chapter 48 ♥ (edited)

1.6K 91 43
                                    

" Yanna ano ba yan! Dali an mo na oh excited na ako!" Sabi ni ate saakin.

Teka lang naman ano! Kasalanan ko ba kung di nila ako ginising ng maaga?

Napagkasundu-an kasi nila mommy at nila tita Nel na sabay sabay daw kaming mag cecelebrate ng New Year. Kaya sa bahay daw kami nila pupunta. Syempre nandoon din si Chesca kasama family niya. Nga pala sinuot ko yung bigay ni someone na dress saakin. Ang ganda talaga. 

" Oo na ate, eto na oh tara na" Sabi ko ng makalabas sa kwarto ko.

" Ganda ng dress mo ah, kung sino man yang stalker o secret admirer mo na yan, I salute him. He has a great taste when it comes to fashion lalo na at lalaki siya. Naku Yanna ha baka naman bakla yun " ate talaga napaka dumi ng isip.  I mean napaka imaginative.

" Ewan ko sayo tara na" Sabi ko tsaka inunahan siyang lumabas ng bahay. Syempre may dala kaming regalo para sa kanila tita. Magkakaroon ba naman kami ng exchange gifts.

" Antagal niyo ah " sabi ni mommy ng makapasok ako sa loob ng sasakyan. Kami nalang pala ni ate yung hinihintay.

" Si ate mom, andaming arte sa buhay " simpleng sagot ko. Tumahimik na rin ako pagkatapos ano. Baka naman ma batukan ako ng katabi ko. Mahirap na.

" Ganda ng dress mo Yanna ah" sabi ni mommy ng mapansin niya ang suot kong damit.

" Oo nga princess you look so gorgeous your a grown up lady already" sabi ni daddy saakin.

Mabuti naman at nakapagsalita na si daddy haha

" Ehem ehem, oo na kotang kota na si Yanna oh nandito pa ako mom, dad di niyo ba type tong suot ko!" Inis na sabi ni ate. 

" Ay oo nga pala dad ang ganda ng panganay natin ano? Blomming na blooming!" Puri ni mommy sakanya dahilan para mapatawa kami nila kuya.

" Napipilitan ka mi, nakaka sakit sa heart grabe naman kayo" sabi ni ate tsaka sumimangot

" Edi di ba Ashley sabi mo pansinin ka namin eto na yun oh" natatawang sabi ni mommy sakanya.

Maya maya pa aydumating na kami sa mansion ng mga Espanto " Sumunod nalang kayo Ash, dadalhin lang muna namin tong food sa loob!" Sabi ni daddy tsaka nauna silang pumasok sa loob.

Sumunod din sina ate " Yanna, pigilan mo yang selos mo ah. Wag kang magpaapekto kaya mo yan. Sumunod ka nalang ah" anong akala niya saakin iiyak ulit? Duh wag na mag nenew year na di parin ako makaka move on? Oh come on.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa bahay nila. As expected sina Chesca nandito na at lahat kami naka red.

Bitbit ko yung mga regalo ko para sa kanila ang gentledog naman kasi masyado ni ate.Syempre marami din silang bitbit kaya tiis tiis tayo.

" Here she is, hello Yanna!" Bati ni tita Nel saakin kaya na center of attraction ako.

I gave them my sweetest smile. Winning smile " Wow I love your dress Yanna!" Sabi ni Chesca saakin.

Lumapit ako sa kanila para mag beso. Napatingin ako kay Darren na nakangiting tumitingin saakin. Sa dress ko pala.

" Happy New Year po!" Bati ko sa kanila

" Naku hija mamaya pa, wag masyadong advance" sabi ni tita Mabel saakin. Tumunog naman yung phone ko kaya nag excuse muna ako sa kanila.

Si Toffy nag vivideo call taeng baklang ito ngayon lang nagparamdam. Huhu namiss ko siya sobra.

"Bakla! Na miss kita! bakit ngayon kalang nabuhay? " tanong ko agad ng masagot ko yung call.

" Wow naman di ba pwedeng happy new year muna?" Sarcastic niyang sabi.

IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon