Yanna's POV
" Wow, ang ganda naman dito! Is this for me?" Nagulat kami ni Darren ng may biglang nagsalita sa likuran namin.
Napalingin naman ako para tingnan kung sino iyon
Chesca?!
"Hey babe!! I miss you!" Sabi niya tsaka niyakap si Darren halata namang miss nila ang isa't isa.
" Besy, kamusta namiss din kita " Sabi ni Chesca tsaka ako naman ang niyakap ngayon.
" Ahh hehe welcome back Ches!" Sabi ko sakanya
" Ganda naman dito babe, so romantic! " sabi ni Chesca kay Darren.
Tumingin si Darren saakin kaya nginiti an ko nalang siya " Ahh sige Ches, Darren una na ako ha, enjoy your d-date!" Paalam ko sakanila tsaka umalis na.
" Ahm, Yanna! Ingat!" Sabi ni Darren nginiti an ko nalang siya tsaka tuluyan nang umalis.
Alangan naman kasi na mag stay ako dun diba. Nakaka OP mas mabuti nang umalis nalang. Di ko alam na bumalik na pala di Chesca. Well miss na niya siguro si Darren kaya umuwi. Naiintindihan ko naman kasi syempre magkalayo sila natural lang yun.
Pero bakit? Nasasaktan ako? Dapat ba? Kailangan ko pa bang masaktan? Di ko alam kung aning i rereact ko kanina. Akala ko kasi dinner namin yun. Haha asa naman ako diba? Baka nga isinama lang talaga ako ni Darren dun.
Bago ako umuwi napadaan ako sa park, maraming tao tsaka mga food stalls . Nagugutom na rin kasi ako kaya pumunta ako dun.
Bumili ako ng fishballs tsaka quek quek. Ang sarap talaga. Humanap din ako ng pwedeng upuan and napadpad ako sa playground. Wala naman kasing tao dun kaya umupo ako sa swing tsaka pinagpatuloy yung pagkain ko.
Sino nanaman to? Nag Video call siya.
" Baby!" Bati niya saakin ng I-answer ko yung call niya . Masyado din tong atat eh.
" Waaaaahhhh baby! Kamusta kana? Tae ang gwapo mo parin eh no!" Sabi ko sakanya
" Syempre naman since birth baby! But where are you?" Tanong niya nagtataka siguro siya kung bakit medyo madilim tsaka maingay yung background ko.
" I'm here sa park!" Sagot ko sakanya
" Alone? Uwi ka na. It's dangerous to go out lalo na kapag gabi!" Sabi niya. Concerned si baby ko.
" Haha okay fine I'll go home na after I eat this " sabi ko tsaka pinakita yung kinakain ko.
" Hays I miss you so bad baby!" kinilig ba naman ako dun! Tae.
" Bwiset ka nagpapamiss ka lalo Reige. Uwi ka na kasi dito!" Sabi ko sakanya tsaka nag pout.
" Haha soon baby, malapit na I promise!" Sabi niya tsaka nag raise pa ng right hand niya loko talaga.
"Mmmkay!"
" Sorry baby I have to go, uwi kana okay? I miss you so much. Take care baby, text me if your home na" paalam niya.
" Okay po take care din jan. Uwi ka na soon ha! Babye baby!" Paalam ko tsaka inend ang call
Tae naman tong si Reige oh. Buti nalang talaga nandyan siya lagi para pagaanin ang loob ko. Savior ko talaga to. My super hero.
After kong ubusin yung food ko sumakay na ako ng taxi tsaka umuwi. Around 9:30 nako nakarating ng bahay. Medyo late na pala talaga.
Nagbihis na ako tsaka naghanda na para matulog nang biglang nag ring ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
IETMH BOOK II: I'm Still Engaged
FanficBook 2 of I'M ENGAGED TO MY HATER // Darren Espanto • fanfiction // ©itsgraceyy