chapter 43 ♥ (edited)

1.7K 85 30
                                    

Yanna's POV

" Kinilig ako pagpasok niyong dalawa kanina ah! akala ko kung sinong couple na magpapatahi ng tuxedo at gown " asar mga bwiset simula kasi ng dumating kami ni Darren dito todo asar na sila saamin. Mga walang hiya di man lang sila nahiya sa fiance ni Darren tss.

" Alam niyo ate at kayong dalawa. Kung wala kayong balak na sukatan tong si Darren mahiya naman kayo ano? Busy siya hello? " sabi ko sa kanila

"Ehh bakit ba kasi tanong kayo ng tanong sakanya di niyo man lang ba naisip na marami pa siyang mas importanteng gagawin " Puro interview ginawa nila kay Darren at saklap pa kasi about saamin alam kong akward to para sakanya kaya eto umepal na ako.

" So ano nga Darren wag mo masyadong dibdibin ah itatanong ko lang nagsisi ka bang nakipag arrange ka kay Yanna? Di ba talaga mapapantayan o mahihigitan ni Yanna si Chesca sa puso mo?" Ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ako iiyak pero di ko pa talaga kayang mag move on sakanya. Sabihin niyo man ang weak ko sige okay lang. Sobra ko kasi siyang mahal kaya di ako basta basta makaka get over sakanya.

Humarap si Darren saakin parang nag aapologize siya " Ate wag ka nga. Sige na sukatan niyo na siya cr lang ako " pag eexcuse ko tsaka pumunta sa cr bwiset na ate yun pinaiyak nanaman ako.

" Yanna naman eh umiyak ka nanaman buset tiningnan ka lang. Pigilan mo na yang nararamdaman mo ikakasal siya ganun ka rin kaya pwede ba wag kang tanga" baliw na yata ako. Kinankausap ko sarili ko sa harapan ng salamin. Tae naman oh parati nalang ba akong iiyak?

Kumuha ako ng tissue tsaka pinunasan yung luha kong malapit nang matuyo sa pisngi ko. Tama na to. Binuksan ko na yung pinto ng cr nagulat nalang ako nang bigla niya akong hatakin tsaka niyakap.

" God, Yanna akala ko kung ano nang nangyari sayo tagal mo kasi eh, okay ka lang ba?" Sunod sunod niyang tanong.

I feel safe. Naitulak ko siya ng mahina dahilan para humiwalay siya sa pagkakayakap.

" Oo okay lang ako naaliw lang ako tumambay sa cr kaya natagalan pero okay lang ako tara na" tapos na palang sukatan si Darren ng damit at pupunta kami sa kaibigan ni ate na mag tuturo ng sayaw saamin.

" Miss ko na si Toffy sana bumalik na siya dito " Sabi ni Khris habang bumabyahe kami.

Oo nga kamusta na kaya yung baklang iyon. Matagal na rin kaming di nakakapag usap

" Kelan nga ba yung wedding niyo ni Chesca?"tanong ko sa katabi ko.

" January 4, kayo?" Langya mag kasunod pa talaga eh ano.

" The next day January 5 " sabi ko. Sinabihan nga pala ako ni Chesca na ako daw ang gusto niyang mag bake ng cupcakes for their wedding isang malaking asar diba? Kahit ayaw ko man eh wala na akong magagawa. Maya maya pa ay nakarating na kami sa studio niya. Nandito rin pala yung mga kaibigan nila ate pati na rin ni kuya. Kaya bigla kaming dumami.

" Okay so alam niyo nanaman kung sino partners niyo diba? Sige na punta na kayo sa pwesto with your partners" sabi ng insturctor

Si Jk at si Khris magka partner siyempre alam niyo na siguro kung sino yung makakapartner ko. Si Darren sino pa nga ba.

Nakaka ilang nga lang kasi naka hawak siya sa waist ko tapos ako nakahawak sa kamay niya. Were currently dancing a slow dance. And thousand years pa ang tumutugtog kasi yun yung favorite song ni ate.

" It's been a while since we din our last dance no?" Sabi niya habang patuloy kaming nagsasayaw sus kahit di na pag practice-san to eh.

" Oo nga eh " sagot ko sa totoo lang ayoko magkaroon ng mahabang convo sakanya.

" Wala ka bang mas importanteng gagawin ngayon?" Tanong ko

" Wala naman since papunta na sa christmas " paliwanag niya.

" Buti naman makakapag prepare ka para sa wedding niyo" ako pa talaga nag open up ng topic nato.

" Reige is such a lucky man to have you Yanna " Sabi niya

" Honestly speaking you are every mans dream girl. And I'm such an idiot to let you go and hurt a girl like you" yumuko siya habang sinasabi niya yun.

" Well swerte din naman si Chesca sayo. Naging loyal ka sakanya after all this years and I'm sure swerte ka din naman sakanya you know sobrang bait naman kasi ni Chesca caring din siya tsaka understanding kaya your perfect for each other " sabi ko sakanya.

" I know sorry is not enough para mawala yang galit at sakit na ibinigay ko sayo kaya please Yanna allow me na makabawi sa mga ginawa ko sayo " pakiusap niya saakin

" Ano ka ba tagal na nun eh I'm okay. Wag ka nang mag alala tsaka okay na tayo naiintindihan ko naman eh, gusto ko din namang maging masaya ka pati na rin yung bestfriend kong iyon. Kaya ingatan mo siya ah, matagal tagal din siyang nagtiis bago ulit kayo nagkita. Basta kung saan ka masaya support lang ako sayo. Salamat din pala sa pag paparamdam saakin kung paano mahalin nagpapasalamat parin ako sayo kasi ikaq yung naging una kong boyfriend? Haha " gusto ko lang sabihin lahat ng gusto kong sabihin sakanya bago pa mahuli ang lahat.

" Bakit ang bait bait mo? Bakit di ka galit saakin? Bakit ka ganyan Yanna? " tanong niya

" Kasi wala naman akong karapatang magalit sayo kasi sa una palang sinabi mo na lahat saakin, di ka nagsikreto na malaman ko yung totoo. Tsaka sino ba naman ako para mag tanim ng sama ng loob o kaya magalit sayo? Di mo naman kasalanan eh. Tsaka ganito talaga ako sa mga taong mahal ko, sa mga taong importante saakin------- I mean syempre importante ka narin saakin no! swerte ko nga kasi nakilala kita " sagot ko sa tanong niya tsaka nginiti an ko siya

Bakit parang nasasaktan siya sa mga sinabi ko?May mali ba sa mga sinabi ko?  " Darren pwede mo bang kantahin to?" Biglang lumapit si ate saamin kaya naputol yung usapan namin.

Siya pala yung kakanta sa wedding ni ate. Lahat nalang si Darren yung request eh no " Ahh sige po. Yanna excuse na muna ah" tumango nalang ako sakanya.

" He still loves you maniwala ka" biglang bigla nalang sumusulpot si Jk sa tabi tabi.

" Pinagsasasabi mo? Dun kana nga kay Khris mo mahirap na baka magselos, oh tingnan mo baka mapatay na ako niyan sa kakatitig ligawan mo na kasi. Dun ka na nga" tinulak ko siya papunta sa kinaroroonan ni Khris. Ako nanaman yung nakikita niya eh okay na ako eh kung si Khris nalang kaya yung pinag aaksayahan niya ng oras edi ok sana.

IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon