chapter 27 ♥ (edited)

1.5K 100 8
                                    

Nagising ako nang may tumamang liwanag sa mukha ko.

" Hi?" Akward niyang bati. Si Chesca nandito sa kwarto ko and I guess siya din yung nag bukas ng bintana.

Umupo ako tsaka humarap sa kanya "Hi" sagot ko naman.

Bigla bigla niya lang akong niyakap ng mahigpit at naramdaman kong umiiyak na siya ngayon kasi naririnig ko na yung pag hikbi niya.

" Ya-yanna I-im so s-sorry Yanna. Sorry s-sa la-lahat, so-sorry dahil sa mga ginawa ko. Yanna I'm really sorry" sabi niya saakin.

" Ches naman ehh ang drama mo po " biro ko. miss na miss ko tong lokaret nato eh.

" Huhuhuhu Yanna naman kasi eh, di ka pa rin talaga nagbabago, panira ka parin" sabi niya habang nakayakap pa rin saakin.

" Ikaw naman kasi eh nakakamiss ka kaya" sabi ko. Di ako iiyak no, hays sige na nga konti lang.

" Yanna thank you talaga sa pag tulong sakin kahapon di ko talaga alam yung gagawin ko kapag di ka dumating dun" sabi niya

Humiwalay ako sa pagkayakap " Okay lang yun, buti nalang talaga di ka nasaktan" sabi ko

" Ehhh namiss kita besy! Bati na tayo ah" sabi niya

" Me too, at oo bati na tayo" sagot ko.

Di ko akalain na babalik kami sa dati ni Chesca, I mean akala ko talaga di na niya papahalagahan yung friendship namin. Akala wala na talagang chance.

" Let's go mag be breakfast na tayo sa baba" pag yaya niya sakin.

" Sige una ka na maliligo lang ako" sabi ko sa kanya

Ngumiti siya " Okay besy bilisan mo ha hintayin ka nalang namin sa baba" sabi niya tsaka lumabas na ng kwarto ko.

I took a deep sigh before I went inside the cr. Ngayong araw na kami babalik ng manila kasi may mga shows na si Darren tsaka back to school na din.

After kong maligo nag bihis na ako. Malamig pa din eh tsaka papuntang Christmas na kaya what would you expect diba.

Pagkababa ko nandoon na silang lahat sa dining. Grabe andami pala namin dito sa bahay di nga lang halata kasi nga may kanya kanyang buhay yung mga kasama namin. Buti nalang malaki laki yung dining namin at nagkasya kami.

" Good morning" bati ko sa kanilang lahat ng makababa ako.

" Good morning" sagot naman nila saakin. 

Sina mommy at tita Nel ang nagluluto habang sina daddy naman nag uusap. Napatingin ako kina Darren at Chesca na naghaharutan sa harapan ko.

" Aga aga eh, kumikerengkeng yan bestfriend mo" sabi ni Khris. Although nagkabati na kami ni Chesca still inis na inis pa din sila Khris sa kanya.

" Yaan mo na haha kakain na ako nagugutom ako" sabi ko.

Merong panckes, bacon, hotdog and eggs na niluto sina mommy also may garlic rice din at waffles. Nag prepare din sila ng hot choco. Ang saraaaaap!

Around 10 am umalis na kami ng Baguio, syempre bumili kami ng mga keychains at mga t shirts pati na rin mga jams. Nagising nalang ako nang tumigil kami sa bahay nina Chesca.

" Bye guys, thanks sa lahat ah. Babe! Bye ingat ha, love you. Yanna babye! Thanks sa lahat besy!" Sabi niya tsaka bumaba na ng van at syempre gentleman si Darren inihatid niya ito sa labas ng bahay nila.

Hinalikan pa nga niya si Chesca sa pisngi " Hays buti naman wala na ang anaconda!" Sabi ni Khris tsaka binaling yung ulo niya sa balikat ni Jk.

" Ansama mo Khris, eenjoy mo nalang kaya yang pag unan sa balikat ni Jakes " sabi ko sa kanya tsaka tinawanan siya.

" Ayy puteks, bakit andito ka mabaho? Sinong nagsabing dito ka sa tabi ko uupo ha!?" Bulyaw ni Khris kay Jk, kanina kasi pag alis namin sa Baguio tabi sila ni Toffy tapos kami ni Jk kaso nangawit si Toffy dahil ginagawa siyang unan ayun pinilit si Jk na magpalit sila ng pwesto.

" Oh bakit, sarap na sarap ka nga habang natutulog ka ehh tapos ngayon beast mode ka nanaman" sabi ni Jk sa kanya.

" Ehh rapist ka " sigaw ni Khris sa kanya.

" Tumabi lang ako sayo, rapist na agad. Kalokohan" sabi ni Jk

" Ewan ko sayo!  lumayas ka nga dito sa tabi ko ang baho mo!" Sabi ni Khris kay Jk tsaka tinulak tulak pa.

" Oy anong mabaho? Kanina pa kaya singhot mo sa aakin eh sa bango kong to? Ang himbing ng tulog mo eh tapos ngayon sasabihan mo akong mabaho? Wala na ngang amoy tong damit ko sa kakasinghot mo eh!" Sabi naman ni Jk sa kanya.

Puteks, nag aaway nanaman tong dalawa " Yanna, stop over muna kami sa bahay niyo ah gutom na kami eh!" Sabi naman ni Toffy.

" Langya, ginawa mo pang stop over yung bahay namin " sabi ko sa kanya

" Sige na para magkamoment kayo ni Darren hihihi!" Sabi ni Khris. Ano namang connect dun? 

Pagkarating namin ng bahay agad silang pumasok sa loob diba, di man lang nahiya mga kupal talaga " Yanna cupcake gusto ko mag bake ka na please " Sabi ni Jk , demanding talaga ang isang to!

" Hoy di ka na naawa kay Yanna kakadating lang natin dito oh pagod siya " sabi ni Darren kay Jk

Ang sweet niya pero natural lang naman yun dahil friends na kami diba? Hays dino double meaning mo nanaman kasi Yanna.

" Hala uy, concern siya yiieee!" Asar nila Jk

" Ewan ko sa inyo kumuha nalang kayo ng gusto niyong kainin ja sa ref, magbibihis lang ako" paalam ko sa kanila. Pagkatapos kong magbihis rinig kong may nag iingay sa sala. 

" Uy, tumahimik nga kayo ang dadaldal niyo" sabi ko sa kanila

" Ehh kasi Yanna oh si Jk eh gusto kong panoorin yung Insidious 3 pero gusto niya yung inside out. Puteks naman ohh bakla ka talaga! " sabi niya sabay harap kay Jk

" Sus Insidious 3 eh takot ka naman sa mga multo, ang pagkakaalam ko duwag ka pagdating sa horror tapos ngayon Insidious yung papanoorin mo? Gusto mo lang yata yumakap sakin eh sabihin mo nalang kasi ng diretso okay lang naman sakin ----"

" Aray sadista ka talaga " sigaw pabalik ni Jk sa kanya ikaw ba naman kasi batuhin ng remote.

" Hay nako sige na Insidious nalang panoorin natin di ko yan napapanood eh" sabi ko naman sa kanila tsaka umupo sa tabi ni Jk

" Tss if I know gusto niyo lang maka yakap saamin " sabi ni Jk tsaka sinalang yung cd , pinatay na din niya yung ilaw para mas exciting daw.

Meron ding pagkain dito sa harap namin juko inubos na yata nila yung pagkain sa ref namin.

" Aaaaahhhhhh" sigaw namin ni Khris everytime na may lumalabas. Sina jk ayun parang wala lang pakialam na nanonood habang kumakain ng cake.

" Tabi, tabi" sabi ni Jk tsaka umupo sa gitna namin ni Khris. Sus isa pa to eh. 

" Ano ba mabaho kahit kelan talaga napaka---"

" Napaka gwapo ko! ikaw talaga sinabi mo pa alam ko na yan " sabi niya tsaka kinindatan si Khris.

" Ang epal mo talaga kahit kelan " eto nanaman ang aso't pusa nagaaway nanaman ang babaw lang naman ng dahilan.

" Ahhhh" sigaw ulit namin ayan tuloy napayakap si Khris kay Jk. Napayakap nalang ako sa katabi ko. nakakagulat kasi yung sound eh. The fck! bad idea talaga na horror yung pinanood namin. 

" Ehemmm " sabay sabay nilang sabi.

Bwiset si Darren na pala ang katabi ko dahil nagpalit kami ni Jk ng pwesto. Sht! Nakakahiya. 

Natapos na namin yung movie pero di ko na talaga pinansin si Darren. Masyado na akong nahihiya sa kanya baka kung anong isipin niya tsaka pano na kung malaman ni Chesca. Patay talaga.







IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon