chapter 18 ♥ (edited)

1.6K 100 15
                                    

Darren's POV

Totoo ba to? She called me My D!  Ang sarap sa pakiramdam. I admit I miss her calling me that. Ewan ko bakit pero kanina nung natataranta siya tsaka umiiyak tapos niyakap pa ako.Ewan ko lang pero ang sarap sa feeling. Alam mo yun, parang gumaan pakiramdam ko at di ko rin maexplain yung feeling ko. Damn, why am I feeling this way!

" A-ah S-sorry Darren, d-di ko sinasadya sorry talaga " sabi niya at mabilis na kumalas sa pagkayakap. 

" Okay ka na?" Tanong ko. Nag alala talaga ako kanina.

" A-ahh oo, sorry ha nabigla lang ako kanina kaya bigla kitang nayakap. Sorry talaga tsaka tara na kanina pa tayo hinihintay ni Khris" sabi niya tsaka naglakad na papasok ng mall.

Sumunod na ako sa kanya pero bago pa ako tuluyang makapasok sa entrance sinuot ko yung hood ng jacket ko at face mask mahirap na baka may makakilala saakin. 

Nilibot ko paningin ko, nakita ko si Yanna at Khris na nag uusap. Parang wala lang kay Yanna yung nangyari kanina. Ganon lang ba ka simple sakanya makalimutan ang nangyari kanina? parang wala lang yung pagtawag niyang My D sakin at yung pag yakap at pag sabi niyang wag ko daw siya iwan.

" Wow naman cousin! tagong tago ahh" sabi ni Khris sakin. Di ko siya pinansin. 

" Kain na muna tayo nagutom ako sa kakahintay sa inyong dalawa. Ano bang ginawa niyo sa parking lot at antagal niyo " sabi ni Khris saamin tsaka umirap pa. Kung alam mo lang! 

Nagtinginan kami ni Yanna pero nag iwas naman siya agad.

" Ahh okay naiintindihan ko" sarcastic na sabi ni Khris tsaka naunang maglakad.

Nagsimula nang maglakad si Khris kaya sumunod nalang kami ni Yanna sa kanya. Sa shakey's naman siya pumasok. Umorder  si Khris naman magbabayad kaya hinayaan nalang namin. 

Nasa harap ko si Yanna ngayon tinitingnan ko siya, wala naman palang pinagbago si Yanna except lang na mas lalo siyang gumanda. Siya parin yung Yanna na nakilala ko pero parang ako yung Darren na di niya na kilala. 

I'm so sorry Yanna, mahal ko kasi talag si Chesca at di ko siya basta basta lang iiwan o kakalimutan. Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya nang nag ring yung phone niya.

" Ahh excuse muna ahh, tumawag si Reige " sabi niya saamin. 

Sino si Reige?

" Go girl talk to him, yieee alam ko namang na miss niyo ang isa't isa ehh" sabi ni Khris kay Yanna.  Ngumiti naman si Yanna bago lumabas ng resto. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa maya maya pa ay may lalaking lumapit sa kanya at niyakap siya. 


" Psst Darren, kain na po! Wag mo namang sirain yang tinidor mo! " sabi ni Khris sakin. Nanggigigil na kasi ako sa lalaking kasama ni Yanna kung makayakap naman. 

" Khristine sino yang kasama ni Yanna?" Tanong ko. 

Nag smirk naman si Khris bago nagsalita" bakit ba tinatanong mo, selos ka ba?" Sinamaan ko siya ng tingin.

" Sino siya?"pag uulit ko. 

" Si Reige, boyfriend ni Yanna" bored niyang sagot tsaka kumain na ulit. 

Kaya pala, may iba na pala si Yanna " Oy busangot oh, nagseselos siya" asar ni Khris saakin. 

Pano niya nalaman na busangot tong pagmumukha ko?

" Hindi ah" mabilis kong sagot tsaka kumain na rin. 

" Hoy kilala kita! Akala mo ahh kahit pa mag takip yang pagmumukha mo alam kong naiinis ka" sabi niya. Di nako sumagot kasi totoo naman.

Maya maya pa bumalik na ulit si Yanna sa table namin habang nakangiti. Nakakamiss din pala siyang tingnan na nakangiti, yung tipong ang saya saya niya.

At dahil naiinis ako at ewan ko kung bakit pero tinawagan ko si Chesca " Babe!" Bati ko sa kanya nang sagutin niya yung tawag. Tumingin si Khris sa akin at tinaasan ako ng kilay pero si Yanna walang reaksyon, abala siya sa pagkain. 


" Yes babe??! Bakit ka napatawag?" Tanong ni Chesca, i smiled nang marinig ko ang boses niya. 

" Date tayo ngayon na sunduin kita jan in 15 minutes. Miss na kasi kita " sabi ko.

" Aww I miss you more babe, sige bihis lang ako ingat babe ahh I love you" sabi niya

Napangiti naman ako dun. 

" I love you more !" Sagot ko tsaka inend yung call. 

Nakita kong umirap si Khris sa akin tsaka nagsimula na niyang itorture yung pagkain niya. Alam ko inis na inis si Khris sa akin ngayon pero si Yanna wala lang. Parang wala nga siyang pakialam sa paligid niya eh. 

" Alis na ako pupuntahan ko si Chesca date namin ngayon" sabi ko at tumayo na.

" Oo alam na namin narinig namin. Date niyo? sige lang go. Do what you want" sabi ni Khris. Pagkatapos niyang sabibin yun lumabas na ako ng resto nababadtrip kasi ako. Kainis! 





Yanna's POV

" Argghhhhhh" sabi ni Khris tsaka binagsak niya yung kutsara at tinidor niya. Napatingin ako sa kanya.

" Well wala tayong magagawa, they have a date. Sino ba tayo para pigilan siya" sabi ko at tiningnan si Khris.

" He choose that anaconda over you Yanna!! I can't believe it!" Naiinis na sabi ni Khris sa akin. Natawa nalang ako. 

" Let me rephrase that, he choose over the girl he loves over us " sabi ko tsaka ngumiti. Heto nanaman yung luha ko. 

Wag kang tumulo. Wag kang lalabas nagtitipid tayo ng tubig. 

" Bessy okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Khris. I nodded kahit hindi.


Yan naman tayo diba, kahit hindi okay pinipilit maging okay.

" What happened ba kanina bakit antagal niyo sa parking lot?" Tanong ni Khris.

Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari, "tinawag ko siyang My D at niyakap ko siya but I didn't mean it. Tensed lang talaga ako nun kaya nagawa ko yun, fine i'll admit. Sobrang namiss ko lang talaga si darren pero about that hug and yung pag tawag ko sa kanya ng callsign namin noon? Di ko yung sinasadya, ewan ko sa bunganga ko bakit yung ang lumabas sa bunganga ko!"

" Hays ang gulo niyong dalawa, si Darren kanina while you and Reige are talking inis na inis. I know he's jealous kaya ayun umalis, I told him kasi na boyfriend mo si Reige at nag iba agad mood niya " sabi ni Khris. 

Selos?? Si Darren? Unbelievable.

Walang siyang dapat pagselosan in the first place nobody nalang ako sa kanya ngayon. He didn't even love me tapos nag seselos siya? There's no way. 






IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon