi ko " sabi ko kay Jk , tumango naman siya tsaka tumabi sa akin.
" Yans, tulungan mo naman ako !" bulong ni Jk sakin.
" Saan?? " naguguluhan kong tanong sa kanya.
" Kay Khristine, please tulungan moko gusto ko nang magkabati kami eh di ko alam kung anong gagawin ko!" Paliwanag niya.
Ehhh kinikilig ako sa dalawang to, todo deny pa ehh pareho lang naman nilang mahal ang isa't isa.
" Yiiiee Jakes ahh! suyuin mo lang kasi bibigay din yan haha if I know gusto ka rin niyan pakipot lang!" Sabi ko sa kanya.
Lumiwanag naman yung mukha niya " Talaga Yans? Gusto niya din ako?" Sabi niya habang inaalog alog pa ako.
" Oo nga kaya mamaya kausapin mo siya dalhin mo siya sa strawberry farm dun mo sabihin lahat para romantic " suggest ko sa kanya.
Siniko naman niya ako buset talaga" Uyy Yans, sa strawberry farm kung saan naging kayo ni da---"
" Sshhhhhhh bad word yang sinasabi mo tumahimik ka ehh bakit yun lang ba yung strawberry farm? Dalhin mo sa La Presa, dun may forever " sabi ko sa kanya.
" Uyy yanna ikaw ha" asar niya.
" Tumahimik ka wag mo nang balikan yun. Past is past " sabi ko. Nakaka bwiset talaga.
"We're here" sigaw ni anaconda ayy! Chesca pala nang makarating kami sa park na puno ng iba't ibang klase ng bulaklak sa paligid.
" Yes we're here, " sagot naman ni Khris.
" Chesca, tara sama ka saamin may pasta house dun oh" sabi ni Khris sa kanya. Agad namang lumiwanag yun mukha ni Chesca, knowing Chesca kasi, she love pasta's so much.
BINABASA MO ANG
IETMH BOOK II: I'm Still Engaged
FanficBook 2 of I'M ENGAGED TO MY HATER // Darren Espanto • fanfiction // ©itsgraceyy