chapter 32 ♥ (edited)

1.5K 97 28
                                    

Nandito na kami sa bahay ngayon. Ewan ko kay Darren naririndi na ako sa kaka Myly niya, yung tipong sa first at last sentence niya may Myly.

" Ate Ash, best wishes ahh" sabi ni Darren kay ate. Nandito kasi kami sa sala nanonood ng tv tsaka kumakain sila ng chips.

" Uyy thank you ha. Nga pala you should be on our wedding day! " sabi ni ate sakanya, sus feeling close masyado.

" Sure ate!" Sagot naman ni Darren

" Oh kamusta na pala kayo ni Chesca?" Wow naman ha kelan pa siya naging concern?

" Ah okay naman po. Sa phone lang kaso kami nakakapag usap "

Tiningnan naman ako ni ate. Is she trying to piss me?

" How sweet naman Darren. I've heard engaged na daw kayo? When ang engagement party?!" Tanong niya.

" Ahh sa pagbalik niya po!" I know na aakward na din si Darren kaya umepal na ako sa kanila.

" Darren magagabi na ohh you should go home na " sabi ko sa kanya.

Tumayo na naman siya tsaka nagpaalam kay ate. Makakatikim talaga to ng sermon saakin mamaya. Hinatid ko siya sa labas ng gate.

" Pasensya na kay ate ha, alam mo naman yun. Masyadong matanong " paumanhin ko sa kanya

" Okay lang yung Myly. Thank you nga pala ha. " sabi niya tsaka niyakap ako. Pansin ko lang sa lalaking to naging clingy na.

" Aahh sige bye" pumasok na siya sa kotse niya tsaka ngumiti saakin.

" Good night Myly " sabi niya

Bwiset na tawagan to, yung puso ko. Hay di na talaga ako aasa, kasi masasaktan ako tapos iiyak ulit ako tapos sabihin ko sa sarili ko na mag move on pero di ko magawa kasi mahal ko parin siya. Tae. Bwisit na pag ibig to.

" Goodnight, My D " sabi ko dahilan upang mapangiti siya ng wagas ang liit ng mata niya.

" That's my girl" sabi niya tsaka umalis na.

Dali dali akong pumasok sa loob ng bahay papunta sa kwarto ko kaso may umepal ulit kaya napatigil ako sa paglalakad.

" You dont need to hide it. Pwede mo namang I share!" Sabi niya habang nakapamewang

" Wala akong dapat I share gusto ko lang talagang maligo tsaka humiga sa kama ko kaya please ate get out of my way. And one more thing ate, why did you ask Darren those kind of questions?? Nakakahiya yun ate ano ba!" Ayan kasi inunahan ako kaya sermon abot niya ngayon.

" Normal na tanong lang yun Yanna, na aakward ba kayong dalawa dahil harap harapan ko siyang tinanong about sa kanila? About sa engagement, about sa relationship nila? Isa lang ang ibig sabihin nun Yanna may feelings pa kayo sa isa't isa. Dahil kung naka move on na talaga kayo. Di na kayo ma aakward pa. " mahabang sabi niya tss whatever.

" Tabi na nga ate kinikilabutan na ako sayo " sabi ko tsaka pumunta na sa kwarto ko

Mabilis akong naligo tsaka nagpalit ng damit ko .

' thats my girl'

Ughhhh naalala ko tuloy yung sinabi niya kanina. Kinikilig ako. Pero di pwede, friends lang kami may girlfriend siya, may fiance ako. Hindi pwede. Di na mababalik sa dati. Past is past. Mahirap talaga mag move on. History nga eh hanggang ngayon di pa rin nakakamove on ako pa kaya. Hahaha joking mga 70% naka move on na. Kaya ko to.

Maya maya pa ay, nag ring yung phone ko. Si Darren nag text. 

From : Darren

Hi Myly! dito na ako sa bahay. Thank you again ha. Sobra mokong pinasaya dahil pumayag ka sa favor ko. Good night Myly :)) 

To: Darren

Okay, hahaha! goodnight din My D.

Reply ko sa kanya. Sige lang magpakasaya na muna tayo. Tumunog ulit yung phone ko kaya dali dali ko itong kinuha. Akala ko nag reply siya. Si Reige pala. 

From : Reige

Baby!! I MISS YOU tawag ako ha.

Sakto naman ng matapos kong mabasa yung message niya ng mag ring yung phone ko.

" Hey baby, how are you?" Tanong niya, I miss him din naman ehh nakakamiss yung boses niya

" Hi baby haha nakakamiss yung boses mo" sabi ko naman sa kanya

" Haha don't worry I'll be back soon " I smiled. 

" Okay, don't forget my pasalubong ha. How are you nga pala? Kayo ni Reise?" Tanong ko

" Were fine. She said she misses you already " sabi naman niya

Napatawa ako dun. Miss ko na din yung buang na yun.

" Aw haha asan ba siya? " tanong ko. Walang paramdam kasi yung babaeng yun eh parang busy masyado.

" She went out for a date " paliwanag niya. Aba level up love life ni Reise ah.

" Ehh ikaw are you dating other girls din?" Tanong ko 

" Nope why would I if I already have you. I'm contented already baby " sabi niya dahilan upang mapangiti ako ng sobra. Kinikilig ako grabe. 

" Bwiset na Reige. Mas lalo tuloy kitang namimiss " sabi ko tsaka sumimangot kahit na di naman niya nakikita.

" Haha I guess my plan worked. Haha nagpapamiss lang talaga ako" sabi niya tsaka tumawa.

" Omg nag iimprove na yung tagalog mo baby. Yiiee kinikilig ako " sabi ko sa kanya

" Haha sorry baby but I have to go already. I 'll call again next time okay!" Sabi niya

" Okay baby ingat jan ha. See you soon. Paki sabi kay Reise I miss her too " sabi ko sa kanya

" Okay baby I will for you. Bye! " sabi niya tsaka binaba ang phone.

" Baby, matulog ka na po simba tayo bukas!"

" Ate!! Nakikinig ka nanaman. Chismosa ka talaga. " bulyaw ko sa kanya. Habang siya ngiting ngiti pa. Ansarap sakalin.

" At pagkatapos nating magsimba pupunta tayong parlor. Ipapagupit natin yang buhok mo. Sobrang haba na eh. May baby na, may My D pa " umiiling iling na sabi ni ate. Inaasar talaga ako neto. 

" Ate! Go get a life " sabi ko sa kanya. Nababadtrip tuloy ako.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Wala talagang balak umalis. Matutulog na talaga ako nang mag ring ulit yung phone ko.

I answered the phone without even looking "Hello?" 

" Hi Myly, goodnight sleep tight. Love you" sabi niya

Still sinasamaan ko ng tingin si ate dahil ayaw niya talagang umalis dito sa kwarto ko.

" Good night din. Love you too"

" Really Myly?" Gulat na tanong niya. Ay SHT!!!

" Ahhh ano  Darren sige bye na " dali dali kong pinatay ang call.

" LlyaRren is totally back!" Sigaw niya tsaka sumayaw sayaw pa.

" Nakakainis ka ate!" Sigaw ko kaya agad naman siyang napatakbo palabas ng kwarto ko.

Sht! ano ba tong nagawa ko! Nakakainis naaaaaaaaaa.












IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon