Special Chapter 1

1.9K 92 20
                                    

Chesca's  POV

Nandito ako ngayon sa loob ng room ko, actually may mga kasama ako yung make up artist ko tsaka yung mga photographers, habang abala sila sa pagkukuha ng mga litrato at sa pag memake up pumasok sa isip ko yung pag uusap namin ni Khris.

Naging ganon ba talaga ako kasamang kaibigan sa kanila ni Yanna. Di ko na namalayan na sobra ko na palang nasaktan si Yanna and I hate myself for doing that to my best friend. Until now alam kong itinuturing niya parin ako best friend kasi mas pinili niyang magsakripisyo para sa kaligayahan ko.

" Ma'am are you okay?" Tanong ng nag aayos ng buhok ko. Napatingin ako sa malaking salamin na nasa harapan ko. Umiiyak na pala ako.

Nag nod lang ako bilang sagot sakanya.

" Naku, tears of joy po iyan. You what ma'am ang swerte niyo naman po kay sir. Sana po maging masaya kayo!" Sabi ng stylist.

Hindi dapat ako ang nandito ngayon. It was supposed to be Yanna. Siya dapat ang naka upo dito ngayon. Siya dapat yung inaayusan, siya dapat ang ikakasal ngayon.

After kong maayusan kinunan muna ako ng ilang litrato katai yung gown na susuotin ko. Maya maya pa ay sinabihan na ako na isuot ko na yung gown ko kasi malapit nang mag start yung wedding.

" Let's go ma'am!" Sabi ng assistant stylist saakin kailangan ko kasing magpatulong para maisuot tong gown ko.

" Ayan, ang ganda niyo pong bride best wishes  po sainyo ha!" Sabi ng assistant tsaka lumabas na kami ng kwarto. Sina mommy nalang yung nandito ngayon. Kasi yung mga flower girls nasa simbahan na.

" Oh God, my Chesca this is it anak, your getting married na. Ang ganda ganda mo anak wearing that gown. So tayo nalang ang hinihintay ready ka na?" Tanong ni mommy saakin

Nag nod nalang ako tsaka huminga ng malalim.

" Ah mommy, ma una na po kayo sa church may kakausapin lang ako I promise di ako magtatagal sige na mom una na kayo!" Sabi ko sa kanila.

" Are you sure anak?" Tanong niya. I gave her my sweetest smile and nodded.

Tumakbo ako pabalik sa hotel room umupo ako sa kama ko tsaka kumuha ako ng papel tsaka ballpen.

I made a letter

For Darren

For Mom

And For Yanna.

I told them na sana mapatawad nila ako sa mga ginawa kong mali sa kanila. I didn't mean to hurt them masyado lang akong naging selfish sa kanila, di ko na inisip yung mararandaman nila it's because naging selfish ako. Masyado ko lang talagang minahal si Darren. Pero I realized that I was wrong. May mahal ng iba si Darren hindi ko lang talaga matanggap na pinalitan na ako ni Darren.

I was crying when i wrote those letters for them. Sana mapatawad pa nila ako.

I changed my clothes I removed my veil and my make up, pinuntahan ko yung sasakyang naghihintay dapat saakin.

" Ma'am ano pong nangyari bakit po kayo hindi naka gown?" Nagtatakang tanong ni manong.

Ngumiti ako ng bahagya " Mali kasi manong eh di dapat mangyari saakin to. Pero favor po paki bigay naman po itong sulat kay Darren at Kay mommy sabihin mo nalang sa kanila na ibigay kay Yanna tong letter. Sige na kuya dali an mo na!" Sabi ko

" Sige po ma'am " sabi niya tsaka umalis na. Sana naman kahit ngayon lang naging tama ang desisyon ko. Sana kahit ngayon lang may nagawa akong tama.

IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon