Darren's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw, parang kelan lang nung nalaman namin na buntis si Yanna. Nasa studio ako ngayon may meeting kami kasi magkakaroon daw ng reunion yung tvk artists kaya pumunta ako. Nga pala kinakamusta niyo ba si Yanna? Ayun sobrang matakaw siya di na nga ako makakain ng maayos kasi inuubos niya lagi. Tsaka yung mga kinakain niya ang weird yung tipong di makakain ng normal na tao, tulad ng strawberry na sinasawsaw sa gravy ng jollibee tapos yung yogurt na hinahalu-an ng chocolate. Hay ewan ko sa kanya pero kahit ganon yun mahal ko parin naman siya eh di yun magbabago. Naaawa nga lang ako sa magiging anak namin kasi ang weird ng kinakain ng mommy niya.
" So , okay na yung plano natin? Any problem?" Tanong ni Jk siya kasi yung pasimuno ng meeting na to. Akalain niyo yun tumino naman siya ng konti pero wala paring nagbago sa hitsura niya.
" Wala na bro. Okay na yan!" Sigaw ko sakanya
" Basta ikaw ah lechon dalhin mo mga 4 okay na yun!" Gusto niya yata mamatay agad agad.
" Papatayin mo ba kami?" Reklamo ko sakanya.
" Hahaha sinabi ko bang kayo ang kakain? " BALIW!
Si mommy tumatawag, bakit kaya?
" Hello po!" Sagot ko sakanya
" P-po?! Asan po?"
" S-sige po suaunod agad ako. Okay lang po ba siya? "
" Sige po mom pupunta na po bye!" Nataranta ako sa sinabi ni mommy kaya agad akong napatayo sa kinauupu-an ko.
" Uy pare bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Jk
" Bro, kelangan ko na talagang umalis si Yanna kasi.." sabi ko sakanya.
Di ko talaga alam kung anong gagawin ko nag papanic na rin ako. Kinakabahan ako o ano.
" Sige tapos na yung meeting, sama na ako sayo bro. Tara na bilis" sigaw ni Jk at agad na tumakbo papunta sa parking lot siya nalang daw mag ddrive kasi baka daw madisgrasya pa kami pag ako yung magmamaneho dahil sa kaba ko. Sana naman okay lang siya.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa hospital. Agad kaming pumunta ni Jk kila mommy Nakita namin sila Khris kumpleto rin sina mommy pati si ate Ash nandito rin andami naman namin dito.
" Mom si Yanna?" Tanong ko
" Nasa loob anak gusto mong pumasok? Eto yung lab gown tsaka mask dali an mo kelangan ka niya!" Sabi ni mommy kaya agad kong inabot sakanya yung lab gown tsaka mask at pumasok sa kwarto.Nakita kong nahihirapan si Yanna kasi pawis na pawis siya. Tumabi naman ako sa kanya tsaka hinawakan yung kamay niya.
" Myly, kaya mo yan. " sabi ko sa kanya.
" Aaahhhhhhh" nakakabingi yung sigaw niya pero okay lang. Titiisin ko para sa kanya.
" Malapit na po maam konting push nalang!" Sabi naman ng doctor.
Maya maya pa ay may umiyak na baby " Hello baby boy welcome to the outside world!" Bati sa kanya ng doctora. Nilinisan muna nila ang baby bago iabot saakin.
" Sir, gusto niyo pong buhatin?" Alok saakin ng nurse tumango naman ako bilang sagot at maingat na hinawakan ang anak ko. Masayang masaya talaga ako lumabas na siya nahawakan ko na ang anak ko at di ko na pigilang di maiyak. Sobrang saya ko.
" Hello baby boy si daddy to!" Sabi ko habang nilalaro yung maliit niyang kamay.
Napangiti naman ako ng hawakan niya iyon " Hoy Espanto wag mo solohin yang anak mo kainis ka matapos akong naghirap na ilabas yan sinasarili mo!" Mahinang sabi ni Yanna saakin kaya nilapit ko ito sa kanya. Alam kong pagod siya pero nagawa niya paring magjoke.
BINABASA MO ANG
IETMH BOOK II: I'm Still Engaged
FanficBook 2 of I'M ENGAGED TO MY HATER // Darren Espanto • fanfiction // ©itsgraceyy