chapter 50 ♥ (edited)

2.3K 114 85
                                    

Yanna's POV

Nagising ako dahil sa liwanag na tumama sa mukha ko. Ngayon na pala ako ikakasal!

" Good morning Yanna! Today is the day!" Sabi ni ate saakin.

Ngumiti lang ako ng bahagya sa kanya tsaka bumagon na.

" Oh baby sis, smile naman dapat naka smile ka sa kasal mo mamaya!" Pag che cheer up saakin ni ate.

" I'm happy naman ate eh!" Sagot ko sa kanya.

" Hay naku baby sis. Smile!! Dapat good vibes " hyper ni ate ngayon ah.

" Okay ate! " sagot ko tsaka ngumiti.

" Yanna sunod ka na sa baba mag be breakfast na tayo!" Sabi niya bago siya lumabas.

Nandito kami sa bahay since mamaya pa namang 3 yung wedding.  Pagakarating ko ng kusina nakita kong naghahanda sila mommy ng almusal.

" Good morning!" Bati ko sa kanila

" Good morning anak kamusta tulog mo?" Tanong ni mommy

" Okay naman po"

" Morning princess, di ko talaga lubos maisip na ikakasal ka na mamaya" sabi ni daddy ehh mag dadrama nanaman ba kami neto?

Sumimangot lang ako sa kanila pero bigla bigla nalang tumulo yung luha ko " Bakit baby? Dahil ba hindi namin na convince yung parents ni Reige na wag ituloy yung kasal?" Tanong ni mommy tsaka lumapit saakin.

" No mom, di po iyon. Ngayon lang po kasi ulit tayo kumpleto eh ngayon lang ulit tayo nagkakasam para kumain ng breakfast!" Sabi ko sa kanila

" Swear to god! I will surely miss this " sabi ko pa kaya niyakap nila ako. Group hug baga. 

" Aww sorry baby at masyado kaming naging busy ng daddy ninyo sa trabaho kaya madalang nalang tayo magkakasama " Paumanhin ni mommy saakin.

" Okay lang po yun, kaya po lubus lubusin na natin ngayon " sabi ko sa kanila.

" Okay tama na drama okay? Mom, dad I know nakausap niyo na si Yanna kagabi yung mga farewell ninyo nasabi niyo na. Nag drama na kayong dalawa kagabi. Pwede wala nang magaganap na drama mamaya? Maawa kayo sa kapatid ko mom. Okay?" Paalala ni ate

Kaya napatawa kami " Yes dear we promise. Di na kami magdadrama ng daddy ninyo kay Yanna pero di ko maipapangako na di ako iiyak kasi alam niyo naman tears of joy " sagot ni mommy

Kaya nga walang makakatalo kay mommy pagdating sa drama eh.

Kwentuhan ko nalang muna kayo about sa wedding. Bohemian ang theme niya. Yan kasi ang pinili ko para naman ma iba. Typical church wedding dahil gusto kong maglakad sa aisle at yun talaga gusto ko eh sa harap ni Lord. The reception will be at the beach resort common na kasi sa mga hotels eh para maiba naman para lumitaw talaga yung bohemian theme. After din ng wedding aalis kami papuntang Greece, gagala kami since isa ito sa mga lugar na di ko pa napupuntahan.

" Anak babye na muna, magpapaganda pa ang mommy see you later anak" sabi ni mommy ng makarating kami sa hotel.

Sira ulo din tong si mommy eh! kagabi nga lang emote emote siya tapos ngayon saya saya niya lakas ng mood swings niya.

" Aloha, Yanna welcome!" Isa pa tong sira ulo. Si Khris.

" Wow naman ah na------- ohmygosh sino to?  Khris sino to?" Sigaw ko

Bigla ba namang takpan yung mata ko " Hoy kung sino ka mang panget ka bitawan mo ko! " sigaw ko sa nagtatakip ng mata ko.

Narinig ko naman ang pagtawa ni Khris "Ehem miss, di ako panget !" Pfft nilakihan niya pa talaga yung boses niya.

IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon