chapter 35 ♥ (edited)

1.6K 102 16
                                    

Darren's POV

Di ko nahatid ngayong araw si Yanna papunta sa school kasi pumunta ako ng Abs kasi pinatawag kami. Magkakaroon ng show. Maaga din namang natapos yung meeting pero sa hapon ay magkakaroon ng rehearsals kaya di nalang akong pumasok. Naglilibot ako sa Abs ng biglang nag text si Khris.

Punta daw ako ng school nila kasi may practice daw sina Yanna para sa Science day nila. Eh paki ko naman doon diba?!

Syempre joke lang, baka mabatukan ako. Wala rin naman akong gagawin kaya pumunta nalang ako ng school nila. Dahil may class naman sila walang masaydong gumagala sa school nila . Dumiresto na ako sa gym nila. Nakita ko siyang naka school uniform tapos naka suot ng heels.

Nagstay lang ako sa pwesto ko. Di nalang ako lumapit baka ma distract pa siya pag nakita niya akong nandito. Nagulat nalang ako nang bigla siyang sumigaw kaya dali dali ko siyang pinuntahan at ikinarga.

Sa una di pa niya napansin na ako dahil umiiyak siya. Ayaw ko pa naman makakita ng babae na umiiyak. Agad ko siyang dinala sa clinic ng school nila para di na lumala yung namamaga niyang paa.

Bakit ba naman kasi nila pinasuot si Myly ng ganon kataas na heels kahit mag tsinelas lang naman siya maganda pa rin yun. Tss

" Sweet dreams my Llyanna. Dream of me" sabi ko sa kanya saka ko hinalikan siya sa noo

Pinapanood ko lang siyang matulog ngayon. Ang ganda niya talaga. Mukha siyang anghel.

Ilang oras na rin tong natutulog. Si na nga ako nakapag rehearse dahil nga di ko siya iiwanan. Tinext ko nalang yung manager ko para sabihing di ako makakapunta.

Lumapit ako sa kanya tsaka hinawakan yung pisngi niya. Nilapit ko yung mukha ko sa kanya. 

" Uy, ahhh anong ginagawa mo rito?" Tanong niya kaya agad akong napaayos ng tayo.

" Pinunasan ko lang yung laway mo. Tumutulo na kasi eh maawa ka naman sa unan oh. Amoy laway na tuloy!" Sabi ko sa kanya. Agad naman niyang hinawakan ang pisngi niya kung totoo yung sinabi ko. Uto uto talaga siya. 

"Wala naman ah, di ako katulad mo na bumabaha ng laway kapag natutulog leche." Naiinis na sabi niya saakin.

" Joke lang naman yun ehh. Alam mo Myly kahit tulo laway ka pa dyosa ka parin. Kahit anong itsura mo maganda ka parin. " paliwanag ko sa kanya

Umirap siya " So tingin mo natuwa ako sa sinabi mo? At talaga, dyosa ako. Matagal na. At para sabihin ko sayo di ako tulo laway bwiset ka!" Sigaw niya saakin

" Wow naman Myly, madaming babae yung nangangarap masabihan ng isang Darren Espanto na maganda. Ang swerte mo na nga eh. Ma flatter kanaman!" Napasimangot ako sa kanya tsaka padabog na umupo ng couch.

" So tingin mo ang cute mo na kapag naka nguso ka? Ipakagat ko yang nguso mo sa aso eh. Tsaka ano ngayon kung maraming babae ang nangangarap na masabihan mo ng maganda? Edi sabihan mo sila isa isahin mo pa eh. Tsaka ako maswerte? Talaga lang ha? At sa tingin mo ma faflatter ako? Asa ka. Bwiset ka." Bulyaw niya saakin tsaka bumangon mula sa pagkakahiga.

Anyare sa dyosang to? Natapilok lang at natulog pag gising naging maldita na?

" Sorry na Myly. Binibiro lang naman kita eh di ko naman alam na magagalit ka " sabi ko nalang tsaka yumuko.

Bakit ang sakit lang sa pakiramdam. Yung parang wala na siyang paki saakin. Ni di na nga niya napapansin yung sweet words na sinasabi ko sakanya eh

" HAHAHAHA, really Darren? Your face!hahaha nakakatawa ka" Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumawa ng malakas.

Mood swings?

IETMH BOOK II: I'm Still Engaged Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon