chapter 14 ♥ (edited)

1.7K 98 19
                                    

Darren's POV

Nakauwi na kami galing sa outing namin. Actually sem break na namin kaya wala nang pasok pero may show ako ngayon kaya nandito ako sa studio nag re-rehearse.

" Lyndon!!" Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko

" Ate Dona" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Pinsan ko din siya pero close kami kasi noong bata pa kami siya yung palaging kasama namin at kalaro namin. Pero lumipat sila sa California, at ngayon lang ulit siya naka balik sa Pilipinas.

" Na miss kita ha!" Sabi niya tsaka ako niyakap. Na miss ko rin naman siya eh.

"Buti naman po naka uwi kayo" sabi ko sa kanya

"Syempre naman nakakamiss din yung Pinas, teka asan nga pala si Khris at si Lynelle??" Tanong niya.

" Si Khris ewan ko pero si Lynelle sa Canada sila eh" Nag pout naman siya.

" So, where is your girlfriend? Excited na akong makilala siya" sabi niya.

Hindi niya pa nakikilala si Chesca simula nung maging kami. 

" Wala siya dito pero mamaya ipapakilala kita" sagot ko. Nag nod siya at nagpaalam na sa akin. Mag ma mall daw siya. Pagkaalis niya bumalik naman ako sa pag practice.



Khris POV

" Yanna tara na please. Wala nanaman tayong pasok kasi sembreak na sige na mall lang naman ehh" nagmamaka awa na talaga ako kay Yanna, ayaw niyang sumama eh, ang boring kaya.

"Okay fine! sige na " sabi niya tsaka tumayo. FINALLY!!!

" Yanna maligo ka na! ako na pipili ng susuotin mo ha. Wag nang umangal." Sabi ko ,di naman siya kumontra kaya pumasok ako sa closet niya.

Kinuha ko yung dress na kulay green. Maya maya pa ay lumabas na si Yanna galing  sa cr.

" Bakit dress? " Tanong niya

" Bakit masama? Ako nga naka dress din eh" sabi ko kaya tumahimik na siya.

"Labas na magbibihis na ako " pagtataboy niya saakin. 

" Oo na, makatulak naman to oh!" sabi ko tsaka lumabas na nang kwarto niya. Manonood nalang ako ng tv habang nag aayos pa siya. 



" Bilis alert!! " sabi ni Khris habang hatak hatak ako. 

" Ano ba naman yan! di ka naman masyadong atat eh no?" Sabi ko sa kanya. Nakakainis na kasi hatak ng hatak. 

" Bilis na kasi!" sabi niya kaya naman biglang may na bangga kaming babae.

" Ayy sorry po ate di po----"

" Ate Dona?/Khris?" Sabay pa talaga sila. Teka magkakilala sila?

" Waaahhhh ate" sabi ni Khris tsaka niyakap yung babae parang may hawig sila konti.

" Uyy kamusta? na miss kita kulit! " sabi ng babae tsaka kinurot pa nito si Khris.

" Still pretty " proud na sabi ni Khris tsaka nag hair flip pa. Natawa tuloy ako sa kanya. 

" Ay ate, si Llyanna nga pala bestfriend ko " pakilala ni Khris, ngumiti naman ako tsaka nakipag shake hands.

" Hello! I'm Donamel pinsan nila Khris " sabi niya saakin, kaya pala parang magkahawig sila. 

" You know what tara let's eat while getting to know each other. My treat!" Sabi ni ate Dona

" Yes naman! tara na guys Jollibee nalang tayo" sabi ni Khris tsaka naunang maglakad. Nagkatinginan kami ni ate Dona tsaka tumawa bago sumunod kay Khris.

IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon