chapter 17 ♥ (edited)

1.5K 103 20
                                    


It is a typical day, wala akong gagawin ngayong araw kundi ang tumambay sa bahay, matulog at kumain. Papunta ako nang kusina para kumain ng breakfast ko nang makasalubong ko si ate.

" Yanna mag ma mall daw kayo ni Khris, samahan mo daw siya" sabi saakin ni ate, wala man lang good morning eh!

" Nanaman? Hays anong oras daw?" Tanong ko tsaka napakamot nalang sa ulo ko. Akala ko pa naman free day ko na! 

" In 30 minutes nandito na siya" sabi ni ate. Hays! kahit kelan talaga rush hour tong si Khris, parating nagmamadali! Dali dali akong bumalik sa kwarto ko tsaka naligo. Mahirap na mapagalitan ng isang yun!

Nag shorts at t shirt lang ako tsaka nag rubber shoes. Ayoko namang mag pants kasi di ko lang feel hahaha. Sakto kakatapos ko lang mag ayos nang sumigaw ang bruha.

" Yannaaaa!!" Si Khris yan, kahit nasa labas siya ng bahay rinig na rinig boses niya.

"Oo na bababa na okay!" Sigaw ko pabalik sa kanya tsaka lumabas na ng kwarto ko. Pagkalabas ko naman ng gate, ibinaba niya yung bintana na nasa likuran ng sasakyan. 

" Pasok na Yanna dali" sabi niya tsaka tinuro na sa harapan daw ako umupo, sa katabi ng driver! Kaasar naman to, maraming arte!

" Teka bakit dito mo ko pina upo? " tanong ko nang maka upo ako sa loob. 

" Gusto ko maraming space dito sa likod kaya okay ka na diyan" sabi niya tsaka ngumiti pa.

" Manong driver tara na ho" sabi ni Khris tsaka tumawa pa. Baliw lang?

Napatingin ako sa driver. Si Darren yung driver? siya yung katabi ko! GAGA talaga ni Khris. 

" Sa gwapo kong to? Driver lang ako?" Sabi naman ni Darren tsaka pinaandar na yung sasakyan. Nagkukulitan nanaman silang dalawa. 

Binigyan ko naman ng death glare si Khris pero ngiting ngiti pa siya nakakabwiset talaga tong pinsan ni Darren. 

" Guys, ano na? tahimik natin ah? I'll turn on the radio ha!" Sabi ni Khris tsaka in-on yung radio.

(NOW PLAYING: PASSENGER SEAT)

" Yiiie! I soo love this song!" sabi niya tsaka ngumiti pa sa akin. Inirapan ko siya, kelan pa ba to titigil! Tumingin ako kay Darren na nakangiti habang nag da drive, haysss Yanna ano ba yan! 

" Life nga naman noh!" Sabi ni Khris tsaka umiling iling pa. Lumingon ako sa kanya tsaka binigyan siya ng death glare pero kumindat lang siya.

" Oy Darren kanta ka naman daw sabi ni Yanna " sabi ni Khris.

" I didn't ! " sabi ko ng pasigaw. 

Tumingin naman si Darren sa amin " Wag na kayong mag away, nandito na tayo!" Sabi niya kaya napatingin ako sa labas, oo nga nandito na nga kami sa labas ng mall.

" Okay, cousin una na ako ha! grabe naiihi na talaga ako, babush see ya sa loob" sabi niya tsaka kumaripas ng takbo.

Sinasadya talaga to ni khris.. humanda talaga yun sakin..

" Ahm, tara na?" Tanong ko kay Darren.

Tumingin siya sa akin tsaka ngumiti  " Okay may kukunin lang ako sa likod hintayin mo nalang ako sa entrance " sabi niya.

Tumango nalang ako at lumabas na nang sasakyan.  Nakakatakot dito sa parking, ang dilim kahit maaga pa.

Ba't ba ang tagal ni Darren? Hayys natatakot na talaga ako, nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang bigla namang humangin. SHT!

" Darren, tara na!!" sigaw ko habang nililibot paningin ko. Hindi pa naman ako nakaka abot sa entrance pero di ko na siya makita. Sht! asan na si Darren!

" Darren!" Sigaw ko ulit pero walang sumagot! sht naman naiiyak na ako. Takot pa naman ako sa dilim. 

Naglakad na ulit ako. Hahanapin ko si Darren  kasi natatakot na talaga ako, akala ko di niya ako iiwan, sabi niya hihibtayin ko siya pero wala nanaman siya dito.

Awtomatiko akong napasigaw at napatakbo pabalik sa sasakyan ng biglang may tumunog sa sasakyan.

" My D!" sigaw ko at nagsimula na akong umiyak. 

" My D!"


Maya maya pa may nabunggo ako. Sht ito na ba yung halimaw na papatay sakin?

" Sht. MyLy what happened?" Bigla nalang akong yumakap sa kanya. Buti nalang nandito na siya.

" My D natatakot ako, akala ko iniwan mo na ako.  Wag mo na akong iwan please" sabi ko at humagulgol sa pag iyak.

Naramdaman ko namang yumakap din siya " Shh! nandito na ako MyLy. Hinding hindi kita iiwan, tama na wag ka nang uniyak nandito na ako" sabi niya tsaka naramdaman ko nalang na hinalikan niya yung noo ko.

I really feel safe kapag nandito si Darren sa tabi ko. I feel safe when he's holding me. Please don't leave me agin. 


IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon