chapter 36 ♥ (edited)

1.7K 95 38
                                    

Yanna's POV

Nakakaloka yung lalaking yun feeling niya nalumpo ako. Tsk kabwiset kung makabantay saakin kanina. Pero kinilig ako dun peste.

" Hala oh, makangiti siya oh! Namamaga na nga yung paa pero nakangiti parin? Anong nangayari ha? " eto nanaman ang mga ala showbiz na tanong ni ate.

" Wala ate natatawa lang ako sa itsura ng lalaki kanina sa daan" syempre echos lang yun. Dahil kung sasabihin ko yung totoo sabihin nun patay na patay ako kay Darren. Tsk

" Weh? Sabi mo eh!" Sagot niya tsaka nilagyan ng bandage yung paa ko tsaka pinatungan ng icebag na may lamang ice.

" Oh magpahinga ka na muna. Wag ka nalang munang pumasok bukas kasi baka madagdagan pa yang pamamaga ng paa mo!" Sabi niya saakin

" Okay po. Magpapahinga na ako bukas!" Sabi ko sakanya bago siya umalis ng kwarto ko.

Gumagawa ako ng report ko para sa school kaya kaharap ko ngayon ang laptop ko.

Bigla namang nag ring yung phone ko

Darren calling...

"Hello?" Sabi ko ng maisagot ko yung call.

" Now my life is blessed with the love of an angel
How can it be true somebody to keep the dream alive

The dream I found in you
I always thought that love would be the strangest thing to me

But when we touch, I realize that I found my place in heaven by your side" kanta niya kaya naman napangiti ako. Ugh! Darren wag mo akong sanayin ulit sa ganito kasi mahihirapan nanaman akong mag adjust kapag magkakalayo na ulit tayo.

" Hey Myly " ugh! his voice nakaka in love.

"Hmmm?" Sabi ko nalang

" Okay ka na ba?" Tanong niya. Hays hanggang ngayon ba di niya parin ako titigilan? Sawang sawa na ako sa kakasagot sa tanong niyang ' okay ka na ba'

" Hay paulit ulit nalang ba tayo? I told you okay na ako!" Sabi ko

" Okay I'm just making sure! Hay Myly if I could just go there and hug you I will!" Tae. Pinapaiyak nanaman ako ng lalaking to.

" Haha, Okay na nga ako. Geh na matulog ka na may pasok ka bukas diba!" Paalala ko sa kanya

" Ikaw din, tulog kana. May pasok ka din bukas" balik niya saakin

" Di ako papasok bukas sabi ni ate para daw tuluyang gumaling tong paa ko!" Sabi ko

" So di ka pa nga okay? Sige na pupunta ko jan ha " Sabi niya

" Hoy, wag na kasi matutulog na ako ano ba. Geh na kasi matulog ka na goodnight !" Sabi ko tsaka hinintay na patayin niya yung tawag

" Okay, sige na good night Myly. Ibaba mo na ang call " sabi niya

" Okay babye" sabi ko at inend yung call.

Nilagay ko na ulit yung phone ko sa side table tsaka nag type ulit ng report ko ng biglang may tumatawag sa skype. Sino pa nga ba. Inayos ko muna yung itsura ko bago sagutin yung tawag.

Nakita ko siyang nakadapa sa bed niya tsaka busy sa pagtingin sa phone niya may tinatype yata.

Napatingin naman siya saakin " What now?" Tanong ko

" Well, I'm just making sure na okay ka talaga!" Simpleng sagot niya tsaka ngumiti.

" Hayys ang kulit mo rin ano? So di ka pala naniwala kanina noong sinabi ko sayo na okay lang ako? Wala kang trust?" Sabi ko sakanya tsaka ko siya tinaasan ng kilay.

IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon